Tulip Rama =)
"Mama bili moko non" Fay said almost begging while pointing the barbie doll that wearing pink dress.
Sa bawat tagpong ganto nang buhay naming mag-ina hindi ko maiwasang masaktan.
Kahit gusto kong ibigay lahat nang kagustuhan nang aking mahal na anak ay hindi kinakaya nang antas ng pamumuhay namin.
Sinong magulang ang hindi malulungkot kung simpleng barbie na laruan nang batang babae ay hindi man lang maibigay?
Na simpleng kasiyahan lamang nang anak ay hindi mapagbigyan.
Kailangan kong maging mas maging praktikal para mabuhay kaming mag-ina. Mas pipiliin kung ibili si Fay nang bagay na ikabubusog niy kesa laruang sa una lamang o ilang araw maganda sa kanyang panangin.
"Anak naman anong laging sinasabi ni mama sayo?"
Nandito kami ngayong mag-ina sa loob ng isang mall na nasa sentro ng bayan. May sideline ako bilang isang online seller at dito namin napag-usapang magkita nang isang customer para mapick-up niya ang order niyang pang skin care.
Pag minamalas ka nga naman ay natapat pa kami sa store na bilihin nang mga laruang pambata.
Hindi kona mabilang kung pang ilang beses konang hindi napagbigyan si Fay sa mga gantong kagustuhan.
Hindi ko naranasan ito nung bata ako.
Lahat nang gusto ko nakukuha ko.
Kung bakit ngayon kailangan maranasan ito nang sarili kong anak?
Bakit?
Masakit bilang ina pero no choice ako.
"Na mas okay pong pagkain nalang ang bilhin kesa laruan na pagsasawaan din naman po pag nagtagal" She said almost crying.
Anim na taon palang siya pero alam kong naiintindihan niya na ang mga bagay bagay.
Malawak ang pang-unawa ni Fay mana sa kanyang ama.
"Pasensya na anak ha? Hayaan mo pag-iipunan yan ni mama! Tutal malapit na ang birthday mo diba? Gift nayan sayo ni mama" Pinunasan ko ang mamasa-masa niyang mata.
Fay will be turning 7 in just two days from now.
Ngiti at tangong nakakaintindi ang sinagot sakin ni Fay.
I kiss her chubby cheek and smiled.
"Tulip!" someone called me from behind.
Nilingon ko iyon at tama ang aking hinala na siya na ang aming kameet-up.
Kaklase ko nung first to second year college. Dahil hanggang dun lang naman ang inabot ko kamuntikan kona ngang hindi matapos ang pangalawang taon ko. Undergrad ako sa kursong Bachelor of Science Business and Administration Major in Financial Management.
Hindi kona naituloy dahil nabuntis ako kay Fay.
"Bakla asan na order ko! Hi baby Fay!"
Sobra naman ata sa energy tong si Jane. Nakakuha na rin kami nang konting atensyon sa sobrang lakas nang kanyang boses.
"Hello po" Fay waved her hand in a cute manner.
Lalo tuloy siyang pinanggigilan ni Jane.
"Bakla eto na. Kaliwaan tayo baka i-takbo mo agad pagka-abot ko at ako pa ang magpaluwal diyan"
"Sigurista ka talaga no! Oo na sige na may lakad pako sumaglit lang ako dito para makuha ang skin care ko baka pumanget ako bakla!"
"Ang arte nito! Bakla hindi na mareremedyuhan yang mukha mo! Wag nang umasa!"
