Better
"Happy Birthday" He whispered to Fay.
Kasalukuyan kaming nasa kwartong tatlo, tulog pa din si Fay.
Nasa kama kami, buti nga nagkasya kami. Hindi pa rin akong makapaniwalang ganto ang sitwasyon ngayon.
Totoo ba ito o panaginip lang?
"Mahirap ba?" Tanong niya, patuloy ang pagtitig kay Fay.
Simula nang makita niya iyon ay hindi na naalis ni isang segundo ang tingin niya doon.
Ako ba tinatanong niya?
"Mahirap ba?" Muli niyang tanong, ako nga siguro ang kausap niya.
"Ang alin?" I aksed curiously.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at lumuhod sa harap ko sabay patong ng ulo sa hita ko.
Nasa dulo ako nang kama nakaupo. Ang kamay niya ay nasa dalawang gilid ko.
"I-m really sorry" He sobbed, without any signal my tears started to fall again.
Napuno nang hikbi naming dalawa ang kwarto, mabuti na lang at malalim ang tulog ni Fay.
"I-f I could turn back time, if I could"
Kahit ako, kung kaya ko lang ibalik ang mga oras na nasayang gagawin ko.
Pero siya man o ako ay hindi ay walang kakayahang gawin iyon. Kaya kailangan na lang naming tanggapin na nangyari na ang nangyari, hindi na namin mahihila pabalik iyon.
"Sana nandon ako, sana nandon ako sa mga oras na kailangan mo ako" He breakdown.
Fuck the pain, it's not bearable this time.
The pain I feeling right now? No words can explained it.
Masama ba kaming tao? Bakit sa amin nangyari ang mga bagay na ito?
"Ayos lang, nakaya ko naman" I assured him.
I remember my struggled the first I lay my hand to Fay.
Nanginginig pa ako nang oras na iyon, gustong gusto ko siyang buhatin at yakapin pero natatakot ako.
Natatakot ako na baka may magawa akong makakasama sa kanya.
Mas lalong naging mahirap nung mga sumunod na buwan niya, ramdam ko ang puyat at pagod.
Lalo na't wala pang gumagabay sa akin non. Magulang ko sana ang inaasahan kong aalalay sa akin ngunit wala sila.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dumating si Ate Grace sa buhay naming mag-ina. Napakadami niyang naitulong sa amin.
"Pero.." Nilamon na nang pag-iyak ang boses niya. "mas dadali sayo ang lahat kung nadoon ako para umalalay sayo"
Hindi ko alam kung paano ko siya pakakalmahin at pahihintuin sa pag-iyak.
Siguro nga, siguro nga ay hindi ako mahihirapan kung nasa tabi ko siya. Pero kahit anong hirap ang maranasan ko ay ayos lang.
Masaya naman ako dahil si Fay ang kapalit nang lahat ng bagay na iyon.
Ilang minuto pa ang tinagal nang pag-iyak naming dalawa.
Nang huminahon ay tumayo na siya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko.
"H-hayaan mo akong makabawi Tulips, hayaan mo akong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko" Aniya habang nakatingin sa anak namin.
Tumango ako kahit hindi niya nakita.
"Doon na ako sa sofa matutulog, tabihan mo muna ang anak natin. Anong oras na din kaya wag ka nang umuwi" I suggested.