Kabanata 5.

1 0 0
                                    

Es Bloom

"Gising na Tulips"

Pagkagising sa akin ni Mommy ay lumabas din siya agad.

Pinaalalahanan lang akong kumilos na at baka malate ako.

Habang naliligo ay iniisip ko kung pano pakikiharapan si Ion mamaya.

Anong isasagot ko kung sakaling tanungin niya ako kung bakit ganon ang kilos ko kahapon?

Hay nako bahala na si batman! Nang natapos mag-almusal ay hinatid nako sa Toyota ni Mang Bentong.

Pagkababa ko pa lang ay nakita ko si Ion na kababa lang din mula sa kotse nila.

"Good Morning" He waved his hand.

"Good Morning din" Nag-aalinlangan kong sagot.

Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Kumusta? Kahapon parang wala ka sa mood"

"Ah wala yon wag mo na lang pansinin. You know may mga oras na ganon talaga ang mga babae" Kinumpas ko pa ang kamay para mas kapani-paniwala ang dahilan.

Tumango nalang ito at inaya na akong pumasok sa loob ngunit biglang may humintong kotse malipat sa amin at niluwa non si Rose.

Pagkalabas ay hindi niya napansin na may maliit na bato.

Naging dahilan ito nang pag kapatid niya kung hindi alerto si Ion at hindi siya nasapo ay plakda ang mukha nang lola niyo.

Inalalayan siyang tumayo ni Ion at hindi naman makatingin si Rose sa kanya dahil sa hiya ngunit umusal nang pasasalamat.

What a scene. Nakakaganda nang umaga.

Ngunit kailangan kong hindi magpa-apekto. Jusko naman Tulip umayos ka.

Pagtapos nang eksena nilang dalawa ay sabay na kaming pumasok na tatlo.

Humiwalay din si Rose sa amin dahil nasa itaas ang kanyang department.

Umpisa palang pala yon nang mga eksenang masasaksihan ko sa pagitan nang dalawa.

Lumipas pa ang mga araw na mas lalo kung napapatunayan na may gusto si Ion kay Rose.

Talaga namang parang nanadya ang tadhana. Nanadyang ipakita pa sa akin.

May eksena nanamang walang tubig si Rose at isinabay ulit ni Ion nang kuha.

Minsanan pang nakasalubong namin si Rose nang utusan kaming umakyat sa department nila madami itong bitbit na papel at halatang mabigat kaya naman tinulungan ito ni Ion.

At may pagkakataon pang wala ding sundo si Rose kagaya nang dahilan ko nung nakaraan nasiraan ang kotseng susundo sa kanya.

Sino pabang magsasabay sa kanya. Walang iba kundi si Ion lang naman.

Pati ang mga kasama ko ay may napapansin na ding iba sa kanila.

Sinubukan ko mang wag magpa-apekto ay may araw talagang nawawala ako sa mood pag may ganong pangyayari.

Bat naman kasi kailangan kopa yung makita. Kakainis naman kasi talaga.

"Thank you po sa lahat nang good experience at knowledge hinding hindi kopo iyon makakalimutan" I thanked Ma'am May and Sir Marlon. This is the last day of our OJT.

Babalik lang kami sa school para sa gagawin naming narrative at para sa darating na foundation day ganon din para sa darating na final exam.

Pagkatapos noon ay graduatin na. Yes konting kembot nalang. 

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon