Kabanata 15.

4 0 0
                                    

Two faced

"Strictly no cheating. You may start answering your test papers"

Today is the day of our final exam. Pagtapos ng final exam ay practice na lang ng graduation. 

Nag-umpisa na ang lahat at nakakabingi ang katahimikan sa loob ng room namin.

Last subject na lang at lunch time na. After lunch ay one more subject na lang pwede na kaming umuwi.

Accounting ang kasalukuyan naming tinitake.

Bawal lumingon sa kanan, kaliwa at likod.

Napakastrikto kasi ng guro namin sa accounting. Isang lingon ay punit ang iyong test papers. Yes with S dahil tatlong pages ito.

Halos lahat ng estudyanteng mahahawakan niya ay takot sa kanya.

Hindi din naman maipagkakaila ang galing niya sa pagtuturo kahit na may ganto itong ugali. Parte na din siguro ito ng paraan niya kung paano siya magturo.

Nagfocus ako sa pagsasagot dahil gusto kong makakuha ng mataas na grado.

Dalawang oras lang ang meron kami kaya naman wala akong sinayang na oras.

Naglalakad lakad ang prof namin, dinadaanan ang bawat isang estudyante niya para makasiguradong walang makakapandaya at makakakopya.

Nang lumipas ang isa't kalahating oras ay biglang na lang nagsalita si prof.

"What do you think your doing? Akala mo makakalusot ka sa akin? Cheating huh?" Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at ayon si prof sa harapan ni Rose.

Nahinto sa pagsagot ang lahat napunta doon ang atensyon.

"What the hell! You have the guts to cheat in my subject huh? Saan ka bumili ng lakas nang loob para gawin yan Ms. Serrano?" Professor Millan anger filled our room.

Pinagkadiin niya din ang pagtawag kay Rose na parang kayang kaya niya itong ibaon kung saan man ito nakapwesto.

Halata sa mukha ni Rose ang takot. Sa mukha naman naming magkakaklase ang mababakas ay pagtataka.

Rose caught cheating in our final exam? Really?

Dinampot ni prof ang test paper ni Rose at hindi man lang nagdalawang isip na punitin ito sa mismong harapan ng mukha ni Rose.

"Go to Dean Salazarl! Now!" Sigaw ni prof na ikinagulat naming lahat dahil sa sobrang lakas non ay narinig sa mga katabi naming room.

Halos ikaputol na din iyon ng ugat niya sa leeg.

Nagkukumahog na dinampot ni Rose ang lahat ng gamit nito, nagkakandalaglag pa nga ang bawat gamit na hinahawakan niya.

Noon ko lang din napansin na parang wala sa sarili si Rose.

Malaki ang eye bag nito na parang kulang na kulang sa pagtulog.

Bakas din sa mukha nito na parang paiyak na dahil sa pangyayari kanina-kanina lang.

Hindi nawala ang gigil na tingin sa kanya ni prof.

Kaya naman ng nakuha na niya lahat ng gamit niya ay nagmamadali itong lumabas ng room at tinungo ang direksyon papunta sa office ng dean.

"Continue answering! One more time! Strictly no cheating!" Bulyaw nito sa amin na nagpakilos sa lahat para bumalik sa pagsasagot.

Hindi ko hinyaang magpalamon sa pag-iisip tungkol kay Rose kung ano ang rason niya bakit niya ito nagawa.

Mamaya ko na lang iyon iisipin, sa ngayon ay tatapusin ko muna itong final exam ko sa accounting, dahil sa oras na ito  mas mahalaga ang final exam kesa ibang bagay.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon