Kabanata 9.

1 0 0
                                    

Sayang

"Any suggestions for our booth?" Jane asked.

Pinangunahan ni Jane ang pag-uusap tungkol sa gagawin naming booth dahil siya ang class president.

Apat na araw ang celebration nang foundation day namin. Tuesday to Friday. Ngayong Monday ang preparation kaya nagmamadali na sa pagdesisyon sa pagpili nang gagawin na booth.

Isang araw lang ang binigay para sa paghahanda nito.

Nakinig lang ako sa kanya kanya suggestions nang classmates ko. Kanina ng nakita ko si Ion sa hallway ay nag sorry ako at nung nagtanong siya kung bakit ako hindi nakaattend, sinabi ko na lang may emergency sa bahay.

Tinanggap niya ito, sinabing hinahanap ako ni auntie sa kanya nung gabing iyon. Nagsorry lang ako ulit at sabay na kaming pumasok.

"What about 'Your song, I'll sing'?"

Nahinto ang lahat sa pagsasalita nang i-suggest iyon ni Bea.

"Pano yon?" Jane asked curiously.

Tumayo si Bea at ngumiti muna bago magumpisa.

"Ganto yon. Diba we have a lot of singerist here? Let's use them in our booth! Student can request a song to our booth. Maybe the request song is for there boyfriends, exes, friends and love ones! Let's arrange a mini stage in assign place to our section. "Bea explained.

"A mini concert?" One of my classmates.

"Tumpak!"

Madami ang sumang-ayon sa suggestion ni Bea na ikinatuwa niya.

Maganda naman talaga ang plano niya.

"Okay sino ang willing maging singer? The booth will be open in 4 days, if kakaunti lang ang magiging singer natin baka ikapaos nila iyon. We need to organize the singers properly, after that the officer will come to me to buy the materials that is needed in our mini stage. Others will start planning on how the stage will looks like, we have limited time so let's do this guy's!" Jane continue explaining what we need to do and prepared.

"Hey Jane, Tulip knows how to play guitar. Baka pwedeng maging guitarist natin siya no?" Napalingon ako sa sinabi ni Bea.

Gusto ko siyang sabunutan kung hindi lang nakatingin sa akin ngayon ang lahat.

"Oh pwedeng pwede mas maganda nga iyon" Jane smiled at me.

Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag. Paano ko makakatanggi kung nasa akin ang lahat nang atensyon nila?

Elementary ako ng matuto akong tumugtog ng gitara. Marunong si Mang Bentong non at ng isang araw napanood ko siyang mag gitara, naengganyo akong matuto kaya nag paturo ako.

Wala akong sariling gitara. Nakakapaggitara lang ako pag dinadala ni Mang Bentong ang kanya sa bahay.

Nilista lahat ni Jane ang magiging singer namin at umabot iyon nang labing isa. Ganon katalented ang section namin?

Lima na lalaki at anim na babae. Iaayos muna ni Jane ang schedule at sasabihan sila.

"Ion's voice is good too" Rose interrupted.

Nilingon siya lahat dahil sa pagkagulat.

"Primrose!" Saway ni Ion. Wow full name ang tawag.

"Sorry" Nagpiece-sign si Rose at yumuko ng may ngiti sa labi.

Bumuntong hininga si Ion.

Pano niya nalaman yon? Kinantahan ba siya ni Ion kaya niya yon nalaman? Paano?

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon