First time
Bahay at eskwelahan ang naging takbo ng bawat araw na dumating sa akin.
May mga araw na gusto ko ng sumuko dahil sunod-sunod ang mga dating nang gawain sa school.
Minsan ay nagsasabay pa ang tatlong project sa kada subject na kailangan ipasa kaagad.
Dalawa pa ang major kong talaga namang nakapanlulumo.
Taxation and ParCor?
Tuwing naririnig ko ang subject ko yan ay nangingilabot ako.
Nakakapagod pero hindi ko magawang sumuko. Tuwing gusto ko nang sumuko ay nandyan si Ion para i-motivate ako, may pangyayari pa ngang siya na ang tumapos sa mga kailangan kong gawin makapagpahinga lang ako.
Sa parte naman niya ay hindi ko nasaksihan na nahirapan siya sa pag-aaral.
Ewan ko kung nahihirapan nga ba siya o hindi niya lang ipinapakita sa akin.
Late ko na ngang nalaman na nagka-problema pala siya sa pamilya niya.
Madalang din naman kaming magkasama, dalawang beses sa isang linggo kami kung magkita.
Pinipilit kong matapos lahat ng gawain ko para pag dumating ang araw na magkikita kami ay wala na akong gagawin.
Katulad ngayong araw ng biyernes. Maaga parehas ang uwian namin, sabado at linggo ko na lang gagawin ang mga assignments ko pati na din ang pagre-review sa quiz namin sa lunes.
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya habang pinapainit ang makina ng sasakyan.
"Mansyon niyo na lang, limitado lang naman ang oras na meron tayo"
Ilang oras lang ang meron kami sa araw na ito, alas tres palang ng hapon at hanggang ala sais lang ako pwede.
Pag tinanong na lang ako kung saan ako galing ay sasabihin ko na nagpunta ako ng mall kasama si Bea o Jane.
Tumungo siya at inumpisahan ng paandarin ang sasakyan.
"Bebe girl" Sumalubong sa amin si Iris sa main door ng mansyon.
Binuka niya ang dalawa niyang kamay, handang handa na akong yakapin, hindi ko tuloy alam kong sasalubungin ko ba iyon o hindi.
"Stop calling her bebe girl, hindi mo siya bebe" Seryosong sabi ni Ion at itinulak si Iris palayo sa akin.
Natawa kaming parehas ni Iris, ako ay natawa dahil ang cute niya ng sabihin niya ang salitang bebe samantalang si Iris ay nakasanayan ko na ang ganyang ugali, ganyan lagi ang karakas niyan pag naaabutan akong nandito sa kanila.
Tuwang tuwa tuwing napipikon ang kuya niya.
"Always triggered, baka kasi maagaw ko" He mocked.
"Kung magpapaagaw, try it" Hamon ni Ion.
"I'll try?" Iris continue to teased his brother.
"Bago mo masubukan sabog nayang mukha mo sa akin" Asar na si Ion, halata sa boses nito.
Mas lalo lang lumakas ang tawa ni Iris, kumaway ito tanda ng pagpapaalam.
Saka ko lang napansin na pormadong pormado pala siya, saan kaya ang punta?
Hinila na ako ni Ion papasok sa loob. Inupo niya ang sarili niya sa sofa kaya ganon na din ang ginawa ko.
"Ang pikon mo" I speaked.
"Malakas lang mang-asar ang isang yon"
Isinandal niya ang batok niya sa sandalan nang sofa sabay tingala at pikit.
