Selos
"Kinakabahan ako"
Nasa tapat na kami ngayon
ng pinto ng classrom ko."Gusto mo samahan kita?" Ion suggested.
"Baliw kaba? Sige na punta kana ng room mo, baka malate kapa niyan!"
Pagtataboy ko sa kanya. Hinalikan niya lang ako sa pisngi saka ito umalis.
"Tulip!" Someone shouted when I finally enter the room.
Hinanap iyon ng tingin, natagpuan ko sa pangalawang row si Jane.
Kinawayan niya ako at tinuro ang katabi niyang upuan.
Nabawasan ang kaba ko dahil doon, salamat naman meron akong kakilalang classmate ko.
"Mabuti na lang same class tayo!" I cheerfully said.
Hindi din nagtagal ay dumating na ang aming prof sa araw na iyon.
Tanghalian ay sabay kami ni Jane kumain, si Ion ay hindi ko makakasabay dahil magkaiba ang schedule namin ngayong araw.
Kanina ay nagpalitan kami ng schedule para malaman namin ang oras ng klase ng isa't isa.
Dalawang araw lang ang nag tugma sa schedule namin, nakakalungkot na pangyayari.
Mamayang uwian ay ihahatid niya ako, naging smooth ang araw na iyon dahil umpisa pa lamang ng klase.
Mas maagang natapos ang klase ko kaya nag-antay na lang ako sa isang bench malapit sa classroom nila Ion.
Sisilipin ko sana siya kanina kaso ay tinamaan ako ng hiya kaya nanatili na lang ako sa aking kinauupuan.
Nag games na lang ako sa cellphone para may paglibangan man lang habang nag-iintay.
Umingay ang hallway dahil nag-umpisa ng maglabasan ang mga estudyante sa floor na ito.
Nasa third floor ang room ni Ion habang ang akin naman ay second floor.
Itinabi ko na ang cellphone ko. Tumingin ako sa pinto ng room nila Ion, iniintay ang paglabas niya.
Nalukot ang mukha ko sa kasalukuyang nakikita, kasabay maglakad ni Ion si Rose papunta sa gawi ko habang nag tatawanan sila.
Classmate sila? Business Administration din pala ang kurso ni Rose.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila ng nagtama ang tingin namin ni Ion ay inirapan ko agad ito na naging dahilan ng pagkawala ng tawa niya.
Tumalikod ako at inumpisahan na ang paglalakad. Mag papasundo na lang siguro ako sa driver ko, nakakahiya naman kasi sa kanila.
Narinig ko pa ang pagtawag niya pero binaliwala ko iyon.
Akala ko hinayaan niya na talaga akong umalis dahil malapit na akong makalabas ng gate ay saka palang may biglang humablot ng braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Saan ka pupunta? Di ba napag-usapan nating kanina na ihahatid kita?" Kunot noong tanong nito, nagtataka sa ikinilos ko.
Sasagot na sana ako nang mapansin kong may kasama pala siyang buntot.
Nakita niyang napatingin ako doon kaya naman nagpaliwanag agad siya kung bakit niya ito kasama, ramdam niya rin sigurong nagbago ang mood ko dahil sa kasama niya.
"Sasabay siya sa atin, nasiraan kasi ang kotse nila e" Kumamot pa siya ng kilay.
"First day na first day?" Tumaas ang kilay ko dahil doon.
Nasiraan? Baka naman ulo na nito may sira? Sus! Maniwala ako diyan, ganyan din galawan niyan nung senior high kami.
Kunware nasiraan pero gusto lang namang magpahatid kay Ion.
