Kabanata 12.

2 0 0
                                    

Hipon

"In 5 minutes aalis na tayo. Pasensyahan na lang sa mga maiiwan!" Jane reminded us.

Isa ito sa mga dahilan kaya si Jane ang palaging prisedente na ibinoboto namin.

Magaling talaga siyang mag pasunod, organisa at laging magaganda ang inilalatag na plano sa amin. Gusto niya palagi na nasa ayos ang lahat.

Kasalukuyan kaming nasa tapat nang EU nag-iintay pa sa ibang kaklase. Bakas ang excitement sa lahat.

Isang backpack lang ang dala ng bawat isa, may bitbit ding mga plastic na naglalaman ng mga pagkain.

Nakaparada na din sa harap ng EU ang bus na gagamitin namin. Nakita ko kanina sa loob si Rixton, kausap ang driver kinawayan niya ako kaya kumaway din ako pabalik.

Nasa tabi ko si Bea na panay ang kwento tungkol sa beach na pupuntahan namin.

Galing na kasi sila doon nung nakaraang bakasyon. Hindi ko pa napupuntahan ang Runaway Beach dahil pag bakasyon ay sa Baguio ang punta namin bb palagi, sa lola ko.

Apat na oras lang ang biyahe namin papunta ng Runaway Beach,estimated na doon ang maabutan naming traffic.

Ang call time namin ay ala sais. Dapat nakaalis na kami ng ala syete ng umaga, para pagdating ng tanghalian ay nandoon na kami.

"Alam mo bang madami silang offer na activities don? Mostly extreme! We should try it mars! For sure mag-eenjoy ka!"

Dahil sa narinig na iyon ay mas lalong nadagdagan ang excitement ko. Hindi ko pa kasi natra-try ang mga extreme activities.

"Okay, the long wait is over. Lets go!" Nagpatiuna na sa pag sakay si Jane.

Nag sunudan kami sa kanya. Ako na ang naghanap nag upuan para sa amin ni Bea.

Two seater ang bus na ito kagaya nang nakasanayan.

Kaliwa't kanan ay sampung katao ang pwedeng sumakay at sa dulo nang bus ay may mas mahabang upuan na pwedeng upuan ng tatlo o apat na tao. 

Ang space sa likod ay naging lagayan ng baon naming pagkain na pang pananghalian at hapunan.

Nakaplano kasing mag buboodle fight kami kesa kumain sa sikat na restaurant sa Runaway Beach.

Napag-isipan nila Jane na mag baon ng lutong pagkain. Galing sa kinita nang booth ang pinambili doon.

Nakahanap ako nang mauupuan sa kanan pang limang row.

"Dito tayo" Nilingon ko si Bea at tinuro ang pwestong nahanap ko.

Nakipag-unahan sa akin si Bea sa pag upo malapit sa bintana kaya wala akong choice kundi maupo sa tabi niyang malapit sa aisle ng bus.

Ginawa kong komportable ang sarili ko mula sa pagkakaupo.

"Hey Ion! Lets seat here" Rose voice filled my ears.

Natagpuan ko siya sa gilid ko turo turo ang katapat naming upuan sa kaliwa.

Nilapitan ko ng tingin si Ion na nakatingin din sa akin.

Nag-iwas ako nang tingin dahil naalala ko yung sa video. Ganyang-ganyan siya kung tumingin sa akin don.

Namula ang mukha dahil sa alaala na yon.

"Upo na kayong lahat aalis na tayo" Jane announced.

Nakaupo siya sa unahang row katabi si Rixton.

Dahil sa narinig kay Jane ay wala nang nagawa si Ion at naupo sa tabi ni Rose na nakaupo malapit sa bintana kaya naman si Ion ang katapat ko sa upuan.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon