Kabanata 14.

1 0 0
                                    

Six words story

Sa labas ay madilim na ang paligid sabagay hindi na nakapagtataka kasi ng bumalik kami ni Bea sa Bahay Kubo ay wala ng araw.

Naabutan ko ang mga kaklase ko na nagseset-up  ng bonfire, abala ang lahat dahil dito.

Habang naghahanap ng mga tuyong kahoy ang iba ay naupo muna ako sa sun lounger. Mag-isa ako dahil natanaw ko si Bea kanina na tumutulong sa mga kaklase ko.

Gustuhin ko mang tumulong ay wala akong lakas. Sa tingin ko ay malapit ng mag ala syete nang gabi.

Tinignan ko ang kalmadong dagat umaalon man ay hindi ito malakas. Tumingala ako para makita ang nagkikinangang bituin sa langit.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganito ang pangalan nang beach na ito.

Pwede mo itong maging takbuhan sa oras o araw ng kalungkutan. Dahil sa angking ganda ng lugar na ito, makakalimutan mong malungkot ka at mapapalitan ito ng kasiyahan.

Panandalian mong makakalimutan at matatakbuhan lahat nang lungkot na nadarama.

Para sa akin ay malaking bagay na iyon. Kahit hindi nito maalis ang lungkot at least kahit saglit ay naiba ng lugar na ito ang nararamdaman mo.

Pwede ding marefresh ng lugar na ito ang utak at nararamdaman mo. Malaking tulong iyon para kung sakaling gagawa kana ng desisyon mas magiging maganda at matatag ang kalalabasan nito. No regrets eka nga.

Pero mawawalan ba nang regrets sa buhay ng tao? I bet not.

Napalalim ang pag-iisip ko habang nakatingala sa langit.

"Hey Tulip! Lets go. Ready na ang bonfire doon na din tayo kakain para sa hapunan" Hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ni Rixton.

Nilingon ko ang Bahay Kubo na inarkila namin kung saan sa tapat non nilagay ang bonfire.

Nandoon na ang mga kaklase ko mga nakapalibot. Grabe naman yung pagmumuni-muni ko na iyon hindi ko namalayan ang minutong lumipas.

Nginitian ko si Rixton at tumayo na. Sabay kaming naglakad pupunta sa hinanda nilang bonfire.

"Ayon oh! LipTon" Roly teased us.

Sinabayan pa iyon ng biro ng iba ko pang classmates. Natawa na lang kami ni Rixton dahil kami ang napagtripan ng mga ito.

May bakante sa tabi ni Bea kaya doon ako naupo tumabi naman sa akin si Rixton.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin simula palang ng paglapit namin sa bonfire hanggang sa pag-upo ko.

Nilibot ko ang paningin sa mga kaklaseng nakapalibot sa bonfire.

Nasa harap ko ngayon si Ion at syempre katabi niya si Rose.

Nakumpira kong may nakatitig sa akin ng makitang titig na titig sa akin si Ion kahit na may apoy na namamagitan sa amin.

Tumatagos ang tingin nito.

Buti nakasama silang dalawa? Dapat hindi na. Bumalik nanaman ang pag-iisip ko dahil sa nakita ko sila.

Okay na kanina e, nawala na. Bakit kasi nakisali pa kayo sa bonfire? Dapat nanatili na lang kayo sa loob ng Bahay Kubo.

Hindi ko hinayaang malunod ang sarili mula sa pagkatitig na iyon ni Ion.

Nag-umpisa kaming kumain ng hapunan habang nakapalibot sa bonfire.

Masaya dahil napuno iyon ng kwentuhan. Natapos kami sa pagkain ay hindi pa din naubos ang baong kwento ng bawat isa.

Hindi na muli akong naglakas loob na tumingin sa harapan ko kahit ramdam kong hindi naalis ang tingin niya sa akin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon