New
Ordinaryong araw lang ang nangyayari sa akin ngayon.
Ordinaryong araw na aking kinasanayan sa mga nagdaang panahon.
Nasa loob ako ngayon nang aming classroom at katabi ang aking nag-iisang matalik na kaibigan na si Bea simula elementarya.
Kami ay Grade 12 students na sa kasalukuyan.
So technically si Bea ang aking best of friends.
Hindi pa nagsisimula ang klase dahil wala pa ang teacher namin sa first subject kaya may oras pa kami sa pagkwekwentuhan.
"Please introduced yourself first and after that you my take your sit next to the chair of Miss Rama"
Tinuro niya ako.
Nakuha non ang aking atensyon.
Nikita ko si Mrs.Rivera na pumasok bitbit ang kanyang bag.
May kasunod na lalaking matangkad, malapad ang mga balikat at kung susuriin mabuti ay halatang batak sa workout ang katawan.
Ilan taon na kaya ito?
Para kasing hindi namin siya kaedaran nang iba kong kaklasing lalaki dahil kung itatabi ito sa kanya ay magmumukha lamang mga totoy ang mga ito.
"Good Morning everyone I'm Orion Rigel Vega please to meet you all"
Malalim at magaspang na boses ang bumalot sa loob nang aming classroom.
Nakuha niya ang atensyon nang lahat lalo na ang mga kababaihan.
Ang iba ay masyadong hantad na hantad ang pagtitig na tila nakakita nang artistang sikat at kulang nalang ay tumulo ang kanilang mga laway.
Sinong hindi makukuha ang atensyon kung nasa harap mo ang ganitong likha nang Diyos?
Malalalim na pares nang mata na tila nilulunod ka sa ilalim nang karagatan tuwing iyong tititigan.
Makapal na kilay na bagay na bagay sa noong halatang laging nakakunot.
Ilong na kahit titigan molang ay parang napakasarap ipaglandas nang iyong mga daliri magmula sa itaas pababa.
Labing parang laging nang-aakit na alam kong hindi mo matatanggihan kung sakaling ito'y nasa iyong harapan.
Ang kanyang aura ay sumsigaw nang kaseryosohan na parang hindi tumatanggap nang biro at kaya kang sapakin pag hindi nagustuhan ang iyong prisensya.
Ngunit hindi nabawasan non ang kanyang dating.
Parang willing kana lang magpasuntok basta makalapit lang sa kanya.
Kung susumahin lahat ay babagay ang salitang perpekto sa lalaking itong nagngangalang Orion Rigel.
Tao paba ito?
Nagtama ang aming paningin lumakad siya papunta sa bakanting upuan sa aking tabi.
At don palang alam kong nag-uumpisa nakong lumangoy paahon sa aking pinaglunuran para maisalba ang sarili.
"Mars hinga. Baka paglamayan ka namin dito later" Bea whispered in my ear.
Shit! Hindi na pala ko humihinga hindi ko man lang namalayan.
Walang paalam na umupo siya sa kaliwang tabi kong upuan na nag-iisang bakante na lamang sa room.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya pati na rin ang iba kong classmate.
Samantalang ang pumukaw nang atensyon nang lahat ay walang paki sa madaming pares na matang nakatingin sa kanya.
Diretso lamang ang kanyang tingin sa blackboard habang prente ang pagkakaupo.
