Kabanata 29.

1 0 0
                                    

Muling pagkikita

Nasa tapat na ako ng Every-juan. Nakapag-message na din ako sa kaibigan ni Bea.

Nag-iintay na lang ako sa paglabas niya.

"Hi, ikaw ba si Tulip?" May lumapit sa akin, isang babaeng may boy cut.

Pamilyar ang mukha niya sa akin. Bukod sa kamukha niya si Bella nang palabas na Twilight.

Alam kong nakita ko na siya.

Saan nga yon?

"Yes" I answered while thinking.

"Im Dj! Ops D-J ha, not B-J!" Humalakhak siya sa sariling biro, nakakahawa ang pagtawa niya kaya nadamay ako.

"Pasok na tayo" Inakbayan niya ako at kwenentuhan ng kung ano-anong bagay.

May iba kaming dinaanan, hindi sa entrance ng bar. Nabasa ko na para sa mga employee ang pasukan na ito.

Napalagay ang loob ko sa kanya, pano ba naman ay napakadaldal niya. Parang si Bea, kaya siguro nagkasundo sila.

"Ito ang uniform mo. Wala ang boss natin, ibnilin kana niya sa akin" Abot niya sa isang plastik na naglalaman nang damit.

Binuksan ko iyon, tumambad sa akin ang kaparehas nang uniform niya.

Black pencil cut at navy blue na damit na may kwelyo. Mabuti na lang at hindi kaganong revealing.

Naging revealing lang ang kay Dj dahil bukas ang dalawang butones niya sa dibdib, na nagpapakita ng hiwa niya sa dibdib.

"Palit kana para makapag-umpisa na tayo" Itinuro niya sa akin ang banyo, pumasok ako don at nagpalit.

May locker din para sa mga empleyado, para sa lalagyan nang gamit.

Bago ko ipasok ang gamit ko doon ay nagmessage muna ako kay Avi. Kanina ay nagpalitan kami nang numero para makibalita ako kay Fay.

Okay naman daw ito at naglalaro lang kasama si Cloud. Yon nga ang inaasahan ko. Mukha kasi talagang masungit si Star, baka nakatakot sa kanya si Fay.

May nilabasan kaming pinto kung saan nagdala sa amin sa loob na nang bar.

"Kumusta dude!" Bati ni Dj sa isang bartender nang lumapit kami doon sa bar station,kung saan may mataas na lamesa sa harap ng lalaki pati na din upuan. Bar top kumbaga.

"Oy dude! Sino yang kasama mo? Mas maganda sayo ha? Hi miss!" He winked.

"Lol, itigil mo yang galawang fuck boy mo. Bagong waitress. Mag-iingat ka dyan kay Bogs, tirador yan ng mga bago" Bulong niya sa akin pero sinandya niyang iparinig sa lalaking nagngangalang Bogs.

May itsura ang isang to.

"Ulol ka Bj este Dj" He mocked.

"Fuck you dude" Dj raised her middle finger.

Isa pa sa napansin ko kay Dj, ay paraan nang pagkilos at pananalita niya.

Alam kong bulgar iyon at kakaiba. Pero alam kong mabait siya. Iba-iba naman talaga ang personality ng tao.

Natapos ang asaran nila ng may babaeng amerikano ang umorder nang drinks kaya nafocus don si Bogs.

"Madali lang naman ang trabaho natin, nakakanood ka naman siguro sa palabas kung anong ginagawa nang mga waitress di'ba? Ganon lang din" She explained.

Itinuro niya sa akin ang magiging lugar ko, malaki ang bar kaya madami din ang waitress. Dalawang floor pa nga ito.

Sampung table ang nakalaan sa akin, kapag nagtawag ang waitress sa table na iyon ay saka ako kikilos.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon