Kabanata 33.

1 0 0
                                    

Awa

"What Tulip?" Naiinip niyang tanong.

"Wa-wala akong l-lalaki" Lumunok ako dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Good" He smiled at me.

Wala naman talaga akong lalaki bukod sa kanya. Siya nga itong may bago na.

"Hindi kaba hinahanap ni Rose?" Labag sa loob kong tanong.

"Bakit niya naman ako hahanapin?" Kunot noo niyang saad.

"Malamang..." Hindi ko alam kung kaya kong manggaling mismo sa sarili kong bibig kung anong relasyon nilang dalawa.

"E nang anak mo?" I rephrased my question.

Ayon, hindi ba siya hinahanap nang anak niya kay Rose?

"Tulog ang anak natin Tulip, paano niya ako hahanapin?" Sagot niya.

"Anak mo ka-" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang pagtawag ni Fay.

"Mama" Nagkatinginan kaming dalawa, sabay din kaming tumayo para puntahan ang anak namin.

"Mama" Malat na muling tawag ni Fay.

"Po?" Umupo ako sa gilid nang kama, pipikit-pikit ang mata niya.

Tinabahin ko siya at niyakap naman niya ako. Ilang minuto pa ang tinagal bago ulit siya makatulog. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya.

Si Ion ay nasa paanan nang kama, pinapanood kami.

"Let's get married" Muntik ko nang ikahulog yon sa kama ng marinig ko.

Napabaling ako sa kanya, nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko.

Sumabay ang pagtulo nang luha ko.

Kasal? Di'ba ikakasal na sila ni Rose?

Kung sakali mang ikakasal kami para saan?

Ano ang dahilan? Dahil may anak kami?

Gamit ang mata ko ay pinakita ko sa kanya kung gano akong nasasaktan sa sinabi niya.

Wag na lang. Wag nalang kung para lang sa anak ko.

Aaminin ko mahal na mahal ko pa din siya.

Pero, mahal niya pa ba ako?

Nakaramdam nanaman ako ng panibagong sakit. Alam mo ang sagot don Tulip.

Alam na alam mo.

Kung mahal ka pa niya bakit ikakasal na siya sa iba? Bakit may anak na siya sa iba?

Halata ang pagtataka niya sa reaksyon ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pinikit ko ang mata ko kasabay nang pagbagsak ng panibagong grupo nang luha.

Lumipas pa ang minuto, pinakiramdaman ko ang sunod niyang gagawin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"What? Which hospital?" Nagkusot ako nang mata, narinig ko ang pagmamadali sa boses ni Ion.

"Mama" Nilingon ko ang anak ko, mukhang kagigising niya lang din.

Tinignan ko ang orasan sa dingding nang kwarto namin.

Ala sais pa lang nang umaga.

Natanaw ko si Ion sa kabilang gilid nang mesa, nagmamadali sa pagsinop ng mga gamit niya.

"Wait for me. I'll be there give me one hour or less" Pinatay niya ang tawag at lumingon sa aming mag-inang nasa kama.

"I need to go" Alinlangan niyang paalam.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon