Symtoms
Nakabalik na ang mga magulang ko mula sa Baguio, kaya naman balik na din ako sa bahay namin.
Naging busy ulit kami sa mga dumating pang araw. Okay lang naman, iniintindi naman namin parehas ni Ion ang isa't isa.
Kung susumahin nga ay isang linggo na nang huli kaming nagkita, pero wala kaming naging away. Ayos na ayos kami.
Ngayon ay napaaga ang uwi ko kaya napagdesisyunan kong supresahin siya. Aayain ko siyang lumabas ngayong araw.
Tutal ay maaga naman ang uwi niya. Nakapagpaalam naman ako kanina sa parents ko na mag mamall ako kasama si Bea. Another lie.
"Excuse me miss, nasan ang mga estudyante sa room na ito?" Tanong ko sa babaeng nag lalakad sa tapat ng room nila Ion.
Nagtataka kasi ako dahil walang laman ang room nila ni isang student. Asan sila?
"Ahh tuwing sasapit ang ala una nang hapon ay wala nang estudyante diyan" Huminto siya sa paglalakad.
"Sure ka miss?" Paninigurado ko.
"Oo naman, isa din kasi ako sa nagro-room diyan kaya sure ako" Natatawa niyang sagot.
"Kung ganon ay kaklase mo si Ion?"
"Ion?" Kunot noo niyang tanong tila inaalala ang binanggit kong pangalan.
"Orion Rigel Vega" Banggit ko sa buong pangalan ni Ion.
"Ahh oo classmate ko nga si Rigel;" Sagot niya.
Rigel pala ang tawag nila kaya hindi niya naalala agad.
"Kung ganon bakit wala na kayong klase?" Usal ko, ipinakita sa kanya na labis akong nagtataka.
Paanong hindi ako magtataka? Tuwing kakausapin ko si Ion sa telepono ay lagi siyang pagod. Pagod sa pag-aaral. Tapos ganito ang malalaman ko?
"Kasi miss may research kaming ginagawa. Kaya binigay ang maraming oras namin sa hapon. Mahirap kasi e" She explained.
Hindi ako agad nakasagot. Ganon ba? Bakit hindi sinasabi sa akin ni Ion?
"Actually kakaalis-alis lang ni Ion, kasama niya yung girlfriend niya. Swerte nga nila sila pa ang naging partner sa research namin! Tinadhana talaga sila sa isa't isa. Hope all" The girl added.
"G-girlfriend? Ako ang girlfriend niya miss" Usal ko na ikinagulat niya.
"Sigurado ka? Akala ko si Rose ang girlfriend niya. Sorry miss" Pagpaumanhin niya sabay sabing kailangan niya ng umalis dahil iniintay na daw siya nang kapartner niya.
Hindi ko na nakuhang mag pasalamat dahil sa narinig mula sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagpatak nang luha ko.
Ganon kabalis? Naiyak na agad ako? Hindi ko man lang nag-init ang sulok nang mata ko.
Napaka-emosyonal ko naman ata. Dumiretso ako sa mansyon nila. Doon ko siya iintayin, umaasa kong makakausap ko siya ngayong araw.
"Dito po muna kayo miss, wala papo si Sir Ion" Pinaupo ako ng katulong nila, umalis siya saglit para ikuha ako nang maiinom. Nag-intay ako doon sa pagdating ni Ion.
Gusto kong hingin ang paliwanag niya, dahil deserve ko iyon.
"Hija gising" Narinig ko ang malumanay na boses na iyon habang tinatapik ng mahina ang pisngi ko.
Napaayos ako ng upo mula sa pagkadukdok sa arm rest nang sofa ng makilala kung sino ang gumising sa akin.
"Auntie" Antok kong bati.