Kabanata 31.

2 0 0
                                    

Why?

Dumating ang oras ng napag-usapan namin ni Jane.

Kasalukuyan kaming nasa mall ni Fay, sinama ko siya para malibang-libang man lang.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay dito na pala. Dito na pala ulit kami muling magkikita.

Hindi lang pala siya ang kasama ng batang kaagawan ni Fay sa laruan. Natanaw ko si Rose, papalapit siya sa amin.

"What's happening?" Kunot noo niyang tanong habang lumapalit. Kumapit pa siya sa braso ni Ion.

Walang nakasagot sa tanong niya, nang magtama ang mata namin ay pinakita niya na hindi niya gusto ang nangyayari ngayon.

Ako din naman.

Bakit biglaan? Kahit anong handa ko, pag tadhana na ang kumilos wala na akong palag.

"Mommy yung doll po kasi, I want that" Sagot nang batang babae.

Mommy? Anak nila ang batang to? Wow! Buti pa ang anak niya kay Rose kilala niya.

E yung anak niya sa akin?

Bakit hindi ito binanggit sa akin ni Rose nang nagkita kami sa bar?

"Tulip, I said let's talk" Muling saad ni Ion.

Dahil hindi maipaliwang ang nararamdaman ko, bigla ko na lang binuhat si Fay at tumakbo palabas ng mall.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Ion ngunit hindi ko na siya nilingon pa ulit.

Narinig ko din na hinarang siya ng guard dahil hinabol niya kami bitbit ang laruang pinag-aagawan nang dalawang bata.

Naging dahilan ito para haranagin siya nang guard.

Nang makasigurado na akong nakalayo na kami ay ibinaba ko na si Fay mula sa pag kabuhat ko.

"Mama bakit po tayo tumatakbo?" Takang tanong ni Fay, buti nakalimutan na ang laruan.

"Bakit mo ginawa yon anak? Di'ba sabi ko ibibili naman kita? Hindi mo ba maiintay yon?" Hingal kong sabi.

"Sorry po ma" Paumanhin niya.

"Sa susunod ay wag kang aalis sa tabi ko okay? Baka mawala ka!" Bumuntong-hininga ako.

Tumango lang siya bilang sagot, umuwi na din kami pagkatapos non.

Kinagabihan ay duty ko, wala ako sa focus dahil sa nangyari kanina.

Totoo ba? May anak na sila ni Rose? Mas lalong wala nang pag-asa.

"Problem?" Dj asked.

"Wala" Lata kong saad.

"Wala? Bakit ganyan ang itsura mo?" She asked one more time.

Pinagisipan kong mabuti kong mgkwekwento ako sa kanya. Pwede naman siguro? Wag na lang akong magbanggit nang pangalan.

"Nakita ko ang papa ni Fay" Paninimula ko, nanlaki ang mata niya sa narinig.

"Saan?"

"Sa mall kanina. Tinakbuhan ko nga e" Dagdag ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi alam gagawin at sasabihin ko" Pag-amin ko.

"Sunggab agad bhie!" Natatawa niyang saad.

"Bakit ikaw di mo sinunggaban agad?" Sabat ni Bogs.

"Hoy shut up! Hindi ka kausap, epal amp" Inirapan niya si Bogs.

"Ilang taon kayong di nag-usap?" Muling baling sa akin ni Dj.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon