Cousin
"Kumusta ang school anak?"
Sabado ngayon at wala siyang pasok. Kasalukuyan kaming nasa sala.
"Ayos naman po mama, kaso lagi pong napapagalitan si Cloud ang kulit po kasi" Nag kamot siya nang ulo tila inaalala ang bawat pagalit kay Cloud.
"Fay! Sabing satin lang yon e" Cloud pouted.
Hindi namin namalayang mag-ina ang pagpasok ng kambal kasama si Oswa.
"Ops" Fay zipped her mouth.
"Okay lang yon dude, ako din naman" Humalakhak si Oswa at inakbayan si Cloud.
"Dude ha? Magtino kayong dalawa" Nangangaral na sabat ni Star.
Ngumiti at bumati muna siya bago tumabi kay Fay.
Nitong mga nakaraang araw ay nakikita ko na ang unti-unting nagbabago sa kanya.
Madalas na ang pagtawa at pag ngiti niya. Pero tuwing kasama lang si Fay, naiiba pag nakasama na ang dalawang batang lalaki.
Madalas ay pikon siya sa mga ito, kaya mas lalo siyang inaasar.
Mga bata nga naman. Kinagabihan ay ganon pa din nag naging set-up namin.
"Table 6" Ini-abot na sa akin ni Bogs ang drinks.
"Here's you're orders" I politely said.
"Tulip?" Someone called me. Hindi pa nga sure ang tono nang pananalita niya, tila kinikilala din ako.
Inangatan ko iyon ng tingin.
"Tulip" Rixton exclaimed.
"Rix!" I exclaimed back.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagpaalam sa mga kasama bago lumapit sa akin.
Inaya ko siya sa pwesto ni Bogs, naupo kami parehas sa high chair.
"How's life? Bigla kana lang nawala" He asked.
"Before anything else, gusto ko lang mag pasalamat dahil nasakay ako sa bus niyo nang libre!" I chuckled remembering that day.
"Really? How? Why do you need to take a raid in bus? No cars?" Nagtataka niyang tanong.
"Long story! Basta salamat! Rixton lang sakalam" I laugh out loud.
Sinabayan niya din ang tawa ko, ilang minuto lang din ang inabot nang kwentuhan namin.
Kailangan niya nang bumalik sa mga kasama niya samantalang ako naman ay may trabaho.
"Pst! Di'ba kilala mo ang isang yon? Mukhang hindi na kaya pang umuwi ng buhay e" Tinuro sa akin ni Ram isa pang waitress ng Every-juan si Rixton.
Nangunot ang noo ko nang makita ang lagay niya.
Damn wasted! Ilang oras pa lang ang nakakalipas ha? Mababa ba ang tolerance niya?
Nilapitan ko ang table nila, wala na rin ang mga kasama niya. Saan nag sipuntahan yon?
"Rix, oy buhay kapa ba?" Tinampal-tampal ko ang pisngi niyang libre. Nakadukdok kasi siya sa mesa.
Naestatwa ako ng bigla niya na lang kong yakapin.
"O-oy!" Utal na saway ko.
Kakalasin ko na sana ang pagyakap niya sa akin nang marinig ko ang paghikbi niya sa balikat ko.
"A-ako na lang ang piliin mo. Ako na lang please" He cried harder after saying those words.
Gusto ko man siyang itulak ay hindi ko magawa, kawawa naman ang isang tao.