Kabanata 26.

1 0 0
                                    

Withered

"Mars anong problema mo?" Nag-aalalang tanong ni Bea.

Nandito kami ngayon sa girls comfort room. Lunch break namin at nagpapasalamat ako na nagtugma ang schedule namin dahil kailangan ko talaga nang makakausap ngayon.

Kaninang umaga bago pumasok ay nagpadaan ako kay manong sa isang butika para bumili ng tatlong pregnancy test na iba iba ang brand.

Oo tatlo, gusto kong makasigurado kung tama nga ba ang hinala kong buntis ako.

Aligaga kong kinuha ang tatlong pregnancy test sa bag ko at ipinakita iyon sa kanya.

"Puta!" Nahablot niya iyon sa akin at nanlalaki ang matang tumingin doon.

Naluha na agad ako wala pa din.

"Natatakot ako" Wala sa sariling naiusal ko.

"Nandito lang ako para sayo, kahit ano mang maging resulta nito. Tandaan mo yan" Pinahid niya ang luha ko sabay yakap.

Kumalma ako nang konti ng marinig iyon mula sa kanya. Kailangan na kailangan ko talaga ang mga salitang ganon ngayon.

Sinunod ko ang instruction na nakasulat sa likod. Pinatakan ko ang tatlong pregnancy test ng ihi galing sa akin.

Nakapatong sa sink ang tatlong pregnancy test, nag-intay pa kami nang ilang minuto para malaman ang resulta.

Kabado ako sa totoo lang. Pero kahit ano mang kalabasan, alam kong buo na ang desisyon ko.

"Omg!" Humiyaw si Bea nang makita ang resulta.

Napahagulgol ako nang makita iyon. Dalawang pulang linya.

Buntis ako! May laman na ang tiyan ko! May anak na kami ni Ion!

Niyakap ako ni Bea sa pangalawang pagkakataon.

Halo ang nararamdaman ko ngayon. Una ay saya! Napakasaya ko dahil isa itong biyaya mula sa Diyos. Pangalawa ay takot.

Takot dahil kaya ko kayang maging mabuting ina? Kaya ko na ba? May paghahanda ba para doon?

Natatakot din ako sa sasabihin nang magulang ko pag nalaman nila ito. Ano kayang gagawin nila sa akin? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa ng anak ko?

Huling takot ko ay kung paano sasabihin kay Ion. Paano kung ayaw pa niyang magkaanak? Paano pag wala pa sa plano niya?

"Paano ko sasabihin sa magulang ko na buntis ako?" Umiiyak kong saad. Hindi na ako makahinga sa sobrng pag-iyak. 

Kung tututol sila ay wala akong paki. Buo ang desisyon ko kagaya ng sinabi ko kanina.

Hindi ko pa alam ang resulta ay may desisyon na ako. Itutuloy ko ang pagbubuntis ko, kahit ako lang ang may gusto.

"Kalmahin mo ang sarili mo mars, makakasama yan sa bata" Hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako.

"Hindi ko ulam kung ano ang uunahin ko" Pag-amin ko.

"Kausapin mo muna kaya si Ion? Ipaalam mong buntis ka. Saka niyo harapin ang magulang mo" Payo niya. Nakayakap pa din siya sa akin.

"Paano kung ayaw niya pang magkababy?" Panibagong bugso nang luha ang tumulo sa mata ko.

"Maniwala ka sa akin, tatanggapin niya yan" Determinado niyang sabi.

Nagtiwala ako sa sinabi niya, ilang minuto pa ang lumipas bago ko napahinahon ang sarili ko sa tulong ni Bea.

Nakaharap kami ngayon parehas sa salamin, mugtong mugto ang mata ko.

"Ninang ako ha!" Excited niyang sabi, na nagpangiti sa akin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon