Kabanata 10.

1 0 0
                                    

Babala

Nakatulugan ko nanaman ang pag-iisip kagabi. Naiwan sa isip ko ang tanong nayon na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang sagot.

Hayaan ko na muna sa isip ko yon. Baka pag hinayaan ay mawala na lang ng parang bula. Pabor pa sa akin!

Maaga akong pumasok kesa sa nakasanayan. Kaya naman pag dating ko sa school ay inikot ko ang field para tinagnan lahat ng booth na sarado pa dahil maaga pa nga.

Ano kayang magandang puntahan dito mamaya? Tutal pahinga ko naman sa pag gigitara. Nakatanggap ako nang text kay Jane na pahinga ko ngayong araw.

Una kong nadaanan ang marriage booth na talagang maganda ang pagkakaayos.

Hindi ko naman ito pwedeng puntahan mamaya. Ano yon? Papalista ko sarili ko? Para naman akong timang non.

Saka wala naman akong boyfriend. Kanino naman ako mag papakasal? Biglang pumasok sa isip ko si Ion. Wala lang naisip ko lang siya.

Sunod kong nadaanan ang jail booth. Maganda ang mechanics ng booth na ito ngayong taon.

May mic silang gamit. Ginagamit nila ito para balaan ang mga taong huhulihin nila.

Halimbawa ay huhulihin nila ang mga nakaitim na damit, nakalugay ang buhok, nakatattered jeans at iba pa.

Nakakatuwa na medyo nakakainis ito dahil biglang nagkakagulo ang mga estudyante dahil magtatago sila kung saan para hindi mahuli.

Kapag nahuli ay kailangan magpiyansa para makalabas bali-balita na tinaasan ngayon ang bayad kaya naman talagang mapapatakbo kana lang at hindi magpapahuli.

Kahapon ay hindi ito nag-operate dahil sa college department ito busy pa sila kahapon kaya ngayong araw ang unang bukas ng booth.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pag-iisip kung anong booth ang pwede kong mapuntahan.

Inabot ng isang oras ang paglilibot ko kaya saktong pagdating ko sa booth namin ay nandon na din ang mga kaklase ko handa na sa pagbubukas.

Nag set kami nang speaker para sa minus one. Dahil kahapon ay puro acoustic guitar ang bumubuhay sa pagkanta ng singer, ngayon ay nilagyan na namin nang minus one.

Para bawas trabaho sa pag gigitara dahil limitado lang kaming may kayang tumugtog nito.

Nag-umpisa na ang pangalawang araw nang foundation day. Ngayon ay kontrolado ang mga nagrerequest dahil kakaonti lang sila kung ikukumpara kahapon.

Baka dahil wala si Ion kaya bawas customer. Hindi naman matumal kumbaga sakto lang.

Aayain ko sanang maglibot si Bea pero siya ulit ang nag-aassist sa mga taong nag papalista.

Kaya naman ako na lang mag-isa. Kagaya kanina ay naglibot ako ang kaibahan lang ay mas nakikita kona kung ano talagang meron sa mga booth dahil bukas na ito.

Lumapit ako sa stall na nagbebenta ng french fries para bumili. Kakain ako habang naglilibot.

"Babala! Magtago na lahat ng may kinakin papunta na ang mga parak" Someone announced.

Nalibot ko ang paningin ko sa paligid nakita ko ang isang estudyante na sinumpak ang kinakaing tinapay.

Meron din akong nakita na pinagkasya sa bibig ang siopao na kinakain, halos mabulunan na ito dahil wala pang bawas ang kinakain.

Makakapatay ata ng tao ang jail booth!

Napatingin ako sa kinakain ko at sinubo iyon lahat, large fries pa naman ang binili ko.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon