Bouquet
Kagaya nang napag-usapan ay nandito ako sa Es Garden iniintay si Ion.
Nakatulala ako sa langit. Hindi mainit sa balat ang sinag ng araw bukod sa nakasilong ako sa lilim nang puno ay sinasabayan iyon nang malamig na ihip ng hangin.
Nakatulugan kona ang pagiisip kagabi. Hanggang ngayon ay dala-dala ko sa isipan yon.
Ang katiting na pag-asa na nararamdaman ko sa puso ko ay unti-unti ng nawala.
Ganon lang kadaling bitawan sa akin ang pag-asa na iyon. Ngayon ay alam kona kung bakit.
Dahil takot ako.
Takot akong hindi niya ito masukluin. Takot ako na baka sa huli ay sakit lang ang dala nang nararamdaman ko kay Ion.
Sakit na sisira sa buong pagkatao ko. Sabi nila take a risk. Pero hindi ko ata kayang gawin iyon sa ngayon.
Hindi pa sapat ang nararamdaman ko para mag take ako ng risk.
Sa haba ng pag-iisip ko ay ganon nalang kalayo ang narating.
Pero ramdam ko na kahit takot akong sumugal ay hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko. Ano na lang kaya ang gagawin ko?
"Boo!" Nahawakan ko ang dibdib ko sa gulat at sumama ang tingin ko na para bang mamatay ang dadampuan non.
"Bakit nang gugulat kapa!" Nahampas ko si Ion sa braso at mas sumama ang tingin.
"Arouch! I call you many times. But you keep on day dreaming" Hinimas himas niya ang brasong pinalo ko.
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa narinig sa kanya. Arouch? Wth!
"Hey! What's funny?" He asked.
"Arouch? Para kang bakla" Tawa ako nang tawa.
"You think I'm bakla? Kiss kita dyan e" Conyo pa nga.
Ngumuso pa siya na parang bata. Hindi ako natinig sa sinabi niya dahil sa kacutan niya.
May ganto palang side ang lalaking to ha.
Conyo with cute face! I like this side. Oh no scratch it! I love this side.
"Tara na nga" Yaya ko sa kanya at nauna nang maglakad.
Pano naman hihinto ang nararamdaman ko sa kanya? May bago nanamang dahilan akong nakita para magustuhan siya.
Hindi na kataka-taka na isang araw paggising ko, mahal kona tong lalaki nato.
At sigurado akong malapit na ako don. Konti pa. Napailing ako sa naisip.
Nang narating namin ang faculty ng mga professors ay siya na ang kumatok at nagbukas ng pinto at pinauna akong pumasok.
Hinanap ko agad si Mrs. Rica Manabat. Naglakad ako papunta sa mesa ni prof nakasunod lang sa akin si Ion.
Bawat professors na makikita at madadaanan namin ay binabati namin nang magandang umaga.
"Good Morning Mrs. Manabat" Ion and I greeted.
"Oh Good Morning to the both of you. How can I help you?" She smiled.
"We will passed our narrative prof" Ion answered.
"Inasahan ko nang kayo ang una kong makikitang magpapasa ng narrative. Hindi nga ako nagkamali!" Mrs. Manabat proudly said.
Nginitian namin siya ni Ion at nagpasalamat.
Pagkapasa ay lumabas na kaming dalawa sa faculty. Naglalakad na kami ni Ion sa hallway ng magsalita ito.
"Maaga pa. Gusto mong gumala?" Nilingon ko siya diretso lang ang tingin niya sa nilalakaran namin.