Kabanata 1

419 10 6
                                    

HEZU

"Dad, kailan kaya siya magigising? Magigising pa kaya siya, Dad?" Ibinaling ko ang aking tingin sa anak ko na nakatitig din sa babaeng halos dalawang buwan nang walang malay. Halata ang pananabik ni Hezian na magkaroon ng nanay kaya gano'n na lamang siya kung mag-alaga at magbantay kay Mara. Ang babaeng unang pumukaw ng atensyon ko.

"I don't know, Anak. But don't worry, she's going to be fine." Hinalikan ko siya sa noo pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga papeles na nakabalandra sa'king malapad na lamesa.

"Paano kung hindi na siya magising? Gaya ng nangyari kay Abuela," malungkot niyang sabi. Yes, my mother died five years ago after being four months comatosed. But nah, we're okay now. Kinaya namin kalabanin ang lungkot.

Kinuha ko muna ang tali sa buhok na nakapatong sa lamesa ko saka iyon itinali sa kaniyang buhok bago ko siya sagutin.

"They're different, baby. Mommy died because of her sickness, while this girl is just suffering from her sleeping disorder, okay?" Hindi pa siya nakuntento kaya muli siyang nagtanong. Ni hindi ko matapos-tapos ang mga dapat kong gawin ngayong araw dahil sa dami ng tanong niya.

"Paano kung may kukuha na sa kaniya? I want her to be my mother." Sinubukan pa niyang mag-pout para kumbinsihin ako. "Mukha siyang mabait plus she's naturally beautiful." Kagat-labi akong napangiti habang nakatingin sa babaeng mahimbing na natutulog.

How can I get a woman like her, huh? I find her cute and jolly kahit hindi ko pa siya nakakasama ng maayos o nakausap man lang, but she really caught my attention that night.

"Yeah, she's cute..." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa rin kay Mara.

Sana'y magising ka na. Gusto kong makilala at makasama ka, young lady. You look interesting.

"Stop staring at her, Dad! You're kinda weird, the cock!" Saglit akong napatigil nang marinig ang huling sinabi ng babaeng prenteng nakaupo habang magka-cross ang dalawa nitong braso. Bakit ba kasi sa'kin ka nagmana? Okay lang sana kung sa itsura lang, pero hindi, pati ugali ko nakuha mo.

"Watch your language, Hezian. Alam kong nagmumura ako pero kahit kailan hindi ako nagbanggit ng ganiyang klaseng mura. Where did you get or hear that freaking cuss?" She just pouted her lips while playing her fingers. Hindi mo'ko madadala sa paganiyan-ganiyan mo, Hezian.

"I heard it from Hermana Rafia..." aniya. Oh, it came from the only daughter of Rainee and Kofi Salvacheera—the new trending couple in our hometown. Saint and I are also Salvacheera and Kofi is one of our jerk cousin. We're close pero dahil sa trabaho, hindi namin magawang mag-usap.

"Just don't say it again, okay?" Hinintay ko ang isasagot niya ngunit ilang minuto pa bago siya tumugon sa sinabi ko.

"No, Dad. I find it cute than your 'what the hell' or whatever." Pumanhik na siya palabas ng kwarto ko kaya hindi ko na ito nasaway pa.

Just like me—stubborn.

Naniniwala na talaga ako sa sabi-sabing 'Like father, like daughter.'

Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Ilang oras nakatutok ang mga mata ko sa mga papel na nakalatag sa harapan ko. Ilang oras na rin akong nakaupo at nag-aasikaso para sa darating na trial bukas. Hindi pa man ako tuluyang natatapos nang umalingawngaw ang boses ng mga kalalakihan na papunta sa gawi namin. Kailan pa ba tatahimik ang mga bunganga nila? Tsk.

"Yo! How's her, Kuya Hez?" bungad na tanong ni Kal. Isinantabi ko muna ang mga ginagawa ko para makausap sila ng maayos. Nakaupo silang apat sa mahabang sofa na nasa gilid ng kama kaya halos ang tingin nila'y nasa babaeng nakahiga at walang malay.

"I don't think her sleeping disorder isn't normal. Like what the hell! Ilang months na siyang nakahilata at walang malay." Nakiupo na rin ako sa tabi nila pagkatapos kong magsalita. Napansin ko ang seryosong mukha ni Saint na nakatuon din sa tulog na si Mara.

"Ano kaya kung ipa-broadcast na lang natin, Kuya Hez?" Yoshi asked. Seryosong-seryoso din ang mukha niya, halatang may halaga na rin si Mara sa kaniya dahil halata sa mukha niya—no, halata sa mukha nilang lahat. Ngayon ko lang sila nakitang ganiyan kaseryoso para sa ikabubuti ng isang babae. Ako lang naman ang unang sumira sa rules naming lima kaya hindi na 'ko magtataka kung hindi nila masususunod 'yon. Trial in court first, before trial in bed with girls.

"No! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalamang may hawak tayong babae? Dudumi lang ang pangalan nating lima, Yoshi," seryosong sabi ng isa. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Mas uunahin niyang bumango ang pangalan niya kaysa sa ikabubuti ng iba. Hindi na 'ko magtataka, baka talagang namana niya ang ugali ni Abuelo. Buti na lang ilang taon lang kami nagkasama ni Abuelo sa Spain. Maliban kay Kofi, siya rin naman ang laging nakakasama ni Abuelo, hindi katulad ko at ni King. Mabuti na rin siguro 'yon.

"Yeah, inisip ko na rin 'yan before I suggested my idea. But, hindi mo ba iniisip na mas lalong lalala ang sitwasyon kapag tumagal nang tumagal. Pa'no kung may mangyaring masama riyan? Mas lalong masisira ang pangalang iniingatan mo," may diing saad ni Yoshi, halatang iritado na rin sa mga nangyayari.

"Can you please stop that bullshits? Mag-isip na lang kayo ng paraan, hindi yung pati rito'y propesyon niyo pa rin ang iniisip niyo." Napatampal na lang ako sa noo dahil mukhang nagkakainitan na silang tatlo. Si Callip ang pangalawa sa pinakabata pero mas matured pa ang pag-iisip niya sa dalawa. Sana lang hindi na makisali pa si Kal, mas lalong gugulo.

"Bakit hindi na lang natin ibigay sa bahay ampunan? Tutal hindi naman natin 'to kaano-ano. Ba't pa kasi dinala niyo 'yan dito." Napaawang ang bibig naming apat dahil sa sinabi ni Saint. Seriously?! Siya kaya ang dahilan kung bakit nandito ang babaeng 'yan. Kung hindi niya lang sana 'yan sinayaw, hindi sana 'yan napadpad dito.

"Talagang sa'yo pa nanggaling 'yan, ah? Baka natatandaan mong ikaw ang dahilan kung bakit nandito ang babaeng 'yan." Napatayo siya at taas-noong hinarap ako na animo'y may ipagmamalaki pa. Umandar na naman ang kayabangan ng gagong 'to.

"I'm drunk that time at wala akong alam sa nangyayari! Ba't kasi hindi niyo 'ko pinigilan, 'di sana hindi tayo umabot sa gan'to!" Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Ilang beses na 'kong nagpapakumbaba pagdating sa kaniya dahil ayaw ko ng away. This fucktard!

"Sino pa sa'min ang makakapigil sa'yo, Saint? Kahit naman pigilan ka hindi ka pa rin magpapapigil. Talk shits!" Mabilis niyang naabot ang kwelyo ko kaya ganon-ganon na lang niya ako kadaling nasapak. Napatilapon ako sa gilid ng kama dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Kitang-kita ko ang rumehistrong gulat sa mukha ng tatlo. Nilapitan ako ni Callip at pinigilan naman ni Yoshi at Kal ang galit na galit na si Saint.

"Alam mo, matagal na 'kong nagtitimpi r'yan sa ugali m—"

"POTANGINA NASA'N AKO?!"

What the fucking hell?! Talagang makikisali pa ang babaeng 'ya—fuck! S-She's awake...

"MGA GWAPO KAYO PERO KAKASUHAN KO KAYO NG SEXUAL HARASSMENT! MAGTUTUOS TAYO SA KORTE, MGA KRIMINAL!" Ang bawat salitang binitiwan nito'y nagpalaglag ng panga naming lahat maging si Saint na kanina lang ay galit na galit. What the fuck is wrong with this woman?

•••
RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon