YOSHI
"May kulang pa ba sa stock? Pakilista na lang lahat ng kulang para isahan na lang. Carlos, just call me if you need something, okay?" Abala silang lahat sa pag-aasikaso kung anong kulang sa mga stocks na gagamitin sa kaarawan ng costumer namin.
"Yes, Attorney!" Tumango na lang ako at iniwan sila roon para lumabas ng stock room. Kinuha ko ang teleponong nakasilid sa aking bulsa at agad na kinuha para tawagan ang taong matagal ko nang gustong makausap. Kung hindi lang ako abala, paniguradong matagal ko nang nakausap itong taong 'to. Maya-maya lang ay sinagot niya ang tawag ko.
"Kuya Saint," pabungad na sabi ko. Alam kong antok pa 'to dahil ang tanghalian namin ay siya namang umagahan niya. Sanay na kami nang panahong kasama pa namin siya sa bahay, kaso umalis na siya para lang sundin ang deal nila ni Mara.
"8:13 am, I'm still sleepy. Just call me later Yoshi—"
"Just meet me here in my coffee shop. I want to talk with you." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Alam kong naiinis na naman siya dahil naistorbo ko ang tulog niya. Hindi ko Alam kung anong ginagawa nito tuwing gabi, parang laging puyat. Wala naman kaming nakikitang may inuuwi siyang babae kaya imposible.
"You fucktard! Arrgghh!" Binabaan niya ako ng tawag kaya hindi na rin ako sumubok pang tawagan siya dahil alam kong lalo siyang maiinis. He's two years older than me but he's acting like he's two years younger.
Saglit akong napatigil nang mapansin ang pamilyar na babaeng kakababa lang ng taxi na sinakyan. Habang papalapit siya nang papalapit ay doon ko tuluyang nakilala kung sino ito. She's wearing a simple violet v-neck dress na pinarisan ng doll shoes. She's very simple but I can't deny that she's beautiful. By the way, she's my younger sister—Yaree Satoshami.
Napansin ko ang pamumugto ng dalawang mata niya kaya agad ko siya sinalubong para sana tanungin. "What's wrong with your eyes, young lady? Did Callip make you cry again?" Inihawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mata niya at iginaya papasok.
"Just a small fight, Kuya." Pilit siyang ngumiti sa'kin para makumbinsi ako sa sinabi niya. Yaree and Callip had relationship together. My parents and his parents were best friend kaya napagkasundo nila na subukang ipagsundo ang dalawa. It worked until now.
"Umupo ka muna riyan, kukuha lang ako ng iinumin mo." Tinalikuran ko siya para kumuha ng makakain at maiinom niya. Dito talaga ang takbuhan niya kapag may problema sila, bagay na kinasanayan ko pati na rin ng mga staff ko.
"Carlos, pakihatiran naman si Yaree ng maiinom at makakain niya," utos ko. Hindi ko na kailangang sabihin kung ano ang kakainin at iinumin niya dahil alam na nila 'yon kahit hindi ko sabihin. Sa lahat ng tauhan ko, si Carlos ang pinakaclose namin ni Yaree. Bumalik ako kung saan ang pwesto ni Yaree para muli siyang kausapin.
"How are you? Minsan ka na lang pumunta dito." Napanguso ako na para bang batang nadismaya. Tumawa lang siya sabay punas sa mga mata niya.
Alam kong si Callip lang ang dahilan ng pag-iyak niya, wala namang iba e. Hindi rin naman ang mga magulang namin dahil kahit kailan ay hindi kami binigyan ng mga problema nila Mom and Dad. They just support us, as their daughter and son. Bagay na ikinalamang ko sa apat kong kaibigan.
"I'm fine, Kuya," tipid niyang sagot. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa dahil hindi ko rin alam kung anong sunod kong itatanong o sasabihin sa kaniya. Mabuti na lang ay dumating agad ang pagkain at inumin niya. Naputol ang pagtitig ko sa kapatid ko nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa.
"I'm coming, just wait." It was Saint. Mabuti na lang ay hindi siya busy ngayon, gusto ko lang naman siyang kausapin.
"By the way, Kuya, kamusta si Mara? Is she okay now?" Presko pa rin sa akin ang lahat ng nangyari nang gabing iyon bago nakatulog si Mara. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming pansinan ni Kuya Hezu.
Marunong ako rumespeto sa mga taong deserving para sa respeto ko. Sadyang napuno lang ako nang mga araw na iyon dahil sa pinagsasabi niya kay Mara.
"Hindi ko alam kung magigising pa siya, but I'm still hoping for that." Nakihigop ako sa inumin bago muling nagsalita. "Sa tingin mo normal pa rin ang sakit niya? Ngayon lang ako naka-encounter ng ganiyang sakit."
"I don't know, bago sa akin 'yan. Akala ko sa palabas ko lang makikita ang ganiyang sakit. But I'm really proud of her kasi kinaya niya kung anong mayroong sakit siya," saad niya pagkatapos ay muling sumubo sa kinakain niyang chiffon cake.
"Bagay na nagustuhan ko sa kaniya bukod sa pagiging simpleng babae at inosente." Napailing na lang siya at nagpatuloy sa kinakain. Hindi na nagtagal si Yaree sa shop at dumiretso ng bahay.
Ilang minuto lang ay nakarating na agad ang taong kanina ko pa hinihintay. As usual, he's wearing a white tee-shirt and black khaki shorts.
"What?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa kasungitang binungad niya sa akin.
"I just want to talk with you about Mara." Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko pa ang pagkagulat sa kaniyang mata nang banggitin ko ang pangalan na iyon.
"W-What about her?" nauutal niyang usal. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko sinagot ang tanong niya.
"May problema ba kayo ni Mara?" Pansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Hindi man niya sabihin ay alam ko na kung ano ang sagot sa mga tanong ko. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinapansin si Mara. Ni hindi niya nga alam na ilang buwan na itong walang malay dahil hindi naman niya tinanong sa amin kung kumusta ito.
"Yes, but drink your own tea, Yoshi. Marami akong problema kaya 'wag mo nang dagdagan pa." I felt disappointed because what he said. Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng lamesa pero pinilit kong pagaanin ang loob ko.
"Paano mo nagagawa 'yan kay Mara? Inisip mo ba kung anong mararamdaman niya dahil sa ginagawa mo? Naisipan mo bang magtanong sa amin kung okay lang siya? O kung buhay pa ba siya? You're selfish!" Hindi ko napilit ang sarili na hindi siya pagtaasan ng boses. Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag si Mara na ang pinag-uusapan?
"Kasi hindi lang 'yan ang problema ko! I have many problems, Yoshi. Hindi mo'ko masisisi kung ikaw ang nasa katayuan ko." Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya.
"Pa'no kung sabihin ko sayong halos anim na buwan na siyang tulog? You still don't care?" Kumunot ang noo niya at napababa ng tingin dahil sa sinabi ko. Wala sana akong balak na ipaalam sa kaniya ang kalagayan ni Mara pero ito na lang ang natitirang paraan para maayos ang hindi nila pagkakaintindihan.
"I will stop the deal. I will pay everything of her expenses but the deal is already done." Napaisip ako kung bakit niya sinasabi 'to sa akin.
"Why?"
"Because Hyacinth want to fix our relationship." And then he stood up and turn his back on me without telling anything.
Hyacinth Geigsler Lastismosa, his ex...
“What? Did you just mean....you'll dump Mara?”
“Indeed.”
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...