MARA
"Are you gonna sleep here, Mom? Dad?" Napalingon ako kay Sachi na mukhang naiirita na nandito ang mga magulang niya.
Ilang araw na kasi silang nandito, maging si Yezhiah na dati lang ay galit na galit sa akin. Hindi ko alam kung anong nakain niyan bakit hindi na ako tinatarayan.
Ang sarap nilang tignan. Ang sarap tignan na may mga taong handang magbantay sa akin kahit hindi ko sila kadugo.
Napabuntong-hininga ako nang muling nanumbalik sa isipan ko ang offer ni doktora.
"Dalawang beses ka lang magpapa-therapy dito sa Pilipinas, Margarette."
Pagkatapos ng pangalawang therapy ay hindi ko na sila makikita. Hindi ko na siya makikita. Paano ko sasabihin kay Saint 'to? Paniguradong hindi siya papayag.
"Dito kami matutulog ng Daddy mo, Sachi," tugon nito.
"At bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay doon ka matutulog sa bahay?" matapang pa na saad ni Mrs. Salvacheera. Napanguso si Sachi dahil sa maawtoridad na boses nito. Sa totoo lang, nahihiya na ako sa kanila. Napaka-swerte ko dahil may mga taong ganito ang trato sa akin kahit isa lang akong hamak na probinsyanang napadpad dito sa Manila.
Natigilan ako nang makaramdam ng kakaiba sa sikmura ko. Napabalikwas ako galing sa pagkakahiga at doon napaduwal ng tuluyan. Sunod-sunod na pagduwal ang nagawa ko sa mismong hinihigaan ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano sila napatakip sa bibig. May humahaplos sa likuran ko habang iwinalis ang buhok ko para hindi masukaan.
"Santi! Tawagin mo si Rainee bilis!" Hindi ko magawang lingunin pa sila dahil sumabay ang pagkahilo ko. Duwal lang ako nang duwal kahit parang wala naman nang lumalabas sa bunganga ko.
Maya-maya lang ay nagpawis na ang buong katawan ko. Hindi siya masyadong marami pero ramdam na ramdam ko ang paglabas ng mga likido sa katawan ko. Hindi mainit sa kwarto kung saan ako na-confine, pero ganoon na lamang ang paglalabasan ng mga pawis ko.
Alam ko na isa ito sa mga sintomas ng cancer ko. Isa pa lang ito sa sintomas. Maraming sintomas ang binanggit ni doktora kaya hindi imposible na maglabasan na ang mga sintomas na iyon ngayon.
"Iha, hindi ka ba nagugutom? Nasusuka ka pa ba? Masakit ba ulo mo? O 'di kaya ay natatae ka? Nauutot? Magsabi ka lang, sasamahan kita sa comfort room," natataranta niyang sunod-sunod na tanong. Gusto ko mang matawa pero hindi magawa ng katawan ko. Hinihimas-himas niya ang likod ko at nilagyan pa ang towel dahil sa pagpapawis.
Si Yezhiah ay nakaalalay sa akin. Hawak-hawak niya ang isang braso ko na nakahawak sa tiyan ko. Si Sachi naman ay nakaalalay kay Mrs. Salvacheera kung sakaling may iutos man ito.
Ilang minuto lang ay may dumating na babae. Alam kong babae siya dahil sa boses niya na unang bumungad sa amin. Boses niya na sobrang pamilyar sa pandinig ko. Boses na nagawang palingunin ako.
"Tita, ito na po yung pinapahatid niyo na mga unan. May kanin na rin po riyan at ulam na pinaluto ko kay Manang," hinihingal nitong sabi. "Sorry po natagalan ako sa pagpunta, may klase po kasi kami."
Ang boses na 'yon...
Napangiti ako at pinangiliran ng luha nang makilala kung sino ang taong 'yon. Walang pagbabago sa mukha niya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya habang napatakip ng kamay sa bibig. Pinilit ko na tumayo para man lang masalubong siya ng yakap. Akmang maglalakad siya sa gawi ko nang bigla na naman akong napaduwal. Sa pagkakataong ito, sa paahan ni Yezhiah bumagsak ang mga naisuka ko.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...