Kabanata 18

110 3 0
                                    

MARA

Naiinis ako dahil sa nasabi ko kagabi. Pinagsisisihan ko na sinabi ko 'yon, natatakot ako na baka sabihin niya sa demonyong 'yon ang sinabi ko. Sinadya ko talaga gumising ng maaga para lang maabutan si  Yoshi. Gusto ko siyang makausap.

Patayo-upo na ang ginagawa ko dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko nasabi 'yon. Umupo ako saglit para humigop ng mainit na kape. Maya-maya lang ay napag-isipan ko na tumayo na lang. Hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka sabihin niya 'yon sa manyak slash demonyo na lalaking 'yon!

"Mara?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. He's wearing a blue polo and black pants, donned by his luminous black shoes. Pormal na pormal siya kung titignan kahit saang anggulo.

"Good morning, Kal. Kape?" anyaya ko sa kaniya. Sinuklian niya ako ng pagkatamis-tamis na ngiti habang humahakbang papunta sa gawi ko.

"Sure," tugon niya.

Pupunta na sana ako ng kusina para magtimpla ng kape pero saglit akong natigilan nang walang pasubaling ininom niya ang kape ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita sa kaniya. Mabuti na lang ay nakapag-toothbrush ako.

"K-Kal, ipagtitimpla na lang kita ng sarili mong k-kape. Ano kasi e...ahmm hindi 'yan masarap! Oo, ano, hindi 'yan masarap. Saglit lang—"

"I'm fine with this. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala talaga ang kape. I want more like this every morning." Alam kong pinamumulahan na ako ng mukha ngayon dahil sa tinuran niya. Gusto ko pang umangal pero hindi ko alam kung paano.

"What? Don't you have a plan to mix me a coffee like this, Mara? I want more..." Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko lalo na nang dinilaan niya ang pang-itaas niyang labi. Ano bang ginagawa niya? Diyos ko lord, wala akong balak na makagahasa ng lalaki.

"W-Wala na pa lang kape hehe," palusot ko. Napakamot pa ako sa aking batok at napayuko habang mariin na napapikit.

"I'm willing to buy ten dozens of coffee if that's the case, just mix me a coffee like this. I will call my secretary now, hang-up there."

Tumayo siya at tumalikod para tawagan ang sekretaryang tinutukoy niya. Nasapo ko ang aking noo dahil sa mga pinagsasabi niya. Ano bang nakain ng lalaking 'to kagabi? Aanhin ko naman 'yong sampong dosena ng kape? Para naman akong pinaglalamayan niyon.

"Early in this morning, huh?" Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang biglang sumulpot si Yoshi sa likuran ko. Agad ko siyang hinarap pero mukhang mali yata ang paraan ng pagharap ko.

OUR LIPS ALMOST PARTED!

"Nice," nakangising saad niya habang nakatingin sa aking mata. Mas lalo pang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang hinawi niya sa aking tainga ang nakakalat kong buhok. Wala nang buhok na nakasagabal sa aking mukha kaya malaya niyang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha ko.

"Y-Yoshi..." halos pabulong kong sabi. Hindi ko magawang kumilos dahil natatakot ako na baka magkadikit ang mga labi namin. Hinihintay ko na siya mismo ang lumayo sa akin pero mukhang wala siyang balak na gawin iyon.

"Your soft voice is like a music in my ears. I'm starting to crave for this music, Mara, do you know that?" Napakalambing ng mga boses na iyon. Hindi ko magawang umalma dahil sa sobrang pagkalambing niyon.  Bakit ganito ang epektong nagagawa niya sa akin? Ni hindi ko magawang umangal sa mga pinagsasabi at pinaggagawa niya hindi katulad ni Saint.

"Yoshi, ano bang pinagsasabi mo!" mahinang usal ko. Halos pabulong nga lang iyon para maiwasan ang makagawa ng ingay lalo na't tulog pa ang iba.

Sa halip na lumayo siya, mas lalo pa siyang lumapit na animo'y gusto niyang pagdiinan ang sarili niya sa akin.

"Yoshi, ano ba! Umalis ka sa harap ko baka may makakita sa atin!" Kung kaya ko lang umalis at malayang gumalaw, paniguradong kanina ko pa nagawa iyon.

"I don't care if there's anyone will see us. Drink their own tea, not mine," seryoso wika niya habang ang mata ay nakatitig pa rin sa akin. Ni hindi ko nga siya matitigan ng maayos dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

"Yoshi, binabantaan kita. Umalis ka sa harap ko ngayon din dahil kung hindi—"

"Kung hindi? You're gonna rape me? Or harrass me? Ow, I like that. It's my pleasure, Margarette Leora."  Muling sumilay ang nakakaloko niyang ngiti na siyang kinainis ko. Isa lang talagang paraan ang naiisip ko na gawin kapag hindi siya umalis sa harap ko. Pero natatakot ako sa kalalabasan niyon.

"No, you're gonna hate me because of that. I swear, Yoshi. Move away or else..." pagbabanta ko. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay at matalim na tinitigan.

"Go on," matapang niyang sagot. Wala na akong ibang nagawa kundi gawin ang nasa isip ko. Tinuhod ko ang parte ng nasa gitnang bahagi ng dalawang hita niya. Halatang hindi niya inaasahan na gaagwin ko iyon.

"Arrghh! The hell!" Napalunok at napangiwi pa siya bago tuluyang namilipit sa sakit. Bakit nga ba hindi 'to pumasok sa isip ko nang gawin ito ni Saint sa akin? Sayang.

"I told yah, Attorney. You're gonna hate it, not like it. I don't have any plan to rape or harrass you, kick the balls instead." Sa pagkakataong ito, ako naman ang mapang-asar na ngumiti at kumindat sa kaniya. Kinuha ko ang tasang nakapatong sa lamesa para sana ilagay sa batalan o lababo pero sumagi sa isip ko kung ano ang totoong sadya ko sa kaniya.

"Nakalimutan kong sabihin na gumising ako ng maaga para sabihing huwag na huwag mong ipagsasabi sa iba ang sinabi ko kagabi lalong-lalo na kay Saint." Hindi siya agad na sumagot dahil mukhang masakit pa rin ang ginawa ko kanina.

"What if I don't?" Talagang hindi pa rin siya nadadala sa ginawa ko. Parang gusto pa niya na dagdagan ko. 'Yan ang totoong Attorney, matapang sa lahat ng bagay.

"What if you don't? Do you want me to cut your dick, Yoshi Satoshami?" Sa halip na  matakot, sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.

"Suck it instead," nakangising saad niya. Hindi ko akalain na makakayanan niya pang magbiro sa lagay niya ngayon.

"Pinagloloko mo ba 'ko? Ayaw mo talagang maniwala sa'kin na kaya kong gawin 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Sige, maghintay ka riyan." Tumalikod ako at dumiretso sa scullery para kunin ang malaking gunting na minsan ko nang ginamit sa damuhan.

GRASS CUTTER

Umaksyon-aksyon pa ako na parang nagpuputol habang nagkalakad sa gawi niya. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"W-What the fucking hell are you doing?! M-Mara, no!" Alam kong hirap pa siya makatayo dahil mukhang medyo masakit pa ang pagtuhod ko sa maselang parte niya.

Ngumisi ako. "Ano? Sasabihin mo sa kaniya o ititikom mo 'yang bibig mo?"

"I-I won't! Promise!" Gusto kong matawa dahil sa takot na nakikita ko. Akala ko pa naman matapang.

"What the hell are you doing?!" Napalingon kaming dalawa sa lalaking kakababa lang kasama ang anak niya. It was Hezu and Ley.

Nagkatinginan pa kami ni Yoshi at nagkasenyasan kung sino ang magpapaliwanag. Mukhang wala siyang plano na magpaliwanag, kaya ako na lang ang gagawa niyon.

"Ahm... tinuturuan ko lang si Yoshi kung paano gamitin ang grass cutter." Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang tumango ito.

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon