KAL
Ang bigat ng pakiramdam ko kahit wala namang nangyari. Kanina pa talaga ako nahihirapang huminga—ang bigat. Uminom ako ng tubig pero gano'n pa rin. What's wrong with this body?
"Is there anything wrong, Attorney?" Nag-angat ako ng tingin sa taong 'yon saka umiling.
"No, I'm fine," ani ko. Inilapag ko na lang muna ang ballpen na kanina ko pa hawak at sumandal sa upuan. Saglit akong pumikit at pinakalma ang sarili, nagbabakasakaling hindi na mahirapan sa paghinga.
Damn it!
Napamulat ako ng mata nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba—it's an unknown number. Ibinaba ko na lang at pinatay ang tawag saka bumalik sa pagkakasandal. Pero sadyang makulit ang caller, paulit-ulit na tumatawag kaya sinagot ko na lang.
I sighed.
"Who's this?" rinig ko ang ingay ng mga tao sa kabilang linya. Hindi ito agad na sumagot sa tanong ko, kaya muli ko itong pinatayan.
Maybe someone wants to tease me. Tsk!
Itinuloy ko kung ano ang ginagawa ko, but my phone rang again. Inis ko itong kinuha para sagutin ang tawag.
"I said, who the fuck is this?" Iritado kong asik sa kabilang linya.
"Kal, it's Sachi." Kumunot ang noo ko at napaisip kung bakit ito tumawag. Wala rin akong natatandaan na nagkausap kami.
"Oh yes, anong sadya mo?" diretsong tanong ko rito. Sounds disrespectful pero wala akong alam na ibang way para itanong kung anong kailangan niya.
"Something bad happened to Mara." It may sounds cliche but my heartbeat became fast when I heard her name. Pero mas napabilis ito nang malamang may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Nakasama ko pa siya no'ng isang araw sa mini-mall
"What happened? Is she okay now? Can you send me the address of the hospital?" Sunod-sunod na tanong ko dahil sa pagka-nerbyos. Ramdam ko rin ang medyo panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang cellphone.
What's wrong with this hand!
"Okay okay, just relax. I will tell y'all the whole story after you get here. I'll send the address."
Ilang segundo kong pinikit ang mga mata at pilit na pinapakalma para maitigil ang panginginig ng mga kamay ko. Ayokong magmaneho habang nanginginig ang mga kamay ko, posibleng maaksidente ako kapag nagkataon.
"Okay, thanks." I hung up the call and immediately stood up. Kinuha ko ang susing nasa bulsa ko at nagmamadaling nagtungo sa parking lot. Pagkarating doon ay agad kong binuhay ang makina ng sasakyan ko para puntahan ang address na ibinigay ni Sachi.
Hang in there, Mara.
I parked my car at halos patakbong pumasok. May mga taong lumilingon sa akin at napapahinto sa paglalakad sa tuwing nadadaanan ko sila. Hindi ko na lang 'yon pinansin at dumiretso sa information desk.
"What's the room number of Margarette Leora?" Hinihingal kong tanong. Maski ang nurse na napagtanungan ko ay nataranta.
"W-What's her last name, sir?" Natigilan ako at napaisip. Ngayon lang ako napatanong kung bakit hindi ko natanong ang apelyido ni Mara. Fuck!
"Fuck! I forgot her last name," pabulong na saad ko sa sarili. Akmang tatawagan ko ulit si Sachi nang may biglang humila sa kamay ko. Gano'n na lang kalaki ang pasasalamat ko nang makilala ang taong 'yon.
Thanks, Sachi!
"Nando'n na sila kuya, Ikaw na lang ang hinihintay." Hinila niya ang kamay ko at madaling naglakad papunta sa room ni Mara.
'Room 13'
Napasilip ako sa tulog na si Mara. Napansin ko ang mga galos sa katawan niya na siyang ikinakunot ng noo ko. What happened to her skin? Where did she get those bruises? Scratches?
"What happened to her, Sachi?" Ramdam ko ang pag-aalala ni Kuya Hez kay Mara. Ang atensyon naming lima ay nakatuon kay Sachi na mukhang natataranta pa rin.
"Primo, ang balat niya at labi ay namumutla. I don't have any idea kung anong nangyayari," alalang-alala siya dahil iyon ang pinapakita ng mga mata niya. Pero ang ikinapagtaka ko ay kung paano napaunta si Mara sa mansion nila Saint. Sinabi lang nila sa amin na nandoon si Mara sa mansion nila pero hindi nila sinabi ang dahilan.
Iyon ang tanong na kanina ko pa hinihintay. Mabuti na lang ay naitanong ni Yoshi 'yan, pero kanina ko pa napapansin na mukhang bad trip siya.
"Nakita lang namin sila sa mini-mall no'ng isang araw. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang sinisigawan ni... Hyacinth." Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Fuck! I shouldn't have left her there!
Hindi ko mapigilan ang mainis sa sarili at sa lalaking nangakong magpo-protekta kay Mara. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Sachi.
"Anong ginawa ni Hyacinth?" Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba siyang galangin dahil sa ginawa niya. Kung dati ay nagagawa ko siyang tawaging ate, ngayon ay parang hindi na masikmura ng tiyan ko na gawin 'yon.
"I don't know. Naabutan ko lang na marami na siyang kalmot habang naiiyak na nakaupo sa loob ng mini-mall. Kaya dinala ko siya sa bahay at ginamot pero nagulat na lang ako nang makitang tulog na siya. And then the next day, Dad checked her pulse rate pero ang hina na niyo kaya dinala na siya dito sa hospital. And there she is!"
"Fuck!" Nilingon ko silang apat pero mas natagalan ng mata ko na titigan ang lalaking mariing nakapikit at mukhang iritado na rin. Kalmado akong lumapit at walang pag-aalinlangang malamig siyang tinitigan.
"Is this what you call protection? I thought you can protect her? What happened, huh? What the hell did your fiancé do?!" Hindi ako nahirapang kwelyuhan siya lalo na't halos magkasing-tangkad lang kami.
Hindi ko na naipigilan ang galit na naglalaro ngayon sa sarili ko. Hindi ko mapigilan ang magalit lalo na't naaalala ko ang mga sinabi niya na kaya niyang protektahan si Mara. Pero anong nangyari? Wala siyang nagawa!
"Saint, I never intended to court and flirt with her! I let her go! I gave up for you—for all of you! Then you just leave it like this?! Paano mo siya mapo-protektahan laban sa lolo mo kung kay Hyacinth pa lang ay hindi mo na magawang protektahan siya?!" Hawak na nila ang braso ko para awatin at hindi makagawa ng gulo pero wala akong pakialam do'n. Wala akong pakialam kung magkagulo man dito.
"Kal, calm down, okay? Your image will be ruined when you mess with it!" pabulong na sabi ni Callip pero hindi 'yon ang dahilan para bitiwan ko si Saint.
"Wala akong pakialam sa imaheng mayroon ako ngayon. Take off your hands on me!" Iwinakli ko ang mga kamay nila pero hindi pa rin sila bumibitiw. Maraming mga mata ang nakatingin pero hindi ko na 'yon pinansin.
Tiim ang bagang ko siyang tinitigan at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya. "Ito ba ang nagbabalak na manligaw? Ito ba, Saint?! Paano mo nagawang pabayaan ang fiancé mo na saktan ang babaeng mahal ko?! Paano mo nagawang pabayaan ang babaeng katulad niya?! If that's the case, you don't deserve her! Alam mo kung sino ang deserving sa'yo?! You deserve those girls who have the same fucking shitty attitudes like you! Yes, I'm younger, but I'm not afraid to hit older bastards like you. This is not a friendly advice, this is my first warning." Inis kong binitiwan ang kwelyo niya pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya.
"Tapos ka na ba sa mga sasabihin mo—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil pinutol ko iyon.
"Not yet,"
"What else—" Muli ko na namang pinutol ang sasabihin niya kaya ramdam ko nang naiinis na siya. Mas lalo akong lumapit sa kaniya at tinitigan sa mata.
"Fuck you!" And then I turned my back on him. Tinawag nila ako pero ni isa sa kanila ay hindi ko nilingon.
Wala akong mahabang pasensya sa mga taong katulad mo, Saint. Watch out.
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...