Kabanata 12

126 3 0
                                    

MARA

Hindi mawala ang tingin ko sa limang lalaki na naka-top less at masayang nagtatawanan habang nakaupo sa buhanginan. Maaliwalas tignan ang paglubog ng araw lalo na't dito sa mismong puwesto. Ang saya nilang tignan na para bang mga batang wala pang dinadalang problema. Nahagip ng mata ko ang lalaking nakatingin din sa gawi ko ngunit ganoon na lang kabilis ang pagbawi niya ng tingin ng mahuli ko siya.

Simula paggising ko wala siya, mabuti na lang at napilit siya ng apat na sumama sa amin. February 20 ngayon, kaarawan ni Callip, kaya naisipan namin na mag-night swimming. Sa Bohol naisipan ni Callip na mag-celebrate gayong dito naman lumaki ang kaniyang ina. He's 23 years old now pero hindi niya pa naisipang mag-asawa. Nakapagtataka lang na sa gwapo nilang 'yan, wala silang nagustuhan at wala pang napiling pakasalan. Sa kanilang lima, si Callip pa lang ang nakikita kong nagdala ng babae.

"They look good and happy together, right, Mom?" Umukit ang ngiti sa aking labi at muling pinagmasdan ang limang lalaki na ngayon ay halos pagpyestahan na ng camera ng mga babae.

Napanguso ako. "Oo, ang saya at ang aliwalas nila tignan kung walang mga babaeng haliparot ang kumukuha ng mga litrato sa kanila. Naku, kung may karapatan lang talaga ako manghampas ng salbabida malamang kanina ko pa nagawa. Kung makanakaw ng litrato akala mo may mga model na nag-"

"Okay, it's too much." Tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ko na natapos pa ang mga gusto kong sabihin. Hindi rin ako makaalis dahil kanina niya pa sinusuklayan ang buhok ko. Napili pa talaga ng batang 'to na pagdiskitahan ang buhok ko.

"Okay na ba kayo ni Tito Saint? I caught him stealing a glance on you, Mom." Umupo na siya ngayon sa tabi ko kaya walang pasubaling nilingon ko siya.

Hinawi ko ang buhok niya sa kaniyang tainga bago sinagot ang tanong. Ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niya? Hindi ko alam kung ayos na ba ang gusot na nangyari sa amin ni Saint. Maging ako man ay nahuhuli ito na nagnanakaw ng tingin.

"Kumplikado, Ley. Pakiramdam ko may mga gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sa akin."

May kaunting pangangamba ang bumalot sa aking katauhan nang maalalang hindi pa kami okay. Gusto ko namang sabihin kay Ley na hindi pa okay ang lahat, pero ayokong pati siya ay mamroblema rin sa amin. Kumplikadong-kumplikado.

"Pakiramdam mo lang 'yon. I think you two are now okay, maybe he can't just say that it's done or no one holding grudges anymore." Kibit-balikat lang ang nagawa ko sa mga sinabi niya. Kay bata pa niya pero parang mas marami pa siyang alam tungkol sa akin. Halatang nagmana sa tatay niya. Nilingon ko ang mukha ng inosenteng bata na katabi ko.

"Ley," tawag ko sa kaniya. "Natanong mo ba sa Papa mo kung anong pangalan ng nanay mo? O kaya sino ang totoong nanay mo?"

Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Ang kaninang may halong excitement ngayon ay napalitan na ng lungkot at pangungulila. Bakit pa kasi ako nag-open ng gan'to? Tch.

"I did. But he keeps telling me that my Mom is already dead." Halata ang lungkot sa pagkakasabi niyang 'yon. Kung ako ang ina ng batang 'to, hindi sasagi sa isip ko ang umalis at iwan ang anak ko. Ang sarap kayang mabiyayaan ng anak kahit na walang ama.

"Pero gusto mo pa siyang hanapin?" dagdag ko. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi kahit halos matakpan na ang kaniyang mukha dahil sa buhok na nagliliparan. Napakahangin dito kaya kahit ang mga hibla ng buhok ko ay nagliliparan na rin.

"Yes, but I'm already contented to have you, Mom." Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing binabanggit niya ang salitang 'yan. Nakakatuwa dahil may batang tatawag sa'yo ng ganiyan kahit hindi ko naman talaga kadugo ang batang 'to.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon