MARA
"Are you okay?"
"H-Huh...oo! Hindi ka ba maliligo, Callip?" Half-naked na siya pero hanggang ngayo'y hindi pa lumulusong sa cave. Kanina pa nakaligo mga kasama namin maliban sa aming dalawa. Ewan ko ba, nawalan ako ng gana maligo.
"Hindi na lang siguro ako maliligo. I want to accompany you here since hindi ka rin naman maliligo." Kinuha niya ang tee-shirt na hinubad niya kanina at muli itong sinuot. Kami lang dalawa sa cottage kaya malaya kaming pag-usapan kung anong gusto naming pag-usapan.
"You're not okay, Mara. It's obvious, may I know the reason?" Napaisip ako kung sasabihin ko ba. Humugot ako ng malalim na paghinga bago ko siya hinarap at kinausap ng tuluyan.
"Sa tingin mo, Callip, may deal pa bang nagaganap sa pagitan namin ni Saint?" Kumunot ang noo niya at saglit na natahimik. Buti na lang may mapagsasabihan ako ng problema ko ngayon. Gusto ko lang mailabas para bukas maluwang na yung pakiramdam ko.
"Yeah, I think so..." aniya. "Why did you ask, anyway?" Sinandal ko ang ulo ko sa haligi ng cottage at tumingala sa kawalan. Ang hirap ng ganitong set-up, akala ko sa pelikula ko lang makikita 'to.
"Pakiramdam ko kasi wala nang nagaganap na deal sa pagitan naming dalawa. Hinihintay ko lang na siya mismo ang magsabi na wala na talaga." Matagal ko na 'tong nararamdaman pero ngayon ko lang naisipan na sabihin sa iba. Hinihintay ko rin magsabi si Saint sa akin na tapos na ang deal pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasabi. Iniisip ko rin kung saan na ako pupulutin kapag tapos na nga ang deal. Nakakahiya namang tumuloy pa rin sa kanila, lalo na't hindi ko sila kaano-ano.
"Ask him," tipid niyang sagot. Gustuhin ko man na magtanong pero laging wrong timing. Lagi kasing nauunahan ng kamanyakan ang payat na 'yon kapag nagkakasama kami.
"Ayaw ko munang magtanong sa kaniya. Kwentuhan mo naman ako tungkol sa'yo, Callip." Nakita sa gilid ng mata ko na lumingon siya sa akin kaya lumingon na rin ako sa kaniya. Ang mga mata niyang nagtatanong at ang kilay niyang nakakunot ang sumalubong sa tingin ko.
"Why me?" inosente niyang untag.
"Because I want to know you better, can't I?" Mukhang nagdadalawang-isip pa siya dahil ilang segundo pa bago niya ako sinagot. Ginulo niya muna ang buhok niya at bumuntong-hininga.
"About what? About my family? Lifestyle? Friends?" Sa lahat ng sinabi niya wala doon ang gusto kong ikwento niya sa akin. Halatang iniiwasan niya iyon pero hindi siya makakatakas sa akin.
"About your past lover. You're obviously avoiding it, Callip. May I know the story, then?" Napakamot siya sa kaniyang batok at pinalipat-lipat ang tingin sa akin at sa ibaba.
"...Ahmmm, you know Yoshi, right? Yoshi has a younger sister and her name is Yaree. My parents and theirs were best friends before 'til now. Nagkasundo sila na ipares kami and if we fall, of course direct marriage. At first, I don't like her and I don't even give her ounce of my care because I really don't like nor want her. But I realized, why would I waste this chance? She's beautiful and almost perfect but I'm still pushing her away. Until she confessed on me that she like me but I just ignore her confession." Mapait siyang ngumiti at saglit na tumagilid para tumingala at iwasang bumagsak ang luha. Halatang mahal na mahal niya ang kapatid ni Yoshi.
Ngayon ko lang din nalaman na may kapatid pala si Yoshi. Si Saint lang ang alam kong may kapatid pero hindi ko pa nakikita simula nang napadpad ako sa Manila. Ibinaling ko ang tingin ko kay Callip na prenteng nakaupo pero ang dalawang siko ay nakapatong sa hita niya.
"Months had passed but she's still by my side. Comforting me, caring me, and loving me. Yes, I admit it that I'm starting to love her but I chose to set aside my feelings. Pero sa huli, nakaamin pa rin ako. She became my girlfriend and I'm her boyfriend. I saw how proud she is. Pinagkakalat niya sa iba na boyfriend niya ako while me? Hindi ko nagawa 'yon. Our relationship was slowly getting toxic, even us." Ilang beses nang pumipiyok ang boses niya pero pinagpatuloy pa rin niya ang mga sinasabi niya. Their love story is very interesting to the point na mapapakinig ka na lang kahit hindi ka naman interesado.
"Tapos?"
"Nakipaghiwalay ako sa kaniya pero hindi 'yon alam ng mga magulang naming dalawa kasi hiniling niya sa akin na huwag munang sabihin sa kanila. I don't know what's her reason pero sinunod ko ang sinabi niya. Even her brother Yoshi doesn't know about this."
Paniguradong may mabigat na rason ang kapatid ni Yoshi kung bakit hindi niya pa iyon pinapaalam sa mga magulang nila. Dahil sa kuryusidad na naglalaro sa katauhan ko, hindi ko mapigilan ang mapatanong sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko.
"Why?" Napasapo ako sa aking noo dahil sa pagbabalik niya ng tanong.
"I mean, bakit kayo naghiwalay? Is it because of your relationship being toxic?" Umusog ako ng kaunti para mapakinggan ng maayos ang mga sasabihin niya.
Umiling siya. "...Because I fell out of love." Hindi ko inaasahan na 'yon ang magiging rason ng pagkakahiwalay nila. Sabagay, ano pa bang maaasahan mo sa mga lalaki. Hindi na ako magtataka kung may mga napaiyak na 'tong lima na mga babae. Halata naman sa mga mukha lalo na si Saint. Attorney na pinakamanyak at mayabang, SAINT SALVACHEERA.
"Ba't ang unfair? Kawawa yung side ng babae, Callip." Nakakaawa naman talaga, kahit ako hindi ko matatanggap na 'yon ang magiging rason ng pagkakahiwalay namin, 'no. Kung papayag man ako, labag na sa kalooban 'yon.
"Yeah, I know." Patango-tango pa siya at mapait na pangiti-ngiti habang nagsasalita.
…"Buti na lang tanggap mo kung anong kamalian mo, ano? Naku, paniguradong kung si Saint ang nasa kalagayan mo? Hinding-hindi 'yon tatanggap ng kamalian niya! Akala mo naman kung sinong gwapo! Tapos may pahubad-hubad pang nalalaman, e 'yong tiyan niya nga parang tiyan ng kapitbahay namin na mga chismosa! Feeling macho pa, e tinalo pa nga ng katawan niya ang hawakan ng dustpan namin! Aba!" Laglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Maya-maya lang ay may nginuso-nguso siya pero sadyang kinulangan ako sa pinagsasabi ko, kaya nagsalita ako ulit.
"Tapos may nalalaman pa siyang 'I have Hyacinth now and I'm contented with that.' E 'di shing! Hanapin niya muna sa Google ang paki ko! Ni hindi ko nga kilala ang Hyacinth na 'yon! Malay mo kung sinong pokpok lang 'yan na pinulot ni Saint dahil sa katigangan niya! Siya lang talaga ang Attorney na manyak at feeling handsome! Tch! FUCK YOU, SAINT SALVACHEERA—"
"K, fuck me later." Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang malamig na boses na iyon. Parang gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
S-Saint...
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...