Kabanata 25

95 2 0
                                    

MARA

Matalim na titig ang tinatapon ko sa lalaking kaharap ko ngayon sa lamesa. Sa katunayan nga ay kanina pa ako nagtitimpi na hindi umalis sa kinauupuan ko. Pangiti-ngiti lang ako sa kasama namin pero ang totoo ay kanina pa ako nagtitimpi lalo na kapag dumadapo ang tingin ko sa harap.

Nandito kami sa mamahaling restaurant na ngayon ko lang din napuntahan. Hindi naman ako mahilig magpunta sa mga ganitong klaseng lugar.

"M-Mom..." Nilingon ko si Ley na ngayon ay katabi ni Hezu na nasa gilid ko.

"Bakit?" Napalunok ito ng paulit-ulit pero wala sa akin ang tingin niya kundi nasa pagkain ko.

Nagtaka ako kaya agad kong tinignan iyon. Nagulat ako dahil sa nasaksihan ko. Hindi ko inaasahan na halos nadurog na ang pritong kanina lang ay nahihirapan akong kainin.

Napangiwi ako pagkatapos ay nahihiyang nginitian sila. Bahagya akong napapikit dahil sa muling kahihiyan.

"Ah..heh... masakit kasi lalamunan ko kaya dinurog ko para hindi ako mahirapang lunukin." Halata ang alangan sa kanila pero nang tumagal ay nakatuon na ang atensyon nila sa pagkain nila.

Nagpatuloy ako sa pagkain pero hindi ko talaga maiwasan na mapatingin sa harapan ko. Nadedemonyo talaga ako kapag nakikita ko ang mukha ng hipokritang fiancé ni Saint. Idagdag mo pa ang iba't-ibang klase ng kutsilyong nasa harap ko na mukhang masarap gamitin para pamputol ng buhok niya.

"By the way Saint and Hyacinth, when is your wedding?" Napabaling ang tingin ko kay Hezu. Nakita ko kung paano natigilan si Saint habang si Hyacinth ay matamis na napangiti.

Tuwang-tuwa ka na niyan? Ako ang mahal niyan hindi ikaw. Potanginang hipokritang 'to! Sarap ipakulam.

"Saint?" malanding usal ni Hyacinth dahil hindi agad ito nakasagot. Tumingin siya sa akin na animo'y may hinihintay rin.

"I don't have a pUlan for that " tipid niyang sagot.

"Did Abuelo knew this?"

"We're too young. Abuelo knew that I'm not ready to get married yet. And I'm busy with my heaps cases," seryosong saad niya na ikina-simangot ng katabi niya.

Ngayon ko lang napansin na magkasing kapal ang mukha at make-up ni Hyacinth. Talaga namang pinagpala ang babaeng 'to sa kalyo dahil pati mukha ay may kalyo dahil sa kapal.

Nagcelebrate kami para 'kuno' sa birthday ko. Kung ako lang talaga ang gagastos sa lahat ng 'to, hindi ko siya isasama sa budget ko. Baka nga malason ko pa ang babaeng 'to.

"Are you nuts? Young? Seriously?" Mahinang napatawa si Hezu habang nakatingin sa pinsan niya. Pansin kong umigting ang panga ni Saint dahil sa tinuran ng pinsan.

Wow! Attorney na umiigting ang panga!

"Drink your own tea, Coz. It's none of your business so fuck off."

Napailing na lang si Hezu at nagpatuloy sa pagkain. Dumapo pa ang tingin ni Saint sa akin kaya dali-dali kong dinampot ang kutsilyo sa harapan ko at pasimpleng pinaglaruan bilang pagbabanta. Sa halip na matakot ay nginisian lang ako nito na siyang lalong ikinainis ko.

Ang tibay mo Salvacheera! Ang lakas mong magsabi na mahal mo ako tapos ngayon ay kasama mo pa ang babaeng 'yan?! Aba! Subukan mo lang talagang lumapit sa'kin, mawawala iyang puri mo.

"Babe, I'm tired." Napairap ako nang wala sa oras dahil sa kalandian nitong nasa harap ko. Nakayapos ang dalawang braso niya sa baywang ni Saint habang wala namang reaksyon ang taong yinapos niya. Subukan mo lang talagang gumanti ng yakap Salvacheera. Mawawalan ka talaga ng puri potangina ka!

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon