Kabanata 35

98 2 0
                                    

MARA

Isang linggo na rin ang nakalipas nang sumailalim ako sa first chemotherapy. Sa lahat ng therapy na binanggit ni Doktora Rainee, chemo pa lang ang nararanasan ko. Iisipin ko pa lang na sasailalim nanaman ako sa chemo ay kinakabahan na ako.

Malalim na pagbuntong-hininga ang nagawa ko nang mapadapo ang tingin sa salamin. Kitang-kita rito kung paano unti-unting naglalagasan ang mga buhok ko. Marami na ang nabawas pero hindi naman ako masyadong napanot dahil may kakapalan ang buhok ko. Napag-usapan na rin naman namin nila Doktora na ipapaputol na lang ang buhok ko gayong mauubos din naman ito.

Sobrang putla ko na rin. Dry na ang balat ko  dahil sa sakit ko. No'ng sinukat nila ang timbang ko doon lang nakumpirma na malaki ang nabawas sa dito. Ang daming nawala sa akin dahil sa sakit na natamo ko. Nakakapanghinayang at nakakawalang-gana.

Sina Hezu, Kal, Callip, at Yoshi naman daw ang magbabantay—kapalit ng mag-asawang Salvacheera. May ilalakad raw kasi sila para sa papeles na gagamitin para sa pag-alis ko dito sa Pilipinas. Kay sarap pakinggan na makakapunta ako ng ibang bansa. Ang kaso ay hindi iyon dahil sa gusto ko, kundi dahil sa sakit ko.

I'll be by your side

'til the day I die

I'll be waiting 'til I hear you say 'I do'

Saint once sang this song. Iyon ang unang beses ko na marinig siyang kumakanta. Wala man siyang hawak na gitara, pero mukhang mawawalan na ng silbi ang gitara kapag siya na ang kumanta.

"Tulala ka na naman. Sigurado ka bang okay ka? Do you need something?" untag ni Hezu. Ibinaba ko ang hawak ko na salamin at umiling sa kaniya. Hindi niya kasama ngayon si Ley dahil may pasok. Nagpupumilit nga raw na um-absent ng isang linggo para bantayan ako pero hindi siya pinayagan ng Tatay niya at mas lalong hindi ako papayag.

Napaka-special ko naman kung gano'n.

"Ilang beses mo na akong natanong niyan, Hezu? Sinabi ko naman na okay lang ako, kayang-kaya ko," pagbibiro ko sa kaniya. Sana nga totoo na kayang-kaya ko ang sarili ko. Sana nga totoo na hindi ko kailangan ng tao para lang maging okay ako.

Sana nga.

"You're so stubborn. Tsk! Just call me if you need something, hmm?" Tumayo siya at inayos ang sarili. Hindi pa man tuluyang nakakaalis si Hezu nang si Callip naman ang dumating. May dala-dala siyang papel na ikina-pagtaka ko.

Ano 'yan? Titulo ng lupa?

"Kaninong listahan ng utang 'yan, Callip? Alam kong wala akong pera pero wala rin akong natatandaan na may utang ako," pabiro kong saad sa kaniya dahilan upang paningkitan niya ako ng mata. Umupo siya sa tabi ko at tumikhim-tikhim na animo'y naghahanda para sa pagkanta.

"Fuck your joke, tsk!" asik niya.

"Ano nga 'yan?" Napangiti siya at iwinagayway ang papel sa harapan ko. Sa totoo lang, para siyang bata na nagpapapansin. Ang gwapo-gwapong lalaki tapos nagpapapansin lang sa katulad ko.

"I composed a poem for you. I'm sure you will like it," determinado niyang sabi. Mukhang ngayon niya pa lang ginawa dahil may hawak-hawak pa siyang ballpen na ngayon ay isiniksik niya sa tainga.

"Ako ay gwapo
Anak ng nanay at tatay ko,
Walang makisig na katawan,
Pero may malaking alagang panlaban—" Ako na mismo ang bumatok sa kaniya nang marinig ang huling linyang binanggit niya. Bukod kay Kal, isa rin talaga 'to sa taong walang alam kundi ipagmayabang ang malaking alaga kuno.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon