Kabanata 37

116 3 0
                                    

HYACINTH

"Hanggang kailan ka pa magmumukmok diyan, Hyaz? Ano? Ganiyan ka na lang araw-araw, 'te? Happy birthday pero naiinis pa rin ako sa'yo. Bumangon ka na riyan!" Tumagilid ako at tumalikod sa kaniya. Hanggang kailan din naman kaya siya titigil sa kakasermon sa akin? Tinalo niya pa sina Mama. Tsk!

"Bes Hyaz, maawa ka sa sarili mo. Ang laki ng pinagbago mo, jusko! Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Para ka ng ina na nag-aruga ng isang dosenang bata!" dugtong na sermon niya. Araw-araw siyang ganiyan. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, malamang matagal ko na 'tong pinalayas sa apartment ko.

"I'm tired. Leave me alone and ignore my existence for a while," malamig na wika ko. Ilang taon na rin ang nakalipas simala nang naghiwalay kami ni Saint. Ilang taon na rin no'ng huli naming pag-uusap. Paniguradong masaya na sila ngayon. Wala na rin naman akong balak na makisiksik sa kanila. Mas okay na ako na lang ang nasa ganitong sitwasyon. Sanay na rin naman ako, noon pa.

"Bes, can't you really get it? He is just one of those temporary persons who came in your life." Iyan rin ang gusto kong itatak sa sarili ko na temporary lang ang mayroon kami ni Saint. Pero ayaw tanggapin ng sarili ko—ng puso ko. Nananatiling tikom ang bibig ko habang nakatingin sa kawalan.  "You've got a broken heart, not a broken life. You've got a broken dream, not a broken future. And you've got the temporary pain, not a permanent one. Help yourself to get through with it. Tulungan mo ang sarili mo na makawala sa hawla ng kalungkutan." Tears started to fell down on my cheeks as i wrapped my one arm on my eyes to hide it. Makikita na naman ako ng kaibigan ko na umiiyak. Alam ko na sanay na siya sa ka-dramahan ko.

Umiyak ka na naman Hyacinth Geigsler Lastismosa.

"Minsan, kailangan ng puso natin ng mahabang oras para tanggapin kung anong  alam at nalaman ng isip natin. Kaya, Hyaz, dahan-dahanin mong itatak sa puso mo na hindi na ikaw. Hindi na ikaw 'yong nagpapasaya sa kaniya. Hindi na ikaw 'yong mundo niya." Kanina ko pa pilit na pinipigilang huwag humikbi pero wala pa rin. Sinong hindi matatamaan sa sinabi niya? Sobrang natamaan ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na iba na ang mahal niya. Hindi ko inaasahan na aabot ako sa puntong ganito.

"I have poured all the flesh of my glass... and now, I am totally empty. Naubos ako, Nathaly. Naubos ako kasi binuhos ko lahat sa kaniya... pero sa huli, ako lang pala ang mapag-iiwanan, hahaha..." Hindi ko alam kung tawa pa ba ang nagagawa ko. Tawa at iyak na ang nagagawa ko. Natatawa at naaawa ako sa sarili ko. Natatawa dahil sa sobrang katangahan, naaawa dahil sa huli ako ang napag-iwanan.

"E 'di salinan natin. Dugo nga nasasalinan, pagmamahal pa kaya. Kung pakiramdam mong ubos na ubos ka na, e 'di magpasalin ka. Maraming nagmamahal sa'yo, Hyaz. Si Dr. King Salvacheera? Diba nanligaw sa'yo 'yon? Hindi mo lang pinansin kasi nakatuon lahat ng atensyon mo kay Saint." Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Yes, Saint's cousin courted me but I refused. Tinanggihan ko 'yon dahil kay Saint.

Pinunasan ko ang luhang nagpatakan sa mukha ko at pilit na ngumiti.

"Pumasok ka na nga sa trabaho mo. Ginugulo mo lang utak ko e!" Tinulak-tulak ko siya para paalisin pero tinawanan niya lang ako. Ayaw niya pa rin na umalis kaya pinaghahagis ko sa kaniya ang mga unan na nasa harapan ko hanggang sa tuluyan na nga siyang napalabas. Ganiyan kami lagi. Sanay na ako sa kaniya, sanay na rin siya sa akin.

"Today is my birthday but no one bothered to greet me except Nathaly." Humugot ako ng malalim na paghinga bago tumayo. Nahagip ng mata ko ang maliit na box na nakapatong sa maliit na aparador ko. Hindi ko man lang napansin na may dala pa lang ganitong box si Nathaly.

Napangiti ako nang makita kung anong laman niyon. It was a small cake with our whacky post. Hindi na naman nagpatalo ang mga luha ko. Unti-unti itong nagbagsakan habang sinisindihan ko ang kandila ng pande crema.

"H-Happy birthday to me... happy birthday to me... happy..." Tumingala ako para hindi matuluan ng luha ang cake na hawak ko. "Birthday... happy birthday... happy birthday Hyacinth~" Hinipan ko ang kandila saka inilapag ang cake sa kama. I bit my lower lip to hold and stop my mouth from sobbing.

"Yehey, I'm going to celebrate my birthday alone again." Kinuha ko ang plastic table spoon na nasa loob ng box saka sinimulang kainin ang cake. Patuloy lang sa paghikbi ang bunganga ko habang nginunguya ang pagkain. Kahit anong gawin ko ay ayaw pa rin tumigil ng sarili ko sa paghikbi. Pft.

KINABUKASAN, sabik na sabik akong pumunta sa orphanage. Yes, I've always been there before after no'ng nagkaaway kami ni Mara sa Mang Inasal. Natatandaan ko pa kung anong  nangyari nang mga araw na 'yon. Kung paano ko nasaktan ang dalawang bata na walang kamuwang-muwang. Siguro nadala lang ako sa galit dahil selos na selos na ako kay Mara noon.

"Ate Hyaz!" Iilang mga bata lang ang sumalubong sa akin ng yakap dahil ang iba ay takot sa akin maliban kina Arjay at Ayesa. Mukha raw kasi akong maldita kaya ilag sa akin ang ibang bata. Naiintindihan ko naman.

Nakita kong nagsilabasan sila Sister kaya sila naman ang nilapitan ko para salubungin ng yakap. Hindi ako lumaki sa mga ganitong lugar pero alam ko kung gaano kasakit maabanduna ng mga magulang.

Noon, ayaw na ayaw ko sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit dito ako laging dinadala ng mga paa ko. Siguro dahil iyon kay Mara. Gusto ko rin kasi na magmukhang mabait lalo na sa mata ni Saint kaya pumunta-punta ako dito noon kahit labag sa kalooban ko. Ginawa ko lang 'yon para kay Saint. Pero ngayon, ginagawa ko na 'to dahil gusto ko.

"Aba, Hyacinth! Nangayayat ka ah? Bakit mo  pinabayaan ang katawan mo?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Sister. Pinagmasdan niya pa ang buong katawan ko kaya maging ang lahat ng madre ay gumaya sa kaniya.

Nakakailang. Geez!

"A-Ah... Sister, may dala po pala akong mga beauty products para sa inyo. Ang iba namang mga polo ay para sa mga bata." Inabot ko ang mga paper bag na dala sa kanila. Nag-aalangan nanaman silang tumanggap kaya ako na mismo ang nag-abot sa mismong mga kamay nila.

"Ikaw talaga, Hyacinth, kami na lang lagi ang iniisip mo. Napakabait mo talagang bata ka. Gusto mo bang mag-madre, iha?" Nabulunan ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya. Gusto kong matawa. Noon pa man ay wala na akong plano na mag-madre.

"Sister, baka po hindi pa ako nakaka-attend ng seminar ay tanggal na ako. Baka nga ma-high blood pa ang mga pari sa akin e." Napatawa silang lahat sa akin kaya tumawa na lang din ako para makisabay sa kanila.

"Kumusta ka na bang bata ka?"

"As usual, okay lang po ako." Pilit akong ngumiti sa kanila kahit hindi naman totoo ang ngiting iyon.

"'Nga pala iha, matagal nang nagpupupunta si Dr. King Salvacheera dito. Hinahanap ka kasi raw hindi niya alam kung saan ka nakatira at hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya." Nanunuksong ngiti ang iginawad nila sa akin. Kilala nila si King dahil minsan ko na rin siyang napakilala sa kanila. Hanggang sa nakasanayan na rin ni King na pumunta dito. Kasama man ako o hindi.

"Talaga po ba? I forgot to tell him that I changed my sim card." Nagtaka ako nang mas lalong lumapad ang ngiti nila pero wala na sa akin ang kanilang mga tingin kundi nasa likuran ko. Kunot-noo kong sinundan ang tingin nila.

"Really? Nakalimutan ko ring sabihin na malaki pa ang space ng sim card ko para sa number mo." Pakiramdam ko ay namumula ang kabuuan ng mukha ko nang marinig ang sinabi niya kaya agad akong nag-iwas at nagbaba ng tingin. Nakakahiya.


•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon