MARA
“DON’T YOU DARE HUG OTHER GIRLS, KALISTER SAVILLAN! OR ELSE I WILL CUT YOUR ALAGA!” Napalingon ako kung saan nanggaling ang matinis na boses na ‘yon. Natanaw ng dalawang mata ko ang babaeng may katangkaran at halos lakad-takbo na ang ginawa nitong paghakbang papunta sa gawi namin. She’s wearing a green jumpsuit skinny and donned by the black stilettos.
Napangiwi ako dahil sa suot niya. Sigurado ba siyang alam niyang resort ang pupuntahan niya? Para siyang dadalo ng debut celebration. Nilingon ko si Kal na ngayon ay mariing nakapikit habang nakahawak sa magkabilaang sentido.
“Kilala mo siya, Kal?” untag ko. Napahilamos siya sa kaniyang mukha sabay tayo para salubungin ang babae. Paniguradong inis na siya, ni hindi niya man lang ako nasagot dahil dali-dali niyang sinalubong 'yong babae. Tumayo na rin ako galing sa pagkakaupo sa buhanginan at dinaluhan sila.
“You?” duro niya sa’kin. “Who told you to let him hug you, huh? Are you a slut?” Halatang gusto na niya akong sugurin dahil kahit ako ay hindi makapinta sa mukha niyang naghuhuromentado. Napangiwi ako dahil sa mga sinabi niya sa akin.
“What?! Why can’t you answer me? Because it’s true that you.are.a.slut?” Nakakuyom ang kamao ko pero ang mukha ko ay nakangiti sa kaniya. Ngayon na lang ulit ako makikipagsagutan. Nangangati rin naman yung bunganga ko, kaya go lang.
“Isa pang tawag sa’kin ng slut lulunurin talaga kita sa dagat na ‘yan.” Sabay turo sa dagat na medyo may kalakasan pa ang paghampas ng alon. Si Kal ay nakahawak sa isang braso niya para pigilan ito. Sa halip na matakot 'yong babae, she raised her middle finger and allowed it salute me.
“Are you scaring me, huh?! I’m not takot!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Kung wala lang si Kal sa tabi niya, paniguradong kanina pa ako sinakmal nito. Maging si Kal ay halatang iritado na rin pero nananahimik lang.
“Yezhiah,” saway niya sa babae. Ang ganda ng pangalan, kasing ganda niya. Pero kung ugali ang pag-uusapan, paniguradong walang kasing pangit ang mayroon siya.
“What?! You don’t even bother to tell me that you will fly here sa Bohol for Callip's birthday celebration! What’s wrong with you, Kalister! You’re not ganito before!” Malalim na pagbuntong-hininga ang nagawa ni Kal dahil sa pinagsasabi niya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa pamamaraan niya ng pananalita pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil napakaseryoso nilang dalawa.
“Yezhiah, stop acting like you’re my mom. Stop acting like you’re my sister. And lastly, stop acting like you’re my girlfriend nor wife. We’re just best friend, so stop the act, okay?” Nagulat ako dahil sa sinabi niya rito. Hindi ko inaasahan na ganito pala magsalita si Kal kapag seryoso at galit. Bakit parang ako 'yong nasaktan? Ang sakit pakinggan. Nakita ko ang isang butil na luhang pumatak galing sa mata ng babae. Pero sa huli, pinilit niyang ngumiti at tarayan ako.
“I-I know! I forgot to remind myself that we’re just best friend and nothing else.” Muli siyang tumawa pero pilit. Iwinakli niya ang kamay ni Kal sa pagkakahawak sa braso niya at naglakad palayo para umalis sa lugar na ‘yon. Kitang-kita ko pa kung paano nagtaas-baba ang balikat niya. Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ni Kal. Nilingon ko si Kal na ngayon ay nakatingin rin pala sa gawi ng babae.
“Pst! Sundan mo.” Inginuso ko ang gawi ng babae para sa pagsenyas. Umiling muna siya ng ilang beses bago naglakad para sundan si Yezhiah. Maging ako ay hindi nagugustuhan ang ugali ng babaeng ‘yon. Kaugali niya ang pinsan kong payaso na nang-iwan sa akin sa club pero magkaiba sila ng style.
Kamusta na kaya ‘yong babaeng ‘yon? Kakalbuhin ko talaga ‘yon kapag nagkita kami. Pero may parte sa katauhan ko na gustong magpasalamat sa kaniya kasi kung ‘di dahil sa ginawa niya, hindi ko sana makikilala ang limang lalaking ‘to. Pumanhik na ako pagpahingahin ang utak ko kahit hindi pa ako dinadalaw ng antok.
NAGISING ako dahil sa ingay na abot hanggang dito sa kwartong hinihigaan ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Para akong nasa bar dahil sa pamilyar na tugtog na umaalingawngaw. Ngayon ko lang napansin na nakatulog ako kagabi pero nagising ngayon sa gabi. Buong araw akong tulog at buong araw rin akong walang kain pero hindi ako makaramdam ng gutom.
Dumiretso ako sa closet ng kwartong ‘to para pumili ng damit na susuotin ko. Kinuha ko ang white oversize tee-shirt na may desinyong kabayo sa chess piece. Bigay ito ni Callip no'ng panahong wala pa akong mga damit. Napili kong parisan ito ng short shorts na itim. Ilang minuto lang akong naligo kaya dali-dali na akong nakapagbihis. Pinabayaan kong ilugay ang bagsak kong buhok dahil basa pa naman ito. Sinuot ko ang itim na flip flops pagkatapos ay agad na bumaba.
“Tsk, the slut is now awake.” Napalingon ako sa babaeng taas-kilay na nakatingin sa akin habang prenteng nakaupo sa sofa. Mabuti na lang ay pinatuloy siya dito sa rest house nila Callip. Sana matagalan siya ng mga tao rito kahit pa hindi maganda ang ugali niya.
“Saka ka na magdiwang kapag hindi na ako magigising. Pasalamat ko mahaba ang pasensya ko kundi kahapon pa kita nilunod sa dagat, tangina ka.” Hindi ko napigilan ang sarili na hindi mainis dahil sa pinapakita niyang asal sa akin. Hindi rin naman takot ang bunganga ko na magmura sa harap nilang lahat. Oo, nakalimutan kong sabihin na nandito silang lahat sa sala.
“Mara and uhmm… Yezhiah, right? Stop that childish act, both of you are not a child anymore,” masungit na saway ni Hezu sa aming dalawa. Nilagpasan ko na lang silang lahat at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Halos mabitiwan ko ang tasang hawak ko nang biglang may humila sa kamay ko papuntang scullery.
Tinakpan pa niya ang bunganga ko para maiwasan ang paggawa ng ingay. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya, nagsisitayuan ang mga balahibo ko. Ilang minuto kaming nilamon ng katahimikan at nakatitig lang sa isa’t isa. Ano na naman bang gagawin niya sa’kin? Ayoko nang maulit pa ang nangyari nang gabing ‘yon.
“Can you feel it?” Doon lang ako natauhan na halos magkadikit na pala ang bandang gitna ng hita ko at ng kaniya. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin para iparamdam ang nasa gitnang hita niya. Gustuhin ko man na umalis sa puwesto ko pero hindi ko magawa. Nakaharang ang dalawang kamay niya sa gilid ko kaya hindi ko magawang umalis.
“Tigilan mo’ko sa kalandian mo, Saint. Umalis ka diyan kung ayaw mong mabasagan ng itlog,” pagbabanta ko. Pero mukhang hindi siya natinag. Sa halip ay ngumisi lang siya na para bang nagugustuhan pa ang sinabi ko.
Ganon-ganon na lang ang pagkagulat ko nang sakupin niya ang mga labi ko. Magkadikit na ang katawan namin ngayon kaya ramdam ko ang naninigas niyang alaga. Hindi ako tumutugon sa halik niya kaya gumawa siya ng paraan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko pero hindi ako natinag doon. Halos mapatili ako nang bigla-biglang sinakop ng isang kamay niya ang nakaumbok na dibdib ko.
“S-Saint… i-itigil mo ‘to! Ooohh!” I don’t know if it’s still a beg or not. Napapaigtad ako sa ginawa niya pero sa huli'y pinigilan ko ang sarili ko. Pinilit ko na makawala sa kaniya. No'ng una ay hindi ako nagtagumpay, pero sa pangatlong pagkakataon ay naging matagumpay ako. Tinulak ko siya at ginawaran ng isang malakas na sampal. .
“Dalhin mo muna ako sa harap ng altar bago mo ako iharap diyan sa naninigas mong alaga.”
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...