Kabanata 32

92 4 0
                                    

MARA

Wala akong ganang makipag-usap. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang magsalita. Wala akong gana sa lahat. Paano ko na lang sila haharapin kung unti-unti na akong nawawalan ng gana?

Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang nakasalo ng mga ganitong sakit? Bakit ako pa na hirap din sa buhay? Bakit ako pa na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay ng masaya at tahimik?

Alam ko na may mga taong mas malala pa ang napagdadaanan, pero hindi ko maiwasan na hindi kuwestyunin ang Diyos kung bakit ako? Bakit sa'kin Niya binigay ang ganitong pagsubok? Nagiging pabigat na ako sa mga taong kumupkop sa akin. Nagiging pabigat na ako sa lahat.

"Mom, aren't you gonna talk to us?" Walang buhay kong nilingon si Ley. Dati lang ay ganado akong makausap ang batang 'to pero ngayon ay tila nawala na iyon. Nawawalan na ako ng gana na harapin sila.

"L-Ley...." Hindi ko na naman ulit napigilan ang sarili na hindi mapaiyak. Walang hagulhol. Nasaksihan ko kung paano siya naluluhang tinitigan ako. Alam kong gusto niyang lumapit sa akin pero hindi niya magawa dahil sinabihan ko sila na gusto kong mapag-isa.

"M-Mom, what happened? Can I come inside? Can I sit beside you?" Her voice cracked. Rinig na rinig ko kung paano siya napapapiyok habang nagsasalita.

Tumango ako at pilit na ngumiti. Pinunasan ko ang mga luhang naglagi sa mukha ko kasabay ng pagharap ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka pumasok ngayon?" Pinilit ko na hindi maiyak habang tinatanong siya. Iniisip ko pa lang na malalayo ako sa kanila, parang gusto ko nang bawiin ang pagsang-ayon ko sa offer ni doktora.

"Because I want to see you. Are you okay now? Does your sleeping disorder attacked again? When will you discharge? Are you hungry, Mom?" Yumuko ako para hindi niya makita ang pangingilid ng mga luha ko. Ngayon lang ako naging ganito ka-emosyonal.

Tumikhim ako. "O-Okay lang ako, Ley. At hindi ako gutom," ani ko. Mas nagmumukha akong mas bata kaysa sa kaniya. Imagine, having a daughter like her? Napaka-swerte ng mga magulang niya. Ang swerte ni Hezu sa kaniya.

"Then, why are you crying? Do you want me to call them? Mom, they badly want to talk and see you." Napangiti ako dahil sa pagiging matured niyang bata. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Lumabas sila ng kwarto para tawagin sila. Inayos ko muna ang sarili ko para kahit papaano'y hindi ako mukhang kaawa-awa. Miserable na nga ang buhay, miserable pa ang itsura.

"M-Mara!" Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang mga yakap nila. Pero isang tao lang ang hinihintay na makayakap ng katawan ko. Napasimangot ako nang hindi man lang siya lumapit sa akin para yumakap.

Kinuha nila ang mahabang couch na nasa gilid at itinabi sa higaan ko. Wala na si Ley ngayon, mukhang nagpa-iwan sa labas.

"Are you feeling better now? May kailangan ka ba?" Hezu asked. Umiling lang ako at yumuko. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanila kung ano ang sakit ko.

"Why? May masakit pa ba sa'yo?" Si Yoshi naman ang nagtanong ngayon. Ramdam ko ang pag-aalala sa mga boses nila. Saglit akong tumingin kay Saint pero agad kong binawi iyon nang mapagtantong wala sa akin ang tingin niya.

"A-Ah... wala. Bakit kayo nandito? Wala ba kayong mga pasok ngayon?"

Sabay-sabay silang napalunok habang alanganing nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako nang malaman kung anong ibig sabihin ng mga turan na iyon.

"I want to check you."
"I just want to ask if you're okay."
"Want to see you."
"To ask you."

Sabay-sabay silang nagkatinginan nang mapagtanto ang pagkakasabay nila sa pagsasalita.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon