CALLIP
"How could you leave me there again?! Callip naman! Alam kong hindi mo ako mahal pero 'wag mo naman sana ipamukha sa mga magulang natin na hindi na ako ang mahal mo! Kahit pagkukunwari lang. Kahit temporary lang, tapos kapag gising na si Mara, ako na mismo ang lalayo. Ako na mismo ang magsasabi ng dahilan kung bakit wala nang tayo. Take care." Nakita ko kung paano siya patagong nagpunas ng likidong galing sa mata niya. Nakaramdam ako ng kaunting hiya at konsensya dahil sa nagawa ko sa kaniya.
She's Yaree Satoshami, Yoshi's younger sister. Yaree is my ex-girlfriend, we almost had a two-year-relationship but I felt out of love. Yes, that's the reason why we both broke up to each other. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi niya masabi-sabi sa pamilya niya ang nangyari sa amin. Even Yoshi, wala siyang alam sa nangyari sa amin dahil 'yon ang gusto niya, na huwag ipagsabi kahit kanino. Hindi naman gano'n kahirap sa akin 'yon dahil private ang relasyong mayroon kami.
"You hurt her again, dude. What's wrong with you? She's almost a perfect girl," giit ng katabi ko. Mabuti na lang ay kami lang dalawa ang nandito. He's right, I hurt her again. Yaree is just a simple girl, no need to apply makeup dahil maganda na siya.
Ang maliliit at mapupulang labi na nagkikintaban, ang mapuputi niyang balat na mas lalong ikinaganda niya, at ang ugaling nagustuhan ko sa kaniya.
Nasa kaniya na ang lahat ng mga katangiang hinahanap-hanap ng ibang lalaki. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umabot sa gano'n. Gustuhin ko man ibalik pero masyadong malabo.
Umupo ako sa tabi niya at bumuntong-hininga bago nagsalita. "You know my reason, Giovanni Esteviz." Napailing na lang siya sabay higop sa kapeng nasa gilid niya.
"Just because you fell out of love doesn't mean that you need to end what kind of relationship you both have," sinserong sabi niya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong makinig sa mga pinagsasabi niya dahil alam ko sa sarili ko na wala na. Hindi na maibabalik ang dating mayroon kami.
"It won't work. Kahit ilang beses mo pa itayo ang bahay, kung ang materyales na gamit mo ay marupok, tutumba pa rin 'yan." Napahawak na lang ako sa magkabilaang sentido ko nang manumbalik ang lahat ng nagawa ko.
"Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa'yo, bakit hinahabol ka pa rin ng ex mo. E pwede namang ako na lang ang habulin niya. Mas gwapo pa nga ako sa'yo e!" I just raised my middle finger without looking at him. Narinig ko pa ang paghalakhak niya ngunit hindi ko na lang ito pinansin pa.
Bago ako tuluyang makauwi, dumaan muna ako sa coffee shop ni Yoshi para sana bumili ng cappuccino ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating, napansin ko agad ang dalawang babae at lalaking matiim na nag-uusap sa loob ng coffee shop. It was Yaree and Saint. Halatang kakagaling lang ni Yaree sa pag-iyak at alam ko kung ano o sino ang dahilan niyon.
A little playful pain is playing in me again.
"I hate this feeling!" Binuksan ko na lang ang pinto ng kotse ko at muli itong pinaandar. Ilang beses akong napatanong sa sarili ko kung mahal ko pa ba siya? Siya pa rin ba? Bullshit!
Bumungad sa akin ang abalang si Kuya Hezu. Maraming papel ang nakakakalat sa lamesa niya pero nilagpasan ko lang siya. Nagbihis ako at nagtimpla ng sariling kape para may iinumin ako habang nag-aasikaso rin ng mga papeles ko. Marami rin kasing tambak na trabaho kaya hindi pwedeng pabayaan na lang.
"How's your day, Callip?" Nagawa pa niyang magtanong kahit abala na siya sa ginagawa niya. Nilingon ko siya, gano'n din ang ginawa niya.
"Not fine," malamig na tugon ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa walang maayos na tulog. Dumagdag pa ang babaeng 'yon.
"Because of Yaree again?" giit niya sa'kin ngunit ang tingin ay nasa papeles na animo'y tatakasan siya dahil sa sobrang pagkatutok.
Humugot ako ng malalim na paghinga at humigop sa kape na nasa gilid ng lamesa ko. "Indeed," ani ko. Alam na nila ang nangyari sa amin maliban kay Yoshi. Pinilit ko sila na huwag muna sabihin sa kanila dahil iyon ang bilin ni Yaree.
Ilang oras akong nakaupo hanggang sa mapansing wala na si Kuya Hezu sa puwesto niya kanina. Malamang nandoon 'yon sa kwarto ni Hezian o 'di kaya sa kwarto ni Mara.
My sleeping angel, Mara...
Hindi ko maitatanggi na may lihim akong pagtingin kay Mara. Si Yaree lang ang may alam niyon dahil aksidente ko itong nasabi sa kaniya.
"Can't we go back to the old us? I want you to be with me again. I want you, Callip." Ilang beses siyang napapapiyok habang sinasabi ang mga iyon.
"We can't, Yaree. I love someone..." seryosong sabi ko. Napaangat siya ng tingin kahit mamula-mula na ang mga mata niya.
"You love who? Please tell me, Callip! Plea—"
"Mara."
Maya-maya lang ay may narinig akong yabag kaya napalingon ako sa bandang pinto.
"How's your trial, man?" Nilingon ko siya saglit pagkatapos ay agad na ibinalik ang tingin sa mga papeles at laptop ko. Halatang pagod rin siya dahil halata sa mga mata niyang ilang araw nang matatamlay.
"As always. Wala pa naman akong naipapapalya na kaso noon pa." Umiling na lang ako at nagkibit-balikat na parang walang narinig. Kahit kailan ay hindi namin maitatanggi na may angking talino kaming lima. Wala pa kaming naipalya na kaso kahit isa kaya gano'n na lang ang paghanga ng ibang tao sa amin. Nakitang kong dumiretso si Kal sa pinakadulong kwarto kaya sinundan ko rin siya.
"Sa tingin mo magigising pa siya?" Rinig ko sa usapan nila. "I miss her laugh, smile, mouth like a cussing machine, her deafening voice, and everything about her. How can I hear and see that again? Kung ang tanging makikita ko lang ngayon ay ang tulog na Mara. Walang... walang malay na Mara." Nakaawang nang kaunti ang pinto kaya kahit papaano ay may naririnig ako. Pinili ko na lang na makinig sa usapan nila kahit alam kong mali.
"You like her, Kuya Hez, don't you?" Hindi man niya sabihin ngunit halata sa boses ni Kal ang lungkot. Bakit? Parehas ba tayo ng mga nararamdaman?
"More than that." Nagulat ako sa isinagot ng lalaking katabi ni Kal sa loob. Tama nga ang hinala ko. Noon pa man ay pansin ko ang pagiging protective niya kay Mara kahit sa maliit na bagay.
"She's not perfect, I admit it. Pero saan ba ako makakahanap ng ganitong babae? Babaeng tinalo pa ang sariling nanay ko dahil sa sobrang maalaga. Babaeng hindi mabubuo ang araw kapag hindi makakapagmura. Babaeng hindi basta-bastang sumusuko sa gusto niyang gawin. I really I admire this girl," sinserong sabi niya. Hindi ko alam ngunit may naramdaman akong panlulumo. Parang gusto ko nang umatras at huwag nang makinig sa usapan nila.
"Imagine? Someone having a wife like her will be so damn lucky. I'm one of those guy who really want to get her." Halata ang sinseridad sa boses niya. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa'kin na pakinggan pa ang mga pinag-uusapan nila.
"Hezian really like her a lot since the day we keep her. She wants Mara to be her mother. I'm really happy that time when I heard my daughter calling her Mom." Naalala ko ang nakaraan niya. Ang nakaraang masaya pa siya ngunit nawala ang kasiyahang iyon dahil sa Isang pangyayari. Nabuntis ni Kuya hezu ang ex niya at si Hezian ang naging bunga. Hiniwalayan siya ni Ate Leyvi dahil ayaw niyang masira ang imahe niya sa harap ng maraming tao. Takot siyang makatanggap ng mga hindi kaaya-ayang salita dahil sa pagkupkop ng batang hindi naman niya anak.
"How 'bout you?" Napabalik ako sa ulirat nang nagtanong naman si Kuya Hezu kay Kal. Parang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa tanong niya
"Me?"
"I mean, do you like her?" Hindi man niya sabihin ngunit halata ang kaba sa kaniya. At halata ring meron siyang pagtingin dahil ilang segundo ang nagdaan ngunit hindi niya pa nasasagot ang tanong ni Kuya Hezu. Tuluyan kong binuksan ang pinto at tumayo roon, sapat na para mapalingon silang dalawa.
"I like her." Ako ang matapang na sumagot sa tanong na hindi naman para sa'kin.
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...