MARA
Kinakabahan ako dahil ngayon ang chemotherapy na sinasabi ni doktora. Kanina pa nila sinusubukang tanggalin ang kaba ko pero kahit anong gawin nila ay wala pa rin itong talab.
Si Sachi, Yezhiah, Mr and Mrs. Salvacheera at ang pinsan ko lang ang kasama ko. Wala sina Saint. Kanina dumaan daw si Yoshi dito at may ibinigay na pagkain. Hindi ko siya naabutan dahil halatang may pasok din siya.
Halos mag-iisang linggo na ako dito sa hospital. Mabuti na nga lang ay hindi na ako oras-oras naduduwal hindi katulad no'ng nakaraang araw.
"Charity, iha, samahan mo nga ang pinsan mo at kausapin. She's obviously nervous," rinig kong utos ni Mrs. Salvacheera. Oo, alam na nila na pinsan ko si Ana Mae. Nagtaka pa nga ako no'ng una dahil ang tawag nila kay Ana Mae ay Charity, iyon pala ay ipinangalan lang 'yon ni Mrs. Salvacheera sa kaniya.
Ilang araw na silang nandito kakabantay sa akin. Sinabihan ko na naman sila na ayos lang kung iwan nila ako. Pero ayaw nilang pumayag lalo na ang mama ni Saint.
Nakakahiya. Masyado na akong nagiging pabigat sa mga taong ito. Kung mga kamag-anak ko ang nandirito ngayon, paniguradong matagal na akong pinabayaan at sinumbatan ng mga iyon.
Kung katulad nila Mrs. Salvacheera ang mga tao, walang dudang uunlad ang bansang ito. 'Yong tipong kahit walang-wala ka ay ganoon pa rin ang pagtrato nila sa'yo. Pero iba na ngayon, maayos ang trato sa'yo kung may wallet ka na may lamang nagpapalakpakang pera. Mabango ka lang kapag mayaman ka at may maipagmamalaking pangalan.
"Woy! Kalmahan mo 'yang dede mo, sanpin. Chemotherapy lang 'yan, hindi 'yan si kamatayan. Baka, Mara 'yan," pagpapalakas niya ng loob ko. Umaksyon pa siya na parang may muscle na maipagmamayabang. Napangiti na lang ako kahit ang totoo ay kinakabahan talaga ako.
In a swift, natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok sa loob ng operation room habang taimtim na nakahiga at pinanlalamigan ng kamay. Naramdaman ko ang kamay ng pinsan ko na pilit akong pinapatatag. Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya bago magsimula ang chemo.
"Huwag kang magpapatalo sa sakit, sanpin, ah? Magsasabunutan pa tayo para kung sino ang manalo, sa kaniya na si Saint. Naiintindihan mo o naiintindihan mo?" Gusto kong tumawa ng malakas pero nakakahiya na dahil nandito na ang mga doktor. Siya lang ang natirang tao sa loob bukod sa amin dahil nagpumilit siya na samahan ako kahit isang beses lang daw.
"Okay, we will start na. Don't be nervous Mara, okay?" Hinawakan ni Doktora ang kamay ko saka ako nginitian. "Pupunta pa tayo ng Spain para magpagaling, hmm?" Tumango lang ako kahit kabado pa rin.
Binitawan na ni Ana Mae ang kamay ko para dumistansya dahil nga magsisimula na. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila sa akin. Ni hindi ko nga alam kung nagsisimula na ba o hindi pa dahil ipinikit ko na ang mga mata ko.
"Don't be nervous. Isipin mo na lang na pagkatapos nito ay magiging okay na ang lahat. Papakasalan mo pa si Saint." Napangiti ako nang banggitin ni Doktora ang pangalang iyon. Ang pangalang medyo nagpabawas ng kaba ko.
Nakangiti lang ako nang nakangiti habang nakapikit. Pero nang tumagal ay napalitan ang ngiti ng sigaw. Sigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nila sa katawan ko kung bakit ganoon kasakit ang epekto nito. Ito na ba ang tinutukoy nilang chemotherapy? Parang may mga karayom na tumutusok sa labas at loob ng katawan ko.
"Ahh! D-Doc!" Dahil sa sakit ay nagawa kong kumapit sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Nagpaigtad-igtad at napapangiwi ako dahil sa sobrang sakit. Walang dahilan upang hindi bumagsak ang mga luha ko.
Ni hindi ko magawang punasan ang mga luha ko dahil ang atensyon ko ay nabuhos sa sakit na naglalaro sa katawan ko. Sigaw, iyak, at pagmamakaawa ang ginawa ko para itigil na ang chemo na iyon pero parang wala silang narinig. Nagpatuloy pa ang sakit na para bang hinihintay na ako na mismo ang bumitiw o mawalan ng malay para matapos na.
"Woy, sanpin, kaya mo 'yan. Sasakalin talaga kitang potangina ka kapag bumitaw ka. Kayanin mo, pinsan! Magsasabunutan pa tayo para kay Saint kaya huwag kang susuko nang dahil lang sa chemo na 'yan!" Ang pagpiyok ng boses ni Ana Mae ay sapat na para ipaalam na maging siya ay umiiyak na. Iyakin si Ana Mae kaya alam kong umiiyak na siya ngayon pero hindi niya lang pinaparinig.
Sanpin tulong...
Gusto kong sumigaw at magmakaawa sa pinsan ko na tulungan niya akong ilabas sa kwartong ito. Pero wala nang lumalabas na kahit anong salita sa bunganga ko bukod sa hagulhol.
"D-Doc... i-itigil... niyo na..." Sa sobrang panghihina ay hindi ko magawang tapusin ang mga sinasabi ko. "Please..." dugtong ko. I-Itigil niyo na...
Saint, tulungan mo ako! Kailangan kita!
"Now, sleep and rest Mara."
NAGMULAT ako ng mata nang maramdaman ang mga paggalaw ng hinihigaan ko. Doon ko lang din napansin na may tao pa lang nakahiga sa kama ko habang yakap-yakap ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya agad ko itong tinakpan.
Ngayon ko lang na-experience na makatabi ang lalaking 'to. Ngayon ko lang din naranasan na makatabi ang isang lalaki sa iisang kama.
"You're awake," mahinang sambit niya. Hindi agad ako nagtanggal ng takip sa mukha dahil alam kong namumula pa ito. Ayoko na makita niya ang ganitong itsura ko, baka mamaya ay isipin niya na pinagpapantasyahan ko siya.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mga namamasa niyang labi na dumadampi sa leeg ko. Natanggal ko ang kamay ko na kanina lang ay nakatakip sa mukha ko at agad na napakapit sa malalapad niyang braso habang pinipigilan na makagawa ng ingay dahil sa ginagawa niya sa leeg ko.
"S-Saint!" Napatili ako ng mahina dahil sa ginawa niyang paglalaro sa leeg ko gamit ang dila at labi niya.
Ramdam ko kung gaano siya kasabik na gawin ito. May mga kasama kami sa loob ng kwarto kaya ikinatatakot ko na baka may makakita sa amin kaya ko rin iniiwasan ang makagawa ng ingay.
"Ah!" Muli na naman akong napaigtad nang maramdaman ang mga kamay niyang unti-unti nang naglalakbay sa pagkababae ko.
I'm wet!
"Baby, it's soppy.." He's pertaining to my private parts! Alam ko rin na kanina pa ito namamasa dahil sa pinaggagawa niya. Ako na mismo ang humiwalay at tumalikod dahil sa kahihiyan.
Jusq! Wala sa pangarap ko ang makipagtalik sa ospital! Oh tukso! Layuan mo ako!
"I'm sorry..." iyon lang ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang kahihiyan sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang mga ganitong bagay na noo'y hindi kailanman sumagi sa isipan ko.
"Are you hungry?" marahan niyang tanong. Iniba na niya ang usapan dahil mukhang nahahalata na niya na naiilang ako.
"Gusto ko kumain ng malaking hotdo—" halos mapatili ako nang mapagtanto kung ano ang sinabi ko! Hindi ko lubos na akalaing masasabi ko iyon sa mismong harapan niya. Ngayon, inaasahan ko na sana ay hindi niya bigyan iyon ng ibang kahulugan gaya ng nasa isip ko.
"Okay, I'll take a shower first." Awang ang bibig ko at napalingon sa kaniya. Sinalubong ko ang nagtataka niyang mga mata.
"M-Maliligo..?"
"Yeah, I will take a shower first before I'll buy the hotdog." Alanganin akong napangiti at napahugot ng malalim na paghinga.
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...