MARA
"Iha, maayos na ang lahat. Pagkatapos ng therapy na ito, pupunta na kayo ng Spain," halos pabulong na sabi ni Mrs. Salvacheera. Hininaan niya lang ang boses niya dahil nandito si Saint.
"Kailangan po ba na sa Spain ako magpagamot? Sorry po kung demanding pakinggan, pero kasi si Saint e..." Hinaplos niya ang ilan pang natitirang hibla ng buhok ko at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Siya nga pala, pinakalbo na ang buhok ko. Noong una nag-aalangan ako kasi nasasayangan ako sa mga buhok ko. Pero napagpasiyahan ko sa huli na pumayag na lang na ipakalbo.
"Are you afraid that my son will replace you?" Nag-aalangan akong tumango. "Don't worry. Hindi ganiyan ang ugali ni Saint. Trust me, okay?"
"Salamat po sa lahat, Mrs. Salvacheera. Kapag po nakaluwag ako, babawi po ako sa inyo," walang pag-aalangang pangako ko sa kaniya. Sa dami ng naitulong niya sa akin at sa pinsan ko, maghahanap talaga ako ng paraan para bumawi sa kanila.
"No need. Wedding is enough for me." Natigilan ako at napayuko dahil sa nanunukso niyang ngiti. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa biro niya.
"Oh, nandiyan na sila. Fix yourself." Tumayo na siya at naglakad patungo sa pinto upang lumabas. Inayos ko ang sarili ko at pilit na pinatatag ang loob ko.
Nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Saint kaya bahagya akong natigilan. Anong gagawin niya dito?
"Baby, hold on. Papakasalan mo pa ako." And then he winked. Hindi ko inaasahan 'yon kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.
Puro ka talaga kalokohan, demonyo ka.
"Corny," rinig kong angil ni Doktora. Napatawa na lang ako dahil sa katarayan niya. May hinahanda na silang mga apparatus kaya umayos na rin ako kahit medyo kinakabahan.
Nilingon ko si Saint na ngayon ay nakangiti sa akin habang tumatango-tango. Mayamaya lang ay nagbaba siya ng tingin sa cellphone. Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo habang nakangiti pagkatapos ay inilapag ang hawak na cellphone sa inuupuan. Hanggang sa umalingawngaw ang kanta na sinasabayan niya ngayon sa pagsayaw.
Stop Drop and Roll
Do Dat
Do it like a proNapahalakhak ako nang masaksihan kung paano siya gumiling nang gumiling kahit mukhang hindi siya bihasa sa pagsayaw. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay unti-unti nang napapalitan ng saya.
Stop Drop and Roll
Do Dat
Do it like a proGumiling siya nang gumiling kaya maging ang mga nurse at doctor ay pinagtatawanan siya. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong napatawa nang biglang namula ang kabuuan ng mukha niya.
"This dance is for my woman, hindi para sa inyo. Tsk!" Napailing na lang sina Doktora dahil sa tinuran niya. Tumigil na siya sa pagsayaw kaya inalis ko na ang tingin ko sa kaniya.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan kaya muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ko. Ito na ang huling therapy ko dito sa Pilipinas. Ito na rin ang huling araw na makakasama ko sila. Huling araw bago malayo sa mga taong mahal ko.
Kung magiging successful man ang lahat ng therapy, kung kayanin man ng katawan ko ang mga 'yon, babawi ako sa lahat. Sana lang ay kayanin ng katawan ko.
Muling napabaling ang tingin ko kay Saint nang makarinig ako ng tugtog na pangsayaw. Natawa na lang ako. Todo-bigay siya sa bawat paggiling at... pag-twerk?!
Seryoso? Attorney na nag-t-twerk?!
"Tsk. Crazy bastard," rinig kong asik ni Doktora habang may inaasikaso sa katawan ko. Ngayon ko lang din napansin na maging ang mga tao sa labas ay nakasilip sa Glass's window ng kwarto habang kinukunan si Saint.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...