Kabanata 13

114 3 0
                                    

MARA

May iilan pa ring mga kalalakihan at kababaihan ang nakatampisaw sa tubig kahit hating-gabi na. It's already 2 am in the morning but I'm still awake, obviously. Hindi ako makatulog sa 'di malamang dahilan. Tatlong araw na rin kaming nandito sa Bohol, akala ko isang araw lang kami rito. Paniguradong malaki na rin ang nagastos ni Callip dito.

Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingala sa langit. Hindi ko gawaing tumitig sa kalangitan tuwing gabi pero parang pinagsisisihan ko na iyon. Namangha ako sa mga maliliit na bituing nakakalat at ang pagkalaking buwan na nagbibigay liwanag ngayon sa kapaligiran. Napakaganda. Ilang taon na akong namumuhay sa mundong ito ngunit ngayon lang sumagi sa isip ko ang titigan ang kalawakan.

"Ang ganda, 'di ba?" Kilala ko na kung kaninong boses iyon kahit hindi ko man lingunin. Umupo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalawakan na animo'y may plano pang sabayan ang pagtitig ko sa mga ito.

"Alam mo, ngayon lang sumagi sa isip ko na tumitig sa kalawakan. Ilang taon na akong nakatapak sa mundong 'to pero ngayon lang sumagi sa isip ko na tumingala para pagmasdan ang mga tala." Nagbaba ako ng tingin at ibinaling na lang ang titig sa mga kamay ko na nakalandas.

"Nasa iba kasi ang atensyon mo kaya hindi mo napansin." Inosente akong napatingin sa kaniya. Maraming nais iparating ang sinabi niya kaya hindi ko alam kung may ibang meaning pa ba ang sinabi niya sa akin.

Tinitigan ko siya. "May iba pa bang ibig sabihin 'yang sinabi mo? Medyo malalim, ang hirap sisirin." Narinig ko ang pagtawa niya dahil sa pagbibiro ko. Hindi naman biro lahat ng sinabi kong 'yon, yung huli lang.

"Try to think of it," sagot niya. "By the way, bakit hindi ka pa natutulog? Delikado dito sa labas, baka pagkatuwaan ka ng mga lalaki rito." Ako na lang laging iniisip nila. Sa totoo lang, kaya ko ang sarili ko dahil tinuruan ako ni Tatay kung paano protektahan ang sarili ko no'ng panahong buhay pa siya kaya medyo pabaya ako pagdating sa ganitong bagay.

"Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, ilang gabi na akong hindi makatulog. Baka dahil lang 'to sa sakit ko." Kibit-balikat lang akong lumingon sa kaniya. Napailing na lang siya dahil sa sinabi ko. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang malalim na biloy sa kanang pisngi. Mas lalo tuloy siyang naging magandang lalaki sa paningin ng kababaihan.

"You never failed to amaze me, Mara. Kung ibang babae 'yan, paniguradong magtatangka na 'yang magpakamatay." Mapait akong napangiti dahil sa huling sinabi niya.

"Akala mo lang 'yon." Binalik ko ang aking tingin sa dalampasigan. Nitong nagdaang araw, napapansin ko na parang nagpapaalala na naman ang nakaraan ko. Ilang beses ko iniiwasan na hindi magbanggit ng kahit anong bagay na konektado sa nakaraan ko pero hindi ko maiwasan.

"So you once attempted committing suicide?" usal niya. Halata ang kuryusidad sa kaniyang boses. Ngayon ko lang nakausap ng mataimtiman ang lalaking 'to. Ang hectic kasi ng mga schedule nila kaya minsan lang kami magkausap.

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Hmm, dahil sa sakit ko—no, let me correct it. I once attempted suicide because of this curse." Lumitaw ang awa sa kaniyang mata matapos kong sabihin iyon. Oo, kinamumuhian ko ang sakit na 'to. Sumpang sakit na 'to.

"Care to share your tea, Mara?"

Napamulat ako nang marinig ko ang ingay na umaalingawngaw sa loob ng bahay namin. Nakapagtataka dahil hindi lang simpleng ingay 'yon, kundi hagulhol at hikbi. Dahil sa pagtataka, tumayo ako at agad na nagtungo sa sala. Lahat sila ay nasa sa akin ang tingin pero hindi ko 'yon pinansin. Si Nanay at Tatay ang una kong hinanap pero hindi ko sila mahagilap. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin ang dalawang ataul. Ganon-ganon na lang kadali para pagtaksilan ako ng mga mata ko. Nagbagsakan ang mga likidong ilang taon nang nakatago sa malulungkot na mga mata ko.

Hindi ko alam kung sinong haharapin ko sa mga kamag-anak ni Nanay at Tatay. Nanlilisik at naghuhuramentado ang mga mata nilang lahat sa akin. Kahit ang kapatid ni Mama na pinakamalapit sa akin ay mukhang galit din. Hindi ko na alam kung sinong lilingunin ko sa kanila.

"Walang hiya kang bata ka! Kasalanan mo kung bakit namatay ang Ate ko! Kasalanan mo!" Dalawang tao na ang pumigil sa kapatid ni Nanay dahil halos sakmalin at bugbugin na ako nito. Wala ni isa ang lumapit sa akin para man lang protektahan ako.

"Kasalanan mo, Mara! Nag-aagaw buhay sila sa pvtanginang ospital na 'yon habang ikaw ay taimtim na natutulog sa bahay ninyo! Ilang buwan silang naghihirap at ikaw ang dahilan kung bakit sila naghirap! Kumayod sila ng kumayod para lang gumaling ka sa sakit na 'yan! Pero kung ako 'yon? Matagal na kitang pinabayaang mamatay! Matagal na sana akong nangarap na bangungutin ka! Anong klaseng anak ka?! Kahit sino ay hihilinging mamatay ka! Wala kang kwenta, tandaan mo 'yan!" Wala nang mas isasakit pa ang mga binitiwan niyang salita. Ang dating tao na kasundo ko ngayon ay tinuturing na akong basura at pinakamalas sa buong mundo. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumagot sa kaniya. Pakiramdam ko kase ay totoo lahat, totoo lahat ng sinabi niya.

"Ano?! Iiyak ka na lang diyan?! Sa tingin mo may maaawa pa sa'yo rito?! Gago! Bukas na bukas, magsimula ka nang mag-impake ng damit mo, ha?! 'Wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa burol ni Ate at ng Tatay mo tutal wala ka rin namang ambag! Umalis ka na lang!" Inaasahan ko na may pipigil sa kaniya kahit isang tao man lang. Pero nakakapanlumo dahil kahit isa ay wala. Doon ako tuluyang napahagulhol nang maalalang hindi pala ako totoong kamag-anak ng mga 'to. Hindi pala ako totoong anak ng mga taong kinikilala kong mga magulang.

"A-Ang sakit...nang dahil sa sakit ko, ni hindi ko man lang nalaman na naghihingalo na pala ang mga magulang ko sa ospital. Sila naghihingalo, habang... habang ako ay nakahiga lang sa higaan at tulog dahil sa pvtanginang sakit na 'to! Nay, Tay, sorry..." Kumawala sa bunganga ko ang hagulhol na pagkalakas-lakas. Ang iba ay napalingon sa gawi namin pero hindi ko iyon pinansin.

"Shh... it's okay. It's not your fault, Mara, okay? Shh..." Yayakapin niya pa sana ako kung hindi lang umalingawngaw ang boses ng babaeng pagkatinis-tinis.

"DON'T YOU DARE HUG OTHER GIRLS, KALISTER SAVILLAN! OR ELSE I WILL CUT YOUR ALAGA!"

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon