MARA
"What the hell?! I won't!" Napanguso na lang ako dahil sa muling pagtanggi niya. Kanina pa namin siya pinipilit kaya kanina pa rin siya tanggi nang tanggi. Gustuhin ko man na mapapayag siya ay hindi ko magawa. Sigaw niya lang talaga ang umalingawngaw sa malaki nilang bahay.
"Kuya Hez, come on! It's just a freaking favor. Mara's favor," mariing sermon ni Kal. Bukod kay Yoshi, siya at si Callip ang kanina pa pumipilit kay Hezu. Pero sadyang matigas ang bunbunan ng lalaking 'to.
"Did you even think, Kal?! Inisip mo ba kung anong magiging itsura natin dahil diyan?! Wearing a corset while performing that damn dance!" Halos mapaigtad kaming apat nang hampasin niya ang malapad na lamesa sa harap niya. Nakagawa ito ng malakas na ingay dahil ito'y kahoy.
"Kuya Hez, ngayon lang naman humingi ng pabor si Mara." Halatang pati si Callip ay iritado na rin ngunit mas pinili niyang maging kalmado. Kung kaya ko lang lunurin 'to, malamang matagal ko na 'tong nalunod. Matagal ko na ring pinaanod sa baha! Bumuntong-hininga na lang ako at tumayo.
"'Wag na lang, Hezu. Mauuna na'k-"
"I'll drive you."
"Ihahatid na kita."
"I'll take you home."
Nagulat ako sa inakto nila. Sabay silang tumayo at sabay na nagsalita. Maging ang galit na si Hezu ay nagtaka rin sa inasal nila. Nag-aalangan man ay nginitian ko na lang sila.
"'Wag na. Kaya ko ang sarili ko." Tinalikuran ko silang apat para sana lumabas nang may maramdaman akong kamay na humila sa pulsuhan ko. Ang tatlo ay nakatingin lang sa aming dalawa na animo'y binabantayan ang kilos ng isa't-isa.
"I'm sorry." Halata ang sinseridad sa boses niya ngunit hindi ko pa rin maalis ang kaunting tampo na namuo kanina pa. Pilit akong ngumiti sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat kahit medyo nahirapan ako. Bakit kasi ang tatangkad nilang lahat. Nagmumukha tuloy akong gasul na gala.
"Ayos lang, sige mauna na ako. Kumain kayo sa tamang oras, ah? Patulugin mo ng maaga si Hezian. Bye." Naglakad na ako palabas ng gate nila. Mabuti na lang ay wala nang nagtangkang lapitan pa ako. Bakit kaya ang weird nilang lahat? Hindi naman sila ganiyan dati.
Pagkauwi ko'y ganoon pa rin ang nangyari. Hindi pa rin ako pinansin ni payatot kaya mas lalong hindi naalis ang lungkot sa kalooban ko.
Ilang sandali pa akong nagmuni-muni nang biglang tumunog ang phone ko, may nag-message sa akin. Pangalan ni Hezu ang lumitaw. "I'm sorry about the way I acted earlier. About the plan, let's continue it, shall we?" Napangiti ako sa nabasa. Ako pa ba ang magmamatigas? Muli kong sinilip si Saint saka napagdesisyunang bumalik na lamang sa bahay nila Hezu. Wala akong mapapala dito. Sana naman gumana ang balak naming gawin.
"Mom!" Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay sinalubong agad ako ng yakap ni Hezian nang makita ako. Gumanti na lang din ako sabay halik sa kaniyang noo.
"I missed you so much." Muli niya akong niyakap ngunit sa pagkakataong ito ay sa hita ko na nakayapos ang dalawang kamay niya.
"First time to see you wearing a spaghetti strap, Mom, huh? What's goin' on?" Pinantayan ko siya para makaharap ng maayos.
"Nothing. I just have a little surprise for your Uncle Saint." Napatakip siya sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang mata. Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang reaksyon niya.
"What's with that reaction, Ley?" Ang kaninang gulat na reaksyon ay napalitan ng kaunting lungkot.
"Is Uncle Saint really now your fiancé?'" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masasayahan dahil sa narinig ko. Matatawa dahil masyadong malabo na magkakatotoo ang deal na 'to. Masasayahan dahil gusto ng tainga at puso ko ang naririnig ko.
"Yes, but—"
"How about my dad?" Muling kumunot ang noo ko dahil sa agad na pagbabago ng mood niya. Manang-mana sa tatay niyang mas matigas pa ang ulo sa semento.
"How about your dad?" pagbabalik ko sa tanong niya dahil hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin niya doon.
"He likes ---”
"Hezian!" Hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin dahil sa biglaang pagsulpot ni Hezu. He's wearing a white polo shirt and khaki short.
"D-Dad.." Mas lalo akong nagulat nang marinig ang pagkautal niya. Ilang beses ko na nakasama ang batang 'to pero kahit kailan ay hindi ko pa siya narinig na nautal. Kahit makipagsagutan sa mga kapwa niya babae ay hindi pa rin siya nauutal, kaya gano'n na lang ang gulat ko.
"Ahm, let's go, Ley. Doon tayo mag-usap sa loob." Hinawakan ko ang isang kamay niya para yayain papasok ng bahay nila. Tanaw ko mula sa labas ang tatlong lalaki na nakaupo sa sofa habang abala sa pagtitipa ng laptop. Halata ngang wala pang ligo ang tatlo dahil sa itsura nila.
"Mara! Have a sit." Isa-isa silang napalingon sa gawi ko kaya isa-isa ko rin silang nginitian. Napakagulo pa ng mga buhok nila, maging ang mga mata ay halatang kakagising lang.
"Tuloy pa ba ang plano?" Tumango sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Ilang oras pa bago kami natapos sa pagsuot ng corsets. Pinasuot ko rin sila ng wigs at simpleng nilagyan ng lipstick para magmukhang babae.
"Sigurado ka bang gagana 'tong plano mo, Mara? Pa'no kung hindi ka pa rin pansinin pagkatapos nito?" Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot nang marinig ang sinabi ni Callip. Hindi ko alam pero may kaunting kirot ang umaaligid sa'kin.
"Hindi ko alam. Siguro lalayo na lang ako, dito na lang siguro muna ako." Pinagpatuloy ko ang pagpalagay ng kolorete sa mukha. Kinapalan ko ba ang lipstick ko para lalong bumagay sa suot ko. Salamat sa designer at make-up artist ng mama ni Saint. Mas natuto akong magsuot ng maayos at mag-apply ng make-up dahil sa kanila.
"What the hell?!" Lahat kami ay napalingon sa lalaking kanina pa nasa itaas. Kabababa niya lang kaya gano'n na lang ang pagbigla niya ng makita ang itsura namin.
"Fuck? Are fucking serious, Margarette Leora?! Applying that damn make-ups?! You look like a clown!" I don't know why, but it hurts. When I hear those words came from his mouth, it seems that something hit me. Embarrassment is playing in me again.
"B-Bakit?" Iyon lang ang tanging nailabas na salita sa bibig ko. Pinigilan ko rin ang sarili na pumiyok para hindi nila mahalata na naiiyak na ako.
"Your face is irritating!" Hindi pa man siya nakakatalikod ng tuluyan mula sa gawi namin nang biglang dumapo ang kamao ni Yoshi sa mukha ni Hezu. Patakbo akong lumapit sa gawi nila para sana pigilan at awatin sila. Pero dahil sa hamak na mahina ako, napatalsik na lang ako sa lupa. Nasiko pa ni Hezu ang bandang sikmura ko kaya hindi ako agad nakatayo. Lumapit si Ley sa gawi ko para sana alalayan ako pero hindi naaalis ang kirot sa sikmura ko. Hirap akong makatayo.
"Gosh, Dad! Uncle! Stop fighting!" sigaw niya habang nakahawak sa akin.
"I always respected your view! Always! But, saying something to her like that? Seriously?! From now on, I won't never respect you if you still treat her the way you do now. I WON'T!" I was shocked when Yoshi raised his middle finger to Hezu. Nananatiling masakit ang tiyan ko.
"Does it still hurt? I'm sorry." Inalalayan ako ni Yoshi para itayo. Pero dahil sadyang mapaglaro ang sumpang sakit na'to, unti-unting tumalukop ang mga mata ko.
"MARA!"
"MOM!"
Ang huling sigaw na narinig ko bago ako nawalan ng malay.
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...