MARA
Napamulat ako nang maramdaman ang init na nagmumula sa nakakasilaw na glass window ng silid na hinihigaan ko. Walang tao sa loob kaya malaya akong tumayo para magtungo ng Cr. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng mukha ko.
Mas lalo akong pumayat at pumuti kumpara noon. Mas lalo ring humaba ang bagsak kong buhok na halos umabot na sa pang-upo ko. Maging ang mga tigyawat ko sa mukha ay unti-unti nang nawawala. Maraming pagbabago ang nangyari sa katawan ko. Ilang buwan na naman ba akong tulog? Kumuha ako ng tali sa buhok at ginamit para maipag-isa ang buhok kong magulo.
"Oh, cock! Daddy! She's awake! Mommy Mara is awake, emeeee!" Halos pare-parehas silang lahat ng reaksyon. Lahat ay nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Ngunit sadya yatang hindi marunong makontento ang mata ko, iba ang hinahanap. Maybe he's still mad at me. Pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata.
"Fuck! I-Is this....true?" Natawa ako dahil sa pamamaraan ng pagsabi ni Hezu sa mga katagang iyon. Maging ang tatlo ay nakanganga na animo'y may hinihintay na pagkaing papasok sa bunganga nila. May mga nagbago rin sa kanila. Si Yoshi na mas lalong humaba ang buhok na bumagay sa kaniya. Si Callip na mas naging matured ang mukha at tumangkad ng kaunti kumpara noon. Si Kal na mas lalong naging gwapo at matured tignan kahit siya ang pinakabata sa lima. At si Hezu na mas lalong pumuti.
"Mom? Are you hungry? Do you want to eat something? Uhmm... do you want to go somewhere?" sunod-sunod na tanong ni Ley. Mas lalong humaba ang buhok niya at mas lalong naging magandang bata. Kung tutuusin ay parang mas matangkad pa si Hezian kaysa sa kaniyang ama.
"Woi! Ano ba? Kung makatingin kayo ay para naman akong artista. Kalma, ako lang 'to," pang-aasar ko sa kanila ngunit hindi pa rin nawawala ang tingin nila sa akin. Humugot ako ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.
"Ilang buwan na naman ako tulog?" Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Kal. Hindi ko alam, pero pansin ko ang nakakailang nilang tingin sa isa't-isa. Nag-iiwasan ng tingin na para bang may kasalanan silang nagawa.
"A-Almost six months," nauutal na sagot ni Callip ngunit ang tingin ay nananatiling nasa akin.
"Hindi pa rin ba pumupunta si Saint dito? Kinamusta niya ba kung okay lang ako?" Doon na nawala ang tingin nila sa akin. Nagkani-kaniya silang apat sa pagpatuloy ng mga ginagawa nila. Wala ni isa sa kanila ang makatingin sa akin ng diretso kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumikhim na lang.
Prente akong nakaupo sa plastic chair habang tahimik na nagpapahangin sa terrace. Mabuti na lang at hinayaan nila akong mapag-isa. Naiinis ako sa inasal nilang lahat dahil ni isa ay walang nagtangkang sumagot sa mga tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit pangalan agad ni Saint ang unang lumabas sa bunganga ko. Ilang buwan na akong tulog at ilang buwan na ring hindi ko siya nakikita. Kumusta na kaya siya? Okay na kaya sila ng lolo o Abuelo niya? Napatingala ako sa maaliwalas na kalalngitan at nagbakasaling marinig ang mga dasal ko.
"You miss him, right?" Halos mapapitlag ako sa pagkakagulat nang magsalita ang lalaking nasa likuran ko. Nakasuot lang siya ng malaking tee-shirt at boxer. Dumapo ang mga mata ko sa bakat niyang alaga, napaiwas ako ng tingin at humuhiling na lamunin na lang ng lupa. Tangina namang bakat 'yan, Hezu! Wala pa naman akong balak na manggahasa ng lalaki. Dalawang beses akong napailing para mapabalik sa ulirat.
"Sino?" kunwaring sagot ko. Sabihin ko man o hindi, halata pa rin naman sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali dahil inaasahan kong pupuntahan ako ni Saint dito sa bahay nila para kumustahin ako. Ngunit ni anino ay hindi nagparamdam.
"'Wag ka ng magkunwari, isang lalaki lang naman ang tinutukoy ko," seryosong sabi niya. Malamig ang boses na iyon kahit ilang beses niyang man subukang maging malambing.
"Oo, I really miss your friend. I badly miss him and my eyes are waiting for his shadow 'til now," tuloy-tuloy nabsabi ko kahit wala sa kaniya ang tingin at atensyon ko.
"Why can't you turn your head on me? I'm better than him though," mahinang pagkakasabi niya ngunit rinig na rinig ko ang mga iyon. Hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo na.
Parang no'ng kailan lang ay halos isumpa niya ako dahil sa itsura ko. Ilang beses na ako naglagay ng kolorete sa mukha ngunit ang pagkakataong iyon lang ang ikinagalit niya. Tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari at nasabi niya no'ng gabing 'yon. Pero wala akong galit sa kaniya.
"Masyado na kayong nagdididikit sa akin, baka mamaya ma-inlove kayo, ah? Alam kong maraming tigyawat ang mukha ko pero hindi ko ipagkakaila na maganda ako," panunudyo ko sa kaniya. Narinig ko pa ang saglit niyang pagtawa dahil sa tudyo ko.
Ngayon ko lang narinig na tumawa si Hezu, ilang buwan na kaming magkasama pero ngayon ko lang talaga siya narinig na tumawa.
"Your pimples made it more unique and simple. Hindi naman mata ang tumitibok, kundi ang puso," giit niya. Napaisip ako na tama nga ang sinabi niya. Hindi nga naman talaga mata ang tumitibok pero minsan kasi mata ang dahilan para tumibok ang puso.
"May punto ka naman saka bakit ba natin pinag-uusapan 'yan? Change topic nga." Lumapit siya sa gawi ko para tabihan ako kung saan ako nakaupo. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang gitarang itim. Nasa iba kasi ang tingin ko kanina kaya hindi ko napansin ang gitara.
"Kumusta ka na pala, Hezu?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi pa niya sinagot ang tanong ko kaya nilingon ko siya. Nagulat na lang ako nang palapit nang palapit ang makikinis niyang mukha sa mukha ko. Wala akong ibang magawa kundi ang iatras ang aking mukha para maiwasan ang pagdikit ng mga ito.
"A-Ano bang ginaga-" Nagulat ako nang hinawi niya ang mga buhok kong nagliliparan at humaharang sa mukha ko. Hindi ito ang inaasahan ko. Napayuko ako sa kahihiyan, kung nakikita ko lang ang mukha ko, paniguradong namumula na ako.
"I'm okay, but my heart ain't." Sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang mukha. Aminin man niya o hindi, ang mga mata niya ay nagsasabing malungkot siya. Kahit kailan hindi nagsisinungaling ang mata. Gaya ng mata ko, kapag inaantok pipikit talaga. Hayyss, kailan pa ba ako makakatakas sa sumpang sakit na 'to!
"Hiniwalayan ka na naman ba ng girlfriend mo?" Napahalakhak siya dahil sa sinabi ko. Wala akong ibang magawa kundi ang mapanguso. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba do'n?
"Before, I don't have any interest to find a woman again. Pero nang makita ko siya, gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko. How can I find a woman like her? This sounds corny, maybe she's ain't perfect but my heart says she is." Nagniningning pa ang kaniyang mata na animo'y batang may nagugustuhan na laruan o pagkain. He's really inlove.
"In love ka nga-"
"Sa'yo." Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niyang pagdugtong sa sinabi ko. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad niya akong iniwan doon at nakangiting umalis.
Tama ba ang narinig ko? O baka inaantok na naman ako?
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...