MARA
"Hey, baby! I made a chocolate cake for you!" Bitbit ang chocolate cake na gawa ko, lumapit ako sa kaniya. Walang bakas na tuwa sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko.
"Saint? Is there something wrong?" He’s just staring at me while crying? What’s wrong with him? Hindi siya sumasagot kahit anong gawin ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad ito.
"What’s wrong? Are you mad at me? Nagalit ka ba dahil sa sinabi ko kagabi? Hey! That was just a joke!" Tumawa ako na animo’y may nakakatawa sa sinabi ko pero wala pa rin siyang sagot. Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil lumalayo siya sa tuwing lalapit ako.
"Saint, ano ba! Magsalita ka nga!" Inilapag ko muna ang cake na hawak at taas-kilay na hinarap siya.
"Hindi ka ba talaga magsasalita? Ano bang problema mo?" Pinilit ko na maging marahan ang pagkakasabi dahil ayaw kong isipin niya na malapit na akong magalit.
Potangina, Salvacheera, sumagot ka. 'Di ka na talaga makaka-points mamaya!
"Wala ka bang plano na sumagot, Saint? Para akong tanga rito!" Bahagya akong napapikit at pinakalma ang sarili. Humugot ako ng malalim na paghinga bago siya muling hinarap.
"This ain't funny! What's fucking wrong with you, Saint Salvacheera?!" Hindi na ako nakapagtiis pa, nilapitan ko siya para sana yakapin pero muli siyang umiwas. Umiwas siya nang umiwas dahilan upang lalo akong mainis sa kaniya.
Akmang lalapit ako at pipilitin siyang yakapin nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Mr. and Mrs. Salvacheera!" Their eyes were swollen. Hindi ko alam kung bakit namamaga ang mga mata nila at hanggang ngayon ay humihikbi pa rin ang mama ni Saint. Mrs. Salvacheera hugged me and burst into tears while sobbing.
"W-What's wrong?" Hinamas ko ang likuran nito para patahanin siya. Saint's father just looked at me until his eyes starting to shed tears again.
"H-He's gone…” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang napapikit at tumingala. Mas lalo namang napahagulhol ang mommy ni Saint pero hindi ko pa rin alam kung sino ang tinutukoy nila. Wala akong ideya kung bakit sila umiiyak. Wala akong ideya kung ano ang dahilan ng kanilang pag-iyak. Wala akong ideya kung bakit sa akin sila lumapit ngayon.
"Gone who?" Ganon-ganon na lang kabilis ang pagkalabog ng dibdib ko sa dahilan na hindi ko rin mawari. Napabitaw sa pagkakayakap ang mommy ni Saint at tinitigan ako. Ang mga mata nila ay sapat nang paraan para ipaalam ang lungkot na namamalagi sa mga kalooban nila.
"H-Hindi mo alam?" Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi nila. Ang daming tanong na namuo sa isipan ko dahil sa kakaiba nilang kinikilos. Nalilito ako.
"What are you trying to say, Mrs. Salvacheera? I'm completely clueless… what's wrong?" Sabay silang nagkatinginan at nagbaba ng tingin. Naiintriga ako dahil sa mga kinikilos nilang dalawa.
"Anak, he's gone… my son is gone…” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o madidismaya. Nandito ba sila para biruin ako? Si Saint lang ang anak nilang lalaki kaya malamang si Saint ang tinutukoy nila. Pero anong wala? E nakaharap ko pa nga.
"Is it Saint? There he is—" Ituturo ko sana kung saang puwesto ko iniwanan si Saint kanina pero wala ng tao roon. Inilibot ko ang paningin ko para hagilapin siya pero wala akong makitang bakas ni Saint. Baka umakyat sa kwarto niya.
"Kung si Saint po ang tinutukoy niyo, nandito po siya kanina. I think he has a problem. He didn't bother to answer my questions." Sadness slowly reflects on their faces as they looked at me with their wet naked eyes. Bakit parang hindi lang lungkot? Bakit parang may kasamang awa ang pamamaraan ng pagtingin nila sa akin.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...