Kabanata 6

194 4 4
                                    

MARA

Ilang araw na ako hindi pinapansin ng lalaking 'yon. Hindi ko alam kung naiinis ba siya dahil sa inakto ng lolo niya o dahil sa ginawa ko. Ilang gabi na rin akong nagpapansin sa kaniya. Pa'no? Nagkukunwaring akong nadapa, o 'di kaya ay napaso, makatapon ng tubig, at kung ano-ano pa pero walang silbi ang lahat. Ni paglingon sa akin ay hindi niya magawa. Nakatutok lang siya sa laptop at mga papel na dinaig pa ang kapal ng dictionary.

Wala akong ibang magawa kaya naisipan ko na lang na lumabas mag-isa. Mabuti na nga lang ay hindi umaandar ang sleeping disorder ko. Kaya malaya akong gawin kung anong gusto kong gawin dahil may pera naman na binigay sa akin si Saint bago niya ako pinakilala sa lolo niya. Tanging oversized tee-shirt at pedal na puti lang ang suot ko na pinarisan ng sneakers na bigay sa akin ni Hezu. Wala na akong pakialam kung magmukha ulit akong losyang sa suot ko, sanay naman na ako noon pa.

"Hi, good morning. May I know your order, Miss Mara?" Ngumiti muna ako sa kanila bago ko sinagot ang babaeng nasa harap ko. Kilala na ako ng lahat ng staff dito sa Coffee shop na pagmamay-ari ni Yoshi. Yes, he's a great lawyer yet a businessman. Sino bang makakapag-manage ng ganitong klaseng shop sa murang edad, 'di ba? Iddagdag mo pa ang trabaho niya.

"Cappuccino na lang po," nakangiting sagot ko. Napakamaaliwalas ng ambiance ng coffee shop na 'to, hindi na 'ko magtataka kung bakit kilala ang shop na'to sa syudad ng Manila. Sino ba namang hindi makakapansin sa ganitong klase ng shop na may kakaibang disenyo at mga pagkain.

"Here's your order, Miss Mara." Inilapag niya ang isang maliit na tasa sa harap ko kasama ng chocolate cake na lagi nilang dinadagdag sa order ko. No'ng minsang tinanong ko sila kung bakit hindi nila maalis-alis ang chocolate cake sa bawat order ko, ang sagot lang nila ay iyon daw ang utos. Bakit naman 'yon gagawin ng businessman, 'di ba? Baka malugi pa ang shop nila.

"Hindi mo ba ako sasabayan?" tanong ko sa taong nasa likuran ko. Hindi ko siya nilingon ngunit alam kong may tao roon dahil ramdam ko ang presensiya niya. At kilala ko rin kung sino iyon kahit hindi ko na ito lingunin pa. Napailing na lang siya habang umuupo sa kaharap kong lamesa. Humigop muna ako ng inumin bago ko siya tuluyang hinarap.

"Have you eaten already, Yosh?" Nakaramdam ako ng pagkailang nang mapansing pinagmamasdan niya ako. Ilang beses pa akong tumikhim para lang maputol ang pagkakatitig niya sa akin pero walang silbi iyon. Ano bang tinitigan niya sa mukha ko? Wala naman siyang ibang makikita bukod sa tigyawat at black head.

"I don't want to eat. By the way, okay na ba kayo ni Saint?" seryosong usal niya. Napabuntong-hininga ako dahil muli ko na namang naalala ang katangahang nagawa ko nang gabing iyon. Hindi nga talaga ako bagay sa ganoong klaseng pamilya.

"Hindi pa kami nagkakapansinan simula nang gabing 'yon. Hindi niya naman ako pinapansin e." Napanguso na lang ako dahil sa pagkadismaya. Kailan pa ba ako papansinin ng payatot na 'yon? Hindi naman sana ako sasagot ng gano'n kung maayos makipag-usap ang lolo niya.

"Ganiyan talaga siya," tipid namang sagot ng kaharap ko. Kahit kailan ang titipid talaga ng mga 'to kapag nagsasalita. Sumubo ako ng chocolate cake na kanina ko pa hindi nagagalaw. Humigop na rin ako sa inumin ko bago muling nagsalita.

"Kamusta pala si Ley? Pasensya na hindi ko makadalaw sa inyo kasi kailangan kong tumupad sa deal namin ng payat na 'yon. Hindi ko nga alam kung may deal pa ba na nagaganap." Mayroon pa nga ba? Ilang araw na talagang bumabagabag sa isip ko ang pangayayaring 'yon at kung may deal pa ba na nagaganap. Gusto kong magtanong pero paano? Ni hindi niya nga ako pinapansin o kahit saglit na sulyap man lang.

"What do you mean by that?" Nakakunot noo niyang tanong.

"No'ng gabing pinakilala niya ako sa lolo niya, sa halip na maging maayos ang lahat ay kabaligtaran ang nangyari. Nagkasagutan kami ng lolo niya kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Ewan, nakakalito." Napailing na lang siya habang nakangisi. Ang hilig talaga nilang mag-ganiyan. Nagkakahawaan tuloy sila sa mga habit ng isa't-isa. Sana naman ay hindi nila mahawaan si Ley.

"I can't believe it. Ikaw ang ikalawang babaeng matapang na nakipagsagutan sa lolo ni Saint. Everyone respect him but I can't believe na may papatol pa pala sa pagiging walang respeto niya. I salute the two of you," giit pa niya at umaktong magsasaludo sa harap ko. Napairap na lang ako nang wala sa oras. Bukod sa staff niya, may iba pa kayang nakakakita kung gaano kaisip bata gumalaw ang lalaking 'to. 'Yong utak matured pero 'yong galaw parang batang hindi pa nabibinyagan.

"Natatakot ako kasi baka may gawin 'yong matandang 'yon kay Saint. Natatakot din ako na baka abutan ng taon bago niya ako pansinin. Tulungan niyo naman ako..." Nagmakaawang tingin ang isinalubong ko sa mata niya para mapapayag ko siya. Madali lang naman 'to bumigay si hapon e.

Ilang sandali pa akong nakipagtitigan sa kaniya at siya na rin ang unang bumigay. "Fine! But I can't promise that they'll agree with this. Spill what your plan is." Inubos ko muna ang inumin kong kanina pa lumamig dahil hindi ko na nagalaw.

"Walang trial si Saint ngayong huwebes. Suggest ka naman ng gagawin para mapansin at mapatawad ako ng payatot na 'yon. Nakakaumay matulog at magising nang walang kausap sa bahay niya, 'no! Para akong hangin sa paningin niya," litanya ko. Kinuha niya ang teleponong nakaipit sa bulsa niya at nagtipa.

"Anong gagawin mo?" seryosong tanong ko habang nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya. Ipinakita niya ang pangalan ng tatlo na nasa phonebook ng cellphone niya at agad na tinawagan. Si Hezu lang ang tinawagan niya dahil alam naman niyang makikinig ang dalawang kasama nito sa bahay. Ilang minuto lang ay napasang-ayon na rin ang tatlo kaya medyo lumuwag ang panlulumong ilang araw ko nang dinidibdib.

"Wala ring trial ang tatlo ngayong huwebes kaya pumayag sila. Pero ano bang plano?" Sasabihin ko ba? Nag-aalangan ako kasi baka hindi sila pumayag sa plano ko. Bahala na.

"Sasayaw?" Napababa ako ng tingin habang sinasabi iyon. Nagdadalawang isip ako kasi baka hindi siya sumang-ayon sa plano ko.

"Just dance?" panguusisa niya.

"Kailangan niyong magsuot ng corset habang nagsasayaw ng sexy na parang babae." Laglag ang panga niya nang marinig ang sinabi ko.

We were performing a sexy dance.....

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon