Kabanata 17

107 3 0
                                    

MARA

"Are you hungry?" Napaangat ako ng tingin sa batang babaeng nakatayo sa harapan ko habang nakapamaywang. She looks more gorgeous because of her braided hair and curve eyelash.

"I'm not hungry, I'm Mara." Napairap siya dahil sa birong binato ko sa kaniya. Napakasuplada talaga ng batang 'to, manang-mana sa tatay. Parang laging menopausal e.

"Ow, it sounds mais." Tumalilis na lang siya at agad na dumiretso sa kusina. Hindi ko man lang naintindihan kung ano 'yong sinagot niya sa akin. Sounds mais? Ano kaya 'yon. Ang korni mo, Ley!

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakauwi na rin kami no'ng nakaraang linggo pa at ilang linggo na rin akong hirap makatulog tuwing gabi. Pinipilit nga nila ako na magpakonsulta pero tinanggihan ko sila. Silang apat lang, hindi kasama si Saint, demonyo 'yon.

Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba talagang sakit ang mayroon ako. Sabi kasi ni Nanay, narcolepsy raw o sleeping disorder. Pero hindi ko matandaan kung nagpunta ba kami sa doctor noon. Iyon lang ang sabi nila kaya iyon lang din ang pinaniwalaan ko.

"Hirap ka na naman makatulog?" Nakiupo rin siya sa espasyong katabi ko. Nasa veranda kaya medyo malamig dahil gabi na rin. Pansin kong nakasuot pa siya ng polo at halatang kakauwi lang galing sa trabaho.

"Mas mahirap makatulog ng pang-habang-buhay," pabiro kong sagot sa kaniya. He just pat my head and smiled genuinely while looking at me. Ngayon ko lang ulit nakausap ng masinsinan 'tong lalaking 'to. Busy kasi silang lahat dahil sa trial nila. Huling pag-uusap namin ay no'ng nandoon pa kami sa Bohol.

"How are you, by the way? You look stressed and sleepless," untag niya. Hindi talaga mawawala ang linyang 'yan kapag nagkakausap kami.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "I may look like a stressed and sleepless damsel, the important is mahalaga." Napahalakhak siya dahil sa muling pagbibiro ko. Ganiyang tawa ang gusto kong makita sa mukha nilang apat, maliban kay Saint. Pakialam ko sa manyak na Attorney na 'yon!

"Still the old Margarette Leora, jolly one." Lalong sumingkit ang mata niya dahil sa pangiti-ngiti at pagtawa niya. Para tuloy siyang nakapikit dahil sa ginagawa niya. Medyo may hawig sila ni Saint sa mata, pero mas magandang tignan ang mata ni Hezu dahil mas pure. Hindi katulad ng mata ni Saint, puro kamanyakan ang nakikita ko kapag nakatingin ako sa mata niya e.

"Ayaw ko lang maging malungkot, 'no. Puro na nga lungkot 'yong naranasan ko dati tapos ngayon magpapaka-sadgirl pa ako. Aba, nakakapangit 'yon!" Napailing na lang siya dahil sa mga tinuran ko.

Ilang minuto lang ay biglang sumulpot sina Yoshi, Kal, and Callip na may bitbit pang gitara. Gabi na pero hindi ko alam kung ano nanamang trip ang naisip ng mga 'to. Hinila nila ang upuang para sa isang tao lang at nagkaniya-kaniyang mga upuan. Magkatabi si Callip at Yoshi, habang si Hezu at Kal ay nasa magkabilang gilid ko. Si Callip ang may hawak ng gitara.

"Doing here?" tipid na tanong ni Yoshi. Ganiyan siya minsan, iniiklian ang mga gusto niyang sabihin. He mean 'What are you both doing here?' pinaikli niya lang. Takot yata maubusan ng letra si hapon.

"Talk." Isa pa 'tong si Hezu, nagtitipid rin sa pagsagot. Buti natatagalan nilang magsama sa iisang bahay. Ano kayang itsura ko kapag ganiyan din ako magsalita, 'no? Paniguradong magmumukha akong alien na kinulang sa aruga.

"Suggest song," Callip said while slowly strumming the black guitar he's holding. Walang umimik ni isa sa kanila kaya ako na ang nagsalita.

“Pahinga," suhestiyon ko. Kumunot pa ang noo nilang apat habang nakatingin sa akin.

"Sinong kumanta?" Natahimik ako dahil sa tanong ni Kal. Hindi ko talaga matandaan kung sino ang mga singer ng isang kanta, mas natatandaan ko pa nga ang lyrics kaysa sa singer.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon