Kabanata 29

84 2 0
                                    

SACHI

Halatang hindi masyadong komportable sa amin si Mara. Kinaladkad ko lang naman siya sa sasakyan at planong dalhin sa bahay. Kanina ko pa nga napapansin na tingin siya nang tingin kay Yezhiah.

Yes, I know her. Kuya told me about his feelings towards Mara. I'm 20 yrs. old, same with Mara. Kilala ko na siya noon pa dahil sa pinapakita ni Kuya na nakaw na mga pictures. It is my first time to meet her in personal. 

"Hey, are you okay?" I muttered. Kanina pa kasi siyang mukhang balisa at papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Yezhiah. Saglit kong tinignan sa salamin si Yezhiah na bahagyang natawa dahil sa sinabi ko.

"A-Ah oo, hehe." Napakamot siya sa uluhan at yumuko. Nahihiya ba talaga siya? Hindi halata sa mukha niya.

"Are you takot to us ba?" Napairap na lang ako nang marinig ang maarteng boses ni Yezhiah. I really hate her 'maarte' voice, it creeps me off!

"I'm not takot kaya." Napahalakhak ako nang marinig ang panggagaya niya sa boses ni Yezhiah. Gayang-gaya talaga. Yezhiah rolled her eyes.

"Psh! You bitch!" Sasampalin niya na sana si Mara kaya agad akong sumingit sa kanilang dalawa. Mabigat pa naman ang kamay nitong si Yezhiah.

"Hey hey hey hey hey! That's enough! Ang dami na ngang kalmot ni Mara, dadagdagan mo pa," biro kong sabi. Kumunot ang noo niya at sinuyod ng tingin ang mga kamay at paa ni Mara. Mukhang ngayon niya lang napansin ang mga kalmot sa mukha at kamay niya.

"What did you do kay Hyacinth ba? Why did she attack you?" Ramdam ko ang pagkairita ni Mara habang nagsasalita si Yezhiah. Hindi ko siya masisisi, ako ngang kaibigan niya ay naiirita rin. Pero sanay na ako, sinanay ko ang sarili ko.

I sighed.

"Marami akong nagawa sa hipokritang fiancé ng demonyong Attorney na 'yon, kaya hindi ko siya masisisi kung bakit niya nagawa 'yon." Hindi ko mapigilan ang sarili na matawa habang pailing-iling. I can't believe na meron pa pa lang taong hindi naduduwag manlait sa mismong kapatid ng nilalait niya. I really admire this girl!

"Demonyong Attorney plus hipokritang fiancé, sounds good. I wonder how Kuya will react if I called him 'Demonyong Attorney'," natatawang sambit ko. Iniisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon ni Kuya kapag tinawag ko siya ng ganiyan ay hindi ko na mapigilan ang matawa. Sa totoo lang, it's my first time to encounter this kind of a girl. She's natural and beautiful at the same time.

"Maybe she's triggered. Imagine, they've been a perfect couple in everyone's sight pero ikaw lang ang sisira niyon. I wonder how Hyacinth got mad because of that," I mumbled while looking at the road. Hindi na ako nag-abalang magsalita pa dahil malapit na kami sa bahay.

I parked my car at the parking lot at agad na bumaba. Yezhiah and Mara just followed me  without bothering to talk even with just little words. Hindi ko na sila nilingon pa dahil alam ko naman na nakasunod sila sa akin.

"Good morning, Sachi ganda." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. A sweet smile flashed on my face when I saw  Manang with our driver—her husband. I gave them a thumbs up dahilan upang mapangiti ko sila.

"Sit here," aya ko habang isinenyas ang kamay na umupo. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom at makakain nila.

"New friend of yours huh?" Tumango lang ako saka siya nginitian. Isa siya sa mga kasambahay namin dito sa bahay. Tatlo lang ang kasambahay dito at dalawang driver. Hindi naman mahilig mag-utos sila Mom and Dad, kahit ako, kaya hindi namin kailangan ng maraming katulong.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon