MARA
"Grabe naman kayo makatingin sa'kin! Hindi ko naman alam na paborito niyo pala 'yong chocolate cake na 'yon e! Saka hindi naman kasi sinabi ni Ley na 'yon nga..." Hindi ko alam kung sino ang haharapin ko. Hindi ko alam kung kaninong matatalim na mata ang sasalubungin ko. Halatang galit at inis sila sa'kin, nakikita ko sa mga mata nila. Sinabi ko naman na babayaran ko e! Hindi nga lang ngayon, baka next next year.
"You can eat those ube cakes or whatever naman. Bakit 'yon pa? It's our only gift from Ate Leyvi. Hindi nga namin 'yon kinain para lang gawing remembrance e!" Napanguso pa ang lalaking may katangkaran din na katabi no'ng lalaking mukhang hapon. Mas lalong kumorte ang ganda ng labi nito nang ngumuso siya. Ba't ang cute niya? Gusto ko magkaroon ng ganiyan ka-cute na kapatid. Halata namang bata pa siya.
"Stop that childish act, Kal! It doesn't suit your age," asik naman ng lalaking mukhang hapon. Napatampal na lang ng noo ang lalaking katabi ni Ley dahil sa inasal ng dalawa. Hindi ko talaga kilala ang mga apat na 'to, isang tao lang naman ang kilala ko dito. Si payat! Saint Salvacheera.
"Kal and Callip, stop it. And please, stop mentioning her name." Umaksyon pa si Kal na animo'y may isasarang zipper sa bibig niya. Kahit si Callip at ang lalaking mukhang hapon ay napatahimik dahil sa seryosong tono ng pananalita ng lalaking katabi ni Ley. Ba't ba ang suplado ng mga 'to? Halatang pinaglihi sa ampalaya.
Wala na akong ibang magawa, bukod sa titigan silang lima. Si Saint na nakatingin pa rin sa'kin pero parang gusto na akong kainin ng buhay, si Kal at Callip na naghaharutan na para bang unggoy na ngayon lang pinakawalan, at 'yong lalaking mukhang hapon at ang lalaking katabi ni Ley na marahang nag-uusap. Tanging si Ley at Saint lang yata ang nakatutok sa bawat galaw ko. Tumikhim muna ako para kahit papaano ay maagaw ko ang atensyon ng iba sa kanila.
"Ahm... pwede ko bang malama—"
"Of course, I'm Atty. Kalister Savillan."
"I'm Atty. Yoshi Satoshami."
"And I'm Atty. Callipeigh Han Salvaro!"
Nagtaka ako maging ang iba naming kasama dahil sa mga pinagsasabi nilang tatlo. Hindi ko alam kung bakit sila nagpapakilala, hindi ko naman tinanong. Hindi ba talaga nagdodroga 'tong mga 'to?
"Nagpapakilala kayo because?" Sabay silang tatlong napakamot sa kani-kanilang batok. Astig. Marunong pala mahiya 'tong mga 'to?
"I thought you are going to ask 'pwede ko bang malaman ang mga pangalan niyo?''" Napahalakhak ako nang marinig ko ang panggagaya niya sa boses ko. Naging mas katawa-tawa at lalong pumangit tuloy pakinggan dahil sa ginawa niya. Mukha siyang kambing na naipit.
"HEHEHEHEHEHEHEHE! Omyghad!" Ganon-ganon na lang kaming lahat napalingon sa gawi ni Ley na bigla-bigla na lang humalakhak. Halakhak siya nang halakhak, ni hindi niya nga napansin na nakatingin na kaming lahat sa kaniya. May mga saltik siguro utak ng mga tao dito. Pati tuloy bata nahawaan.
"Ahm, hindi naman 'yon ang itatanong ko e. Itatanong ko lang sana kung saan ang Cr niyo rito. Kanina pa ako naiihi." Napahawak pa ako sa bandang tiyan ko dahil pakiramdam ko bumibigat ang matris ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan!
"Alright. Hezian, ituro mo kay Mara kung saan ang Cr. Take your time, honey." Tinanguan muna ako ni Ley bago siya sumagot sa lalaking nag-utos na samahan ako.
"Yes, Dad. Come on, Mom!" Kitang-kita ko kung paano namilog ang mata nilang lima dahil sa huling sinabi ni Ley. Sa halip na ito ang makaramdam ng hiya, parang ako pa ang nakaramdam niyon. Halos maging pula ang mukha ko lalo na no'ng patanong nila akong tinignan.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...