MARA
Napamulat ako ng mata dahil sa matinis na boses na kanina ko pa naririnig. Kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yon kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nandito siya. Pero teka!
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwartong kinahihigaan ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ito bahay kundi... ospital! Napadapo ang tingin ko sa kamay kong may pinagdadaluyan ng dextrose. Sumandal ako sa headboard ng higaan saka sila hinarap.
"Mabuti na lang you're awake na. How are you anyway?" Bahagya akong napairap sa kaartehan ng boses niya. At kamusta ako? Kailan pa nagkaroon ng pakialam ang katulad niya.
"Ito buhay pa. Bakit pala ako nandito?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Sachi. Sila lang namang dalawa ang kasama ko rito.
"Nakatulog ka sa bahay sa loob ng apat na araw sa bahay at doon lang namin nalaman na may sleeping disorder ka. I'm sorry, Kuya told us." Napayuko siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Alam na nilang may sleeping disorder ako? Pero bakit dinala pa nila ako dito?
"'Yon ba ang dahilan kung bakit niyo ako dinala dito? Dahil sa sleeping disorder ko?" Nakita ko kung paano napairap si Yezhiah dahil sa tanong ko pero pinabayaan ko na lang 'yon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Sachi mukhang nag-aalangan pa kung magsasalita ba o hindi.
"Ahmm... your skin and lips were paled, also, you're sweating too much. And one more thing, your pulse rate became weak." Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Bakit nangyari 'yon? Paano nangyari 'yon? Oo, napansin ko ang madalas kong pamumutla pero lagi ko 'yong isinasawalang-bahala. I thought it's normal lalo na't may sakit din ako na sleeping disorder.
"Ano raw ang sakit ko?" Sabay silang nagkibit-balikat. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
"Nakausap nila Mom and Dad ang doctor, alam kong nasabi na sa kanila kung bakit nagkaganun ka. I tried to ask them pero gusto nilang makausap ka muna ng doctor bago nila sabihin sa akin—sa amin." Bumuntong-hininga siya at napanguso. "I think it's serious."
Tumango na lang ako at bumalik sa pagkakahiga. Ilang minuto akong nakapikit pero hindi ako dinadalaw ng antok. Naririnig ko rin ang pagtawa nilang dalawa pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Alam kaya ni Saint na nandito ako? Bakit hindi pa siya pumupunta rito? Psh!
Ang bobo ko naman. Syempre kung alam ni Saint na nandito ako, e 'di sana nandito na 'yon! Pero... paano kung alam na nga niya? Tapos wala lang talaga siyang balak na puntahan ako? Aba! Kung gano'n, humanda siya sa'kin!
"Is she awake?" Napamulat ako ng mata at napabalikwas sa pagkakahiga nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nakangiti ito sa akin habang kinakaway ang isang kamay. May dala siyang prutas. Ginantihan ko lang siya ng matamis na ngiti.
Habang palapit nang palapit, doon ko lang napansin na hindi pala siya nag-iisa. May kasama siyang lalaki at babae, nakasuot ng unipormeng pang-doctor ang babae.
Lumabas sina Yezhiah at Sachi. Mukhang ito na nga ang tinutukoy ni Sachi kanina. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi kabahan at panlamigan ng kamay. Matiim akong nakatingin sa kanila at naghihintay kung sino ang magsasalita.
"Margarette Leora, right? I'm Doctora Rainee Cleo Fonterra-Salvacheera. I'm the one who was assigned for you." Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Hindi maalis ang katarayan sa mukha niya kahit ngumiti man siya. Mukha siyang modelo dahil sa pamamaraan ng paggalaw at pagtayo niya.
"Ahmm, Mara? May gusto siyang sabihin tungkol sa sakit mo. But before that, calm your self first, iha, okay? We're here." Hinawakan ng mama ni Saint ang kamay ko. Dahil sa sinabi niya, mas lalo pa akong kinabahan. Ramdam ko ang labis na panlalamig ng kamay ko.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...