Kabanata 22

112 3 0
                                    

MARA

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang hindi magandang nangyari sa pagitan namin ni Hyacinth at Saint. Ilang linggo na rin akong hindi makatulog ng maayos. Mabuti na lang ay hindi na ako inaabutan ng ilang buwan bago magising. Nakakapagtaka lang.

Wala akong ibang kasama ngayon dahil may mga trial silang apat. Kakahatid ko lang rin kay Ley sa school niya kani-kanina lang. Wala rin naman silang katulong sa bahay na'to kaya wala akong makausap. Ako lang mag-isa.

Minsan sumasagi sa isip ko ang mga pag-amin ni Yoshi at Hezu sa akin. Ilang beses kong pilit na kinakalimutan ang mga 'yon kaya nililibang ko ang sarili na ituon ang atensyon sa iba. Pero madalas pa rin itong magpabalik-balik sa aking isipan. Minsan napapaisip rin ako kung totoo ba ang lahat? Totoo kaya na may gusto sila sa akin? Seryoso kaya sila?

"Isang tao lang ang hinihintay ko na umamin sa totoo niyang nararamdaman. Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin?" Kinakausap ko na lang ang sarili ko habang nakahiga sa malambot kong kama.

Oo nga pala, si Ayesa at Arjay ay nasa bahay ampunan na, 'yong dalawang bata na nakasalubong ko sa harap ng mall. Paminsan-minsan ko silang dinadalaw doon para kamustahin silang dalawa. Mas naging malinis na rin sila kumpara noon.

Gusto kong matulog at magpahinga pero minsan nakakatakot na baka taon na naman ang lumipas bago ako magising. Madalas din akong nakakaramdam ng pagkahilo at madaling pagkapagod kahit wala naman akong masyadong ginawa. Kahapon ko lang din napagtanto na may namuong bukol sa singit ko (lugar kung saan nagtatagpo ang puson at mga hita).

Baka resulta lang 'to sa pisikal na away namin ni Yezhiah. Hanggang ngayon hindi pa talaga ako nakakaganti sa impaktang 'yan! Aba! Dumagdag pa si Hyacinth na kalahing-kalahi niya.

"Mara..." Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na hiningang dumapo sa batok ko. Hindi ako kaagad na nakakilos dahil natatakot ako na baka magdampi ang labi namin dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"Umalis ka r'yan sa likuran ko, Saint, kung ayaw mong masiko ang tiyan mo," banta ko rito.

Ramdam kong ngumisi siya matapos marinig ang sinabi ko. Ni kaunting galaw ay hindi niya ginawa. Hindi ko matiis ang ganitong posisyon.

"Go on." Hindi ako nagpadalos-dalos, siniko ko agad ang tiyan niya dahil sa kagustuhan na makalayo sa katawan niyang nakadikit sa likuran ko. Pero hindi ko man lang narinig ang pagdaing niya sa ginawa ko, kaya nanatili kami sa ganoong sitwasyon.

Talagang feeling malakas ka ah!

Siniko ko ulit siya pero walang talab iyon. Mas lalo akong nanlumo nang iniyapos niya ang isa niyang kamay sa aking baywang. Parang milyong-milyong boltahe ang naglaro sa katauhan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong nakangisi na siya ngayon at tuwang-tuwa sa kalokohang ginagawa niya.

"Potanginamo mo talaga, Salvacheera! Umalis ka sa likuran ko at tanggalin mo ang kamay mo sa baywang ko kung ayaw mong maputulan ng-"

"Ng what?" Nakakatindig balahibo ang ginagawa niya. Para akong pinaglalaruan ng mga boltaheng iyon, hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko.

"Ng ano..." Napakagat ako sa aking ibabang labi habang iniisip kung anong susunod na sasabihin ko. Ano nga ba?

"Sabing umalis ka r'yan e!" Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang kurutin ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko.

Aba! Potanginang ang tibay ng payatot na 'to!

"One more pinch, and I will pinch you in this bed." Nanlaki ang mata ko nang malaman kung anong ibig niyang sabihin doon. Parang may batong nakaharang sa lalamunan ko, kahit isang salita ay walang lumalabas. Gustuhin ko man na magsalita pa pero wala talagang lumalabas.

"Pota—"

"One more cuss, you will surely cuss in pleasure." Isa lang ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi niya. Sabihin ko man na hindi ko nagugustuhan, alam ko sa sarili ko na kasinungalingan iyon.

Gusto. Gustong-gusto ko ang mga pinagsasabi niya pero binubulong ng isip ko na mali. Mali dahil may mahal na siyang iba. Kung ipagpapatuloy man 'to, isa lang ang kalalabasan ko...

Kabit...

Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang agresibo niyang halik na naglalakbay sa batok at tainga ko. Gustong-gusto ko na umayaw at hindi sumabay sa pinaggagawa niya. Pero ang katawan ko ay tuwang-tuwa sa nangyayari.

Tama ba 'to? Tama na sumang-ayon ako sa ginagawa niya?

"S-Saint ano ba!" Pilit kong iwinakli ang kamay niya sa pagkakapulupot ng aking baywang. Doon na ako nakakuha ng tyansa na tumayo para harapin siya. Nakangisi lang siya na animo'y tuwang-tuwa pa sa mga nangyayari.

"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?! Gumaganti ka ba dahil sa nangyari no'mg nakaraan?! Si Hyacinth ba ang may utos, huh?!" Naghuhuramentado ako sa galit.

Tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko. Ang kaninang mukha na nakangisi, ngayon ay napakaseryoso na.

"No," tipid niyang saad. Napakaseryoso ng mga titig niya kaya hindi rin ako makatingin ng diretso sa mata niya.

"E ano?! Bakit mo ginagawa 'to?!" Nangingiusap naman ngayon ang mga mata niya. Matang parang nagmamakaawa sa akin.

"Because I want you to be mine. I want you to be impregnated by me. Is it bad if I wish to be your husband? Is it bad if I wish to be the father of your child? Is it bad, Mara?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "B-Bakit?" nauutal kong untag.

"B-Because I love you. I love you since you came in this house. I love you, Mara. And I want you to be mine. MINE." Napakalambot ng mga boses na iyon.

Pero totoo ba ang naririnig ko? Mahal ako ng lalaking mahal ko? Ngayon ko lang din narinig ang napakaseryoso ngunit marahang tono ng kaniyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sarap pakinggan ng mga 'yon.

"Paano si Hyacinth? Maling-mali ang ginagawa mo, Saint," seryosong saad ko sa kaniya.

"Hyacinth changed alot. The old Hyacinth never cuss anyone. Never degrade people, never insult, and never hurt. I know that this is wrong—really wrong. But I can't stay longer with her side anymore. Before she came back, I'm starting to love you Mara. Please, be mine." Pinangiliran ako ng mga luha dahil sa mga sinabi niya. Gustong-gusto ko magsaya pero naputol iyon nang biglang sumagi sa isip ko si Hezu at Yoshi.

Paano sila? Mahalaga pa rin sila sa akin kahit wala man akong ibang nararamdaman sa kanila. Anong susundin ko?

"Hindi pwede," umiling ako at tumalikod sa kaniya. Mali ito. Nakikisawsaw na ako sa relasyon ng iba. Ayokong matawag na kabit dahil hindi ko pinangarap iyon.

"Why?" Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Ilang minuto akong napaisip kung bakit nga ba? Bakit hindi pwede? Tama ba na tanggihan ko siya?

"Kasi...."

"Because you're protecting their feelings, am I right?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Ilang beses akong napalunok dahil hindi ko masabi kung ano ang gusto kong sabihin. Hindi ko mabigkas.

"O-Oo..." Iyon lang nabigkas ko. Napayuko siya at mariin na napapikit matapos kong sabihin iyon.

"Then,  we will inform them." Hindi ko makita ang pagbibiro sa kaniyang boses. Parang gustong magbunyi ng puso ko sa tuwa. Naluluha man pero napangiti ako dahil sa mga sinabi niya.

"Paano 'yong deal?"

“We will end the deal. Let the courtship deal the both of us.”

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon