CALLIP
"What’s wrong with you, dude? Ngayon lang kita nakitang uminom ng ganiyan. Problem?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtungga ng alak. Binuksan ko pa ang isang bote ng alak saka iyon agad na ininom.
Kanina pa siya tanong nang tanong pero ni isa ay wala akong sinagot dahil wala ako sa mood na magsalita. Kanina pa rin kumikirot ang ulo ko dahil sa pagkalasing, idagdag mo pa ang kumakalam kong sikmura.
Damn it!
"Callipeigh Han Salvaro! What’s going on?!" Nilingon ko siya saglit pero hindi nag-atubili na sagutin siya. I kept on ignoring him. Kami lang namang dalawa ang nasa bahay dahil wala sila Kal, Yoshi, at Mara, habang si Hezian Ley ay may pasok pa. Yes, I’m with Kuya Hez.
"Kuya Hez, can’t you just shut your mouth for at least once? I’m not in the mood right now, so please." Nakita ko kung paano niya inis na inilapag ang hawak na papel at nag-abalang lumapit sa akin. Tumabi siya pero hindi ko siya nilingon kahit saglit lang.
"You can tell me what’s your problem. I can keep it, I promise," pagsambit niya ng marahan.
Bumuntong-hininga ako at sumandal sa sofa. Ilang beses akong nagpakawala ng mabigat na hanging galing sa bunganga ko habang nakatingala. "What if I’m in love?"
"Woah, congrats. You must court her!" he exclaimed excitedly.
"Kuya Hez, I think I'm really in love with her." Kumunot ang noo niya saka umayos ng upo para harapin ako ng maayos. Umayos din ako ng upo kahit nahihilo at nananakit na ang ulo ko.
"…who?"
"Mara. If only I can command my heart to unlove her, I will. I didn't choose her, my heart did." Nasaksihan ko ang pagbabago ng reaksyon niya habang nakikinig sa akin. Noon pa lang alam kong gusto na nila si Mara.
I can't blame them. Sino bang hindi magkakagusto sa babaeng gano'n, 'di ba? Si Mara lang naman kasi ang may lakas ng loob na tratuhin kaming parang barkada lang, bagay na nagustuhan ko sa kaniya. Ang tingin kasi sa amin ay Hari na siyang kinaiinisan ko.
For Pete's sake! We're just ATTORNEYS not PRINCES!
"Bro, you're going to hurt your girlfriend. I can't stop loving her too, but did you even think what Yaree will feel if she'll know that matter? It'll be painful for her side as hell!”
I know. I felt pity for Yaree. I know that she still love me but our feelings aren't mutual anymore. Hindi ko na kaya na makipagbalikan pa sa kaniya dahil hindi siya ang siyang itinitibok ng puso ko.
Sinalubong ko ang nagtatanong na mata ni Kuya Hez. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kaniya ang lahat. Natatakot ako na baka malaman 'to ni Yoshi. Alam kong magagalit siya.
"Hindi mo kasi naiintindihan," ani ko.
"Then explain it. I'm willing to hear your litany," marahan niyang saad. Ilang minuto pa akong napatanga dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ba. Nangako ako kay Yaree na wala akong pagsasabihang iba pero nasira ko 'yon simula nang magkwento ako kay Mara.
Paano ko ipapaliwanag sa kaniya lahat? Iisipin ko pa lang na kakamuhian niya ako, parang hindi ko kaya. Bakit ganito?
"I-I can't..." Kinuha ko ang boteng tinungga ko kanina at agad na nilagok. Inubos ko 'yon kaya ganon-ganon na lang kadali para mapaduwal ako. Nananakit na ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay nagkakabuhol-buhol na ang mga lamang loob ko.
"Hey! Are you fine? Do you want me to take you on your room?" Umiling ako at agad na sumandal sa sofa. Pinikit ko lang ang mga mata ko habang dinadama ang lamig na kumakagat sa balat ko. I'm just wearing a white sando and pajama.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...