MARA
"Omygosh! It's so mainit here!" Napairap ako ng wala sa oras dahil sa kaartehan ng babaeng nasa likuran ng upuan ko. Kanina pa umaalingawngaw ang boses niya, 'kala mo siya lang ang tao rito. Idagdag mo pa yung katabi kong kanina pa tulog kaya at the end, sa balikat ko nakasandal ang ulo. Hindi sana siya bangungutin. Mas lalo pa akong naiirita dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. Sino ba namang makakalimot do'n?
"Zhiah, can you please shut your fucking mouth?" Maging si Kal ay naiirita na rin sa kaniya. Pa'no ba naman kasi? Kanina pa siya putak nang putak kahit na sobrang init. E mas lalo nga lang umiinit dahil sa hininga niya. Ba't kasi ang layo ng Bugnaw Cave na tinutukoy ni Callip. Ilang metro ang layo niyon sa rest house nila kaya ilang oras na rin nagiinit ang puwetan namin dito.
"Geezz!"
Kinuha ko ang librong kabibigay lang ni Yoshi sa akin kahapon. Simula't sapul ngayon lang ako nakatanggap ng libro sa tanang buhay ko. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa libro kaya hindi ko hinihiling sa kahit kanino ang magkaroon ng libro. Naalala ko tuloy 'yong unang beses na humiling ako sa kamag-anak ni Nanay.
"Angkol, baka naman po may cellphone kayong hindi na gagamitin, akin na lang po. Mga pinaglumaan lang po para sa learner's module ko sa araling panlipunan," hiling ko sa kapatid ni Nanay. Nakitawag lang ako dahil wala naman akong cellphone para tawagan siya. Kailangang-kailangan ko talaga ng cellphone para sa subject na araling panlipunan. Hindi rin naman makabili si Nanay dahil kapos kami sa pera.
"May pinaglumaan na cellphone si Irene, ibibigay ko na lang sa'yo kapag nakauwi na kami riyan, ha?" Natuwa ako dahil sa sinabi niya. Si Irene ang pinakabata sa dalawa niyang anak. Sa totoo lang, marami siyang nabuntis at napaanakan na babae, pero ang Mama ni Irene ang pinili niyang samahan.
Buhay sundalo nga naman.
"Kailan po ba ang uwi niyo rito, angkol?" untag ko. Sabik na sabik na kasi akong magkaroon ng cellphone dahil hanggang ngayon ay nakikihati lang ako sa kaklase kong may sarili nang cellphone.
"May 5. Tutal pyesta naman sa atin diyan, isasama ko rin ang mga pinsan mo. Magre-reunion din tayong mga magkakamag-anak para naman maging masaya ang pagpunta namin diyan." Paniguradong hindi nanaman sasama si Nanay nito. Noon pa lang, ayaw na ayaw ni Nanay na sumama sa mga lakad ng kapatid niya dahil pakiramdam niya raw hindi siya belong. Siyam silang magkakapatid pero si Nanay lang ang hindi nakapag-aral dahil na rin sa kapansanan niya sa mata.
"Sige po. Pwede niyo na pong ibaba ang tawag, hehe." Halos magtili-tili ako dahil sa tuwang nararamdaman ko. Sinabi ko pa nga ang tungkol do'n kay Tatay saka kay Nanay na magkakaroon na ako ng cellphone. At maging sila ay natuwa rin.
May 5, 2017
Sabik na sabik ka talaga sa araw na 'to. Kagabi pa ako hindi makatulog dahil sabik na sabik na akong magkaroon ng cellphone. No'ng pagkasabi nilang paparating na raw sila angkol, lumabas ako para abangan sila.
"Kamusta na pala kayo?" tanong niya sa amin.
"Okay lang po," nahihiyang sagot ko sa kaniya.
"Nga pala Mara, wala akong mabibigay na cellphone sa'yo dahil hindi pumayag ang pinsan mo na ibigay ang luma niyang cellphone." Pinilit kong ngumiti pa rin kahit malungkot ang kaloob-looban ko. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na rin ako pero hindi ko inasahan ang nakita ko.
Pinangiliran ako ng luha nang makitang nag-abot ng bagong cellphone si angkol sa pinsan kong babae. Nakakahon pa at halatang bago dahil sa pagkabalot nito. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak sa loob ng bahay.
"Paboritismo."
"Hey! Are you okay?" Napabalik ako sa ulirat nang kalabitin ako Yoshi. Nagising pa nga si Saint dahil sa pagkakabalikwas ko.
"H-Huh?" inosenteng usal ko. Napabaling ang tingin ko kay Saint na nagkukusot-kusot pa sa kaniyang mata dahil sa antok. Pero agad na ibinalik ang tingin kay Yoshi.
"You're crying, Mara. I'm asking if you're okay?" pag-uulit niya. Ngayon ko lang napansin na may luha na pa lang lumabas sa mata ko. Hindi ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako.
"A-Ah oo..."
"You're reminiscing, don't you?" Malamig na boses ang muling nagtanong sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Ang kaniyang mapupungay na mata at nagkakapalang kilay ang sumalubong sa akin. Kailan pa ba ako kakausapin nito nang hindi nakataas ang kilay.
Tinalo pa ang kilay ni Madam kilay, ah.
"Pakialam mo? May naalala lang ako," asik ko sabay lingon sa bandang gawi ng bintana. Kanina pa talaga ako nasusuka pero kaya pa namang pigilan. Kaya ayokong magbyahe dahil ganito talaga ang kalalabasan. Idagdag pa ang hilo at sakit ng ulo na kanina ko pa nararamdaman.
Oh, 'wag kang maissue, hindi ako buntis.
"Who? Your ex? Tsk." Umirap siya at ibinaling ang tingin sa kabila. Sa limang lalaking nakasama ko, ito talaga ang pinakama-issue at suplado sa kanila. Siya lang din ang kilala kong Attorney na ma-issue! Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Una sa lahat, wala akong ex, Attorney. Pangalawa, hindi ako interesado maghanap ng mga lalaki. Pangatlo, sinong tanga ang magkakaroon ng interes sa isang babaeng may narcolepsy at tigyawatin ang mukh—" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil sa ginawa niyang pag-singit.
"What if I'm starting to like you?" Luminga-linga pa ako sa mga taong kasama ko sa loob ng van at nagbabakasaling walang sinuman sa kanila ang nakarinig. Pero mali ako, lahat sila ay nakatingin sa amin maging si Yezhiah. Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Ni isang letra ay walang lumalabas sa bibig ko.
"Mara? What if I'm starting to like you? Would you like me back?" Para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa mga tinatanong niya. Hindi ba siya marunong mahiya? Nakatingin lahat ng kasama namin. Paano pa ako makakasagot sa mga tanong niya kung kinakain na ako ng kahihiyan.
"A-Attorney, ano bang pinagsasabi mo!" Pasimple ko pa siyang kinurot sa tagiliran para patigilin sa ginagawa niya. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Paniguradong namumula na naman ako ngayon.
"I'm deadly serious, Mara. Just answer my question," mariin niyang usal. Ang seryoso ng mukha niya kaya hindi ko na magawa pang tumawa at kumurot sa tagiliran niya.
"H-Hindi pa ako handa..." Napayuko ako at binaba ang tingin sa nilalaro kong mga kamay. Binalot kaming lahat ng nakakabinging katahimikan. Pero nawala ang katahimikang iyon nang muling nagsalita ang lalaking katabi ko.
"I'm just kidding. Why would I push myself on you? I have my Hyacinth now and I'm contented with that." Mapait akong napangiti dahil sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong kung sino ang Hyacinth na tinutukoy niya pero hindi ko pa kaya. Hindi ko magawang lingunin ang ibang mga kasama namin dahil sa kahihiyang hanggang ngayon ay hindi pa nawawala. Gusto kong umatungal sa sinabi niya pero parang may batong nakaharang sa ngala-ngala ko. Sa simpleng katagang mga sinabi niya, para akong ginising sa katotohanang wala akong lugar sa puso niya.
Gusto kong paniwalain ang sarili ko, na hindi naman masakit. Gusto kita Saint, pero hindi pa ako handa ang dapat sanang sasabihin ko pero 'yon ang lumabas sa bunganga ko. Tama na rin siguro 'yon dahil kahit papaano ay nalaman ko ang totoong nararamdaman niya.
Tapos na ba ang deal namin?
Tinatapos niya na ba ang deal dahil kay Hyacinth?
Sana ako na lang, Saint...
•••
RaineeeNeee
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...