MARA
"Where are you going?" Nilingon ko ang may-ari ng malamig na boses na 'yon. Nakasuot siya ng maroon na polo shirt na pinarisan ng itim na pants. Bumagay pa sa suot niya ang style sa kaniyang messy hair. Mukha siyang amerikano sa totoo lang.
"Sa grocery, may bibilhin lang ako," ani ko. Mukhang hindi siya kumbensido at halata 'yon sa mga mata niya.
"Why? We have a lot of stocks in refrigerator." Laglag ang balikat ko nang maalalang marami pa pala talagang stock sa refrigerator. Hindi naman kasi para dito ang bibilhin ko, para 'yon sa orphanage kung saan naroon sila Ayesa at Arjay.
"May bibilhin nga lang ako, Kal. Para namang lalayasan ko kayo," nakanguso kong giit sa kaniya. Napakaseryoso ng mata niya na animo'y may nasabi akong masama.
"I asked you, anong bibilhin mo?"
"Napkin. Gusto mo ikaw na lang bumili? Tutal mukha namang hindi ka naniniwala sa'kin." Inabot ko sa kaniya ang maliit kong wallet na naglalaman ng card na bigay ng mama ni Saint. Oo, hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubos ang laman niyon.
"Okay, I'll buy you a napkin. What kind of napkin? A table napkin or uhm... sanitary napkin?" Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Inaasahan ko na pagkatapos niyang magtanong ay papabayaan niya na lang ako. Hindi ba talaga siya nagbibiro? Kasi kapag ako 'yong nasa kalagayan niya ay ikakahiya ko ang bumili ng napkin!
Hindi kaya... bakla siya?
"A-Ano... Kal, pwede mo naman akong pabayaan na lang e. Saka bibili pa ako ng panty liners, mga ph care ganocn, alam mo na." Sinusubukan ko na gumawa ng kaunting pasikot-sikot, nagbabakasakaling makalusot.
"Yeah, I can buy all of that," determinado niyang sabi. Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to. Hindi ba siya nahihiya na bumili ng mga ganong bagay? Naku, kung ibang lalaki pa 'yan ay paniguradong ipapabili na nila 'yon sa iba.
"Kal, 'di ba may trial ka? Alam mo na... baka ma-late ka tapos masuspende gano'n. Naku! Kung ako sa'yo pumasok ka na agad ngayon. Mahirap mawalan ng trabaho, ano!" Tinaasan niya lang ako ng kilay at pinagmasdan na parang hindi sang-ayon sa mga sinabi ko.
Kung tutuusin sinabi ko na lahat ng mga negatibong maaaring mangyari kapag hindi pa siya agad papasok. Pero mukhang wala pa rin, walang epekto.
"Are you trying to make an alibi?"
"Lullaby? Hindi nga ako mahilig makinig ng mga lullaby, gumawa pa kaya." Nagkunwari akong humalakhak na parang tanga pero seryosong reaksyon lang ang iginawad niya.
Aba! Ang tibay ni Savillan ah!
"I said alibi, A.L.I.B.I not lullaby," iritado giit niya.
"Ah hehe sorry, akala ko kasi-"
"I don't buy excuses. Ano pang ipapabili mo? I will buy it." Napasapo na lang ako sa aking noo nang mapagtantong wala na talaga akong kalulusutan pa.
Anong sasabihin ko? Baka magalit siya kapag nalaman niyang hindi talaga iyon ang sasadyain ko sa bilihan ng groceries. Baka magalit sila kapag nalamang may kinupkop akong bata. Kung tutuusin, si Saint lang ay may alam niyon.
"Are you meeting someone?" Nanlaki ang mata ko at napailing-iling. Sino namang kikitain ko? Security guard ng mall, gano'n? Psh.
"W-Wala ah! May bibilhin nga lang ako sa grocery store, ba't ba ayaw mong maniwala sa'kin? Kung ayaw mong maniwala na wala akong kikitain, e 'di sumama ka para—"
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...