MARA
"May pasok kayo ngayon?" untag ko sa kanilang apat habang abala sa pagnguya ng pagkain. Nag-angat silang apat ng tingin sa akin at patanong na tumitig. Hindi ko rin sila masisisi kung ganiyan sila makatingin. Ngayon lang din naman kasi ako nagtanong ng gan'to.
"It's new. Why did you ask?" seryosong tanong ni Kal. Nakatingin siya sa akin at naghihintay na sasagutin ko ang tanong niya. Kapag talaga nakikita ko si Kal, pumapasok sa isip ko 'yong hipokrita at impakta niyang girl best friend kuno.
"Birthday ko bukas. Magluluto ako ng kaunti, 'yong tama lang para sa atin." Rumehistro ang gulat sa kanilang mukha, maging si Ley na kanina pa tahimik.
Ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Ang arte ng mga reaksyon nila.
"T-Tomorrow is your b-birthday?" nauutal na tanong ni Yoshi. Nabitawan niya pa nga ang kutsarang hawak niya no'ng sinabi kong birthday ko bukas.
Tumango ako. "Oo, kaya nga tinatanong ko kayo. Kasi kung wala kayong trial, magluluto ako bilang celebration ng birthday ko."
"I'm free!" Masiglang sabi ni Kal. Napakalawak ng mga ngiti niya na siyang ikinapagtaka ko.
Sa kanilang lima, si Kal ang pinaka-humble at mapagbigay. Minsan na rin akong binigyan ni Kal ng pera. At dahil wala akong pera, syempre hindi ko tinanggap. Kahit naman wala akong pera, hindi ko pa rin tatanggapin 'yon, 'no. Malaking tulong na ang mapakain at mapatira sa bahay nila.
"So sino pa? Kami lang ba ni Kal ang magce-celebrate?" Walang sumagot ni isa sa kanilang apat.
Pinasadahan ko ng tingin si Hezian Ley na ngayon ay nakababa ng tingin, si Callip na sunod-sunod na napalunok nang makasalubong ang titig ko, si Yoshi na matapang na nakipagtitigan sa akin pero sa huli ay umiwas ng tingin, at si Hezu na nakangisi habang nakatingin sa akin.
"Final na 'yan? Kami lang talaga ni Kal ang magce-celebrate?" Wala pa rin ni isa ang sumagot sa kanila.
Naiintindihan ko naman kung hindi sila free bukas. Kalayaan pa naman ang nakasalalay sa trabaho nila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili na hindi malungkot. Pilit akong ngumiti sa kanila at tinapos ang pagkaing laman ng aking plato.
Hindi na lang siguro ako magluluto bukas. Lalabas na lang kami ni Kal tutal kami lang namang dalawa ang magsasama bukas.
Lumakad ako patungong lababo para doon ilagay ang platong pinagkainan ko. Hihintayin ko na lang sila matapos para mahugasan ko na lahat ng hugasin. Wala rin naman akong gagawin.
Pumasok ako sa scullery at umupo sa plastic chair na nandoon. Ilang minuto akong nakatunghay at tahimik na nakapikit habang nakasandal ang ulo sa pader.
Ano na lang kayang mangyayari sa akin dito sa Manila? Wala akong trabaho. Hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral. Saan na lang ako pupulutin? Paano kung magkaroon na ng sariling pamilya ang mga lalaking tumutulong sa akin? Nasisiguro kong mapag-iiwanan ako.
"What are you doin' here?" Napamulat ako ng mata at umayos sa pagkakaupo. Nakasandal lang siya sa pader habang matiim na nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang seryosong mga mata niya. His enthralling brown eyes, parte ng katawan niyang unang nakakakuha ng atensyon ko.
"Wala, may iniisip lang. Ba't ka nandito? May iuutos ka ba? O sasabihin?" Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tinignan ako.
Ano na namang problema ng lalaking 'to? Kung makabuntong-hininga akala mo may dala-dalang mabigat na problema. Ilang Sako ba ng problema ang pasan-pasan niya?
"Are you mad at me? I can't attend on your natal day, I need to fix some important things. I will... uhmm... babawi na lang?" Bahagya akong natawa dahil sa paraan ng pananalita niya. Hindi naman siya ang best friend ni Yezhiah, pero parang siya pa ang nahawaan nito kaysa kay Kal.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...