Kabanata 19

101 3 0
                                    


MARA

Naglalakad-lakad ako mag-isa sa mall habang bitbit ang shopping bag na may produktong nabili ko kanina. Komportable ako nag-ikot-ikot dahil sa suot ko. I'm wearing a peach one-shoulder tops and high-waist pants, donned by the cut-out heels.

Hindi na ako masyadong nagmumukhang lola dahil tinuruan na rin naman ako ng designer nila Saint. That's why I'm very thankful with Saint's mom, her designer taught me how to dressed properly.

"Ang daming magaganda pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko." Nagpalinga-linga ako habang nag-iisip kung ano talaga ang bibilhin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisang bumili. Balak ko rin kasi mag-grocery kasi wala ng stocks ang refrigerator nila Hezu. Wala rin naman akong gagawin kaya ako na lang ang nagkusa.

"Good morning, Ma'am. Ano pong sa'tin?" magalang na bati ng babaeng nakatayo sa gilid ko.

"Good morning din, but you don't need to follow or assist me. 'Yong ibang costumer na lang, baka mas kailangan ka nila." Nginitian ko siya bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya. Ayaw ko lang kasi ng mga gano'ng klase ng sales lady, kung makabantay kasi parang may nanakawin sa paninda nila e.

Naagaw ng atensyon ko ang anklet na nagkikikinangan. Iba-iba ang desinyo niyon na siyang mas lalong kinaagaw ng atensyon ko. Lumapit ako kung saan naka-display ang anklets at isa-isang pinagtitignan ang mga iyon. Hindi ko alam kung magkakasya pa ba ang pera ko sa card na bigay ng mama ni Saint sa akin pero balak kong bilhin ang mga anklets na ito.

Mabuti na lang ay may pera akong naitabi na bigay rin nilang apat. Hindi rin naman ako makapagtrabaho dahil ayaw nila. Mas mabuti pa raw na doon na lang ako sa bahay nila magtrabaho para mabantayan ako. Wala rin naman akong ibang kilala sa Manila kaya wala akong ibang magawa kundi ang pumayag na lang.

"Ate, magkano po ang halaga ng anklet na 'to?" tukoy ko sa anklet na may disenyong skull. Skull ang napili ko dahil puro heart at flower na design lang ang nakikita kong  palawit sa ibang anklets. May sobrang liit na diamonds ang nakalagay sa bawat skull, iba-iba rin ang kulay ng mga 'yon.

"Bibilhin niyo po ba, Ma'am?" Para akong nawalan ng gana na bumili anklet dahil sa sinabi niya.

"Kailangan bang bilhin ko muna bago ako magtanong ng presyo?" pabalang kong sagot. Hindi ko nagustuhan ang tinuran niya kaya gan'to rin ang iginanti ko. Alam kong inis na siya pero pinili niya pa rin na ngumiti na lang.

"No, Ma'am, and I'm sorry for that," magalang niyang saad. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na nagpili ng anklets.

"Ate, may iba pa bang stocks ng anklet na ganito ang design pero iba 'yong color ng diamond sa gitna. Meron pa ba?" Sa isang babae ako nagtanong dahil inis pa rin ako sa tinuran ng babae kanina sa akin.

"Yes, Ma'am. We only have a white, black, green, blue, and red. 'Yan na lang po ang natitirang anklet na magkaparehas ng desinyo." Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung bibilhan ko pa ba si Saint o hindi na. Hinugot ko ang wallet na nakasiksik sa bulsa ko sabay abot ng card para ipambayad sa mga anklet na bibilhin ko.

"Can you wrap those anklets? I will buy it, here's my card." Sana lang ay magkasiya ang laman niyon. Wala pa naman akong alam sa presyo niyon kaya hindi ko rin alam kung magkakasiya pa ba ang laman ng card na 'yon.

"Mara?" Nilingon ko ang maarteng boses na tumawag ng pangalan ko sa likuran. Sabi na e, hindi ako nagkakamali na siya nga ang may-ari ng maarteng boses na 'yon.

"Yezhiah?" Ginaya ko pa ang pamamaraan niya ng pananalita. Nakasuot siya ng simpleng white dress na above the knee na pinarisan niya ng platform stilettos. Idagdag pa ang katangkaran niyang pang-modelo na mas lalong nagpaganda sa kaniya. Maganda sana, kaso tinalo pa si Kris Aquino sa sobra g arte.

"What are you doing here?" Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o maiinis sa tanong niya. Ang sarap tuloy nilang pagbuhulin no'ng babae kanina.

"Manghihingi ng kaning-lamig sa mang-inasal," sarkastiko kong sagot sa tanong niya. Sa dami-dami ba namang pwedeng itanong bakit 'yan pa? Nakakainsulto kaya.

"Are you seryoso ba?" Mas lalo akong naging iritable nang marinig ko na naman ang kaartehan at ka-conyohan ng pananalita niya. Kinaganda niya ba 'yang pagiging conyo? Ang pangit pakinggan.

"Are you maarte ba? Umalis ka sa harapan ko, alam kong gusto mo lang ako inisin impakta ka." Tumalikod ako para kunin ang binili kong anklet na ngayon ay nakabalot na.

"Here. Thank you and have a nice day ahead Ma'am." Ngumiti 'yong babae kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti bago ako tumalikod sa gawi niya. Pero nakakairita, dahil hindi pa umaalis si Yezhiah. Nakangisi pa siya habang pinagmasdan ang mga hawak kong shopping bags.

"Wow! Did you really binili all of that? How?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para lang hindi ko masaktan 'tong impaktang 'to dahil maraming tao.

Kalma, Margarette...

"May mauutang ba sa mall, Yezhiah? Tigil-tigilan mo ako sa pang-iinsulto at pang-aasar mo, huh? Baka kasi maihulog kita sa escalator na 'yan dahil sa inis." Sabay turo sa escalator na maayos na gumagalaw, sapat na para maihatid ang mga tao paibaba at paitaas.

"I'm not takot," matapang niyang sabi. Doon na ako nagkalakas ng loob na ibaba ang mga paper bag na dala ko sabay lapit sa kaniya. Napatingala pa ako dahil malayo ang agwat ng height ko sa height niya.

"Talaga?" Sisipain ko na sana ang tuhod niya nang biglang sumingit ang babae na kinainisan ko kanina.

"Ma'am, huwag po kayo mag-away dito, pinagtitinginan na po kayo ng mga tao." Ngayon ko lang napansin na marami na pa lang nakatingin sa amin.

"Pasalamat ka nasa mall tayo. Matagal na talaga akong nagtitimpi riyan sa ugali mo. Hindi na ako magtataka kung bakit pati si Kal ay inis sa'yo. Sino ba namang masisiyahan diyan sa ugali mo, 'di ba? Tsk." Tinalikuran ko siya para sana umalis na at iwan siya pero nagulat na lang ako nang hablutin niya ang buhok ko. Hindi ako agad-agad na nakaganti lalo na nang kinaladkad niya ako. Nahihirapan ako gumalaw dahil may mga hawak akong paper bag.

"Ma'am, tama na po 'yan!"

"Hoy awatin niyo!"

"Hesus maryosep!"

"Video-han mo bilis!"

Napadpad kami sa Cr pero ni isa ay walang nag-awat sa amin. Inaasahan ko na may tutulong sa akin pero bigo ako. Isang paraan lang ang pumasok sa isip ko pero paniguradong masasaktan ko siya ng masyado.

"Bitawan mo ako, Yezhiah!" Nabitawan ko na nga ang paper bag na hawak ko kanina dahil pilit kong binabawi ang buhok ko galing sa pagkakasabunot niya.

"I told you! I'm not scared!" May mga nag-flash na camera sa amin pero hindi 'yon dahilan para tumigil siya sa pagsabunot sa buhok ko. Dahil sa inis, sinipa ko ang tuhod niya at siniko ang tiyan niya, dahilan upang mabitawan niya ng tuluyan ang buhok ko.

Doon ko siya tuluyang ginantihan sa pagsabunot. Sinampal-sampal ko pa ang mukha niya dahil sa inis na bumabalot sa akin. Hindi siya agad nakalaban dahil namimilipit pa rin siya sa sakit na nagawa kong pagsiko.

"I will... file a case in court! Just wait... and see, Mara!" Nakatayo pa siya para lapitan at iduro ako. Tinulak ko siya dahilan upang tumama ang likod niya sa babaeng kakalabas lang ng cubicle na nasa likuran niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Bullshit!" Halos mapaigtad ako dahil sa sigaw ng babae. Ganon-ganon na lang ang panlalaki ng mata ni Yezhiah nang tuluyang makita ang mukha ng babae. Hindi ko alam kung bakit nanlaki ang mata niya.

Gustuhin ko man na makipagsagutan pa pero parang nawalan ako ng lakas.

"H-Hyacinth?" No'ng una ay hindi ko pa alam kung sinong tao ang tinutukoy niya. Pero sumagi sa isipan ko si Saint at ang pangalang minsan na niyang binanggit sa harap ko.

"I'm just kidding. Why would I push myself on you? I have my Hyacinth now and I'm contented with that."

Hyacinth, yung ex ni Saint.....

•••

RaineeeNeee

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon