MARA
Naiiyak kong pinagmasdan ang CCTV footage ng mall no'ng isang araw. Gusto ko lang makita kung sino ang kumuha ng mga pinamili ko. Nakakapanlumo lang dahil hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila. Ni hindi ko pa nga nakita ang mga ito.
"Kuya wala po bang ibang paraan para makuha ko pa 'yong mga item na nawala sa akin? Hindi po ba pwedeng ma-refund 'yon?" Sunod-sunod na pag-uusisa ko. Nanghihinayang ako sa pera at sa item na ninakaw.
"Ma'am, wala naman po kayo sa mga tiyangge-tiyangge, saka hindi po namin kasalanan na nawalan kayo." Humugot ako ng malalim na paghinga at kibit-balikat na umalis sa silid na iyon. Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik lahat ng nawala sa akin. Nakakapanghinayang kaya pilit ko itong isinasantabi.
Hindi ko alam kung ilan na lang ang laman ng card na bigay ni Ma'am Salvacheera. Binigyan niya ako ng card na iyon kahit hindi niya ako masyadong kilala. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya dahil nahihiya akong harapin siya. Idagdag mo pa ang pagiging abala niya sa trabaho.
Naglakad-lakad lang ako dahil wala naman akong gagawin ngayong araw. Walang tao sa bahay nila Hezu kaya naisipan ko na bumalik dito.
Ang dami ng problemang naglalaro sa akin. Ang sakit ko, ang pinsan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita, ang item na ninakaw sa akin, si Hyacinth, at ang deal namin ni Saint.
Malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng mall. Napapikit na lang ako at sinama ang hanging humahampas sa balat ko. Ang sarap makalanghap ng hangin kahit hindi man presko gaya ng hangin sa probinsya namin.
"A-Ate....penge lima." Nagulat ako nang may batang kumalabit sa binti ko kaya napaabante ako ng kaunti.
Hindi ko mapigilan ang sarili na maawa sa batang babae. Gutay-gutay ang damit at napakadungis niya kaya kahit sinong taong lapitan niya paniguradong lalayuan at pagtatabuyan ang bata. Napansin ko rin ang maliit pang bata na gagap-gagap ng kaliwang kamay niya.
"Nasa'n ang mga magulang niyo?" Yumuko ako para pantayan silang dalawa. Madungis man tignan ngunit hindi maipagkakaila na may angking kagandahan ang dalawa. Nangangayayat na sila at halatang hindi nakakakain ng maayos.
"Ate... ano patay na po sila. Pinatay po ng mga tambay sa amin..." Nangingilid ang mga luha niya pero alam kong pinipigilan niya iyon. Nakakaawa, bata pa lang pero nararanasan na nilang maghirap.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan niyo?" tanong ko sa dalawa.
"A-Ako po si Ayesa... at siya naman po si Arjay," tukoy niya. Mahinhin ang boses ng bata at halatang mahiyain dahil sa bawat salitang binibitawan niya, lagi siyang nauutal. Hindi ko alam kung natatakot ba ang bata sa akin o nahihiya.
"Natatakot ka ba sa'kin?" Yumuko siya at umiling.
"Bakit ka nauutal tuwing nagsasalita ka? Alam ko namang nauutal ka dahil sa kagandahan ko, 'no?" Ngumiti pa ako at hinawi-hawi ang buhok ko papunta sa tenga ko. Doon na siya tuluyang nag-angat ng tingin sabay umiling.
"A-Ate sabi ni nanay masama raw po ang magsinungaling." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matutuwa.
"Loka-loka ka talagang bata ka! Halika ka nga dito." Hinawakan ko ang isang kamay niya at isa naman sa batang hawak-hawak niya. Hindi ako nandidiri dahil sanay na ako makipaghalubilo noon sa mga ganitong bata.
"Ano bang gusto niyong kainin?" tanong ko habang nagpalinga-linga para maghanap ng makakainan. Buti na lang talaga sling bag lang ang dinala ko. May kaunti pa naman yatang natitira sa card na'to.
BINABASA MO ANG
A Life With Five Attorneys ✔
Romance"Iharap mo muna ako sa altar, bago mo ako iharap sa naninigas mong alaga." She is Margarette Leora Bartolome, the woman suffering from narcolepsy. Her parents died but she did not know that because she was asleep in those days. She's suffering from...