Kabanata 5

233 6 10
                                    

MARA

"Kailangan ba talagang magsuot ng ganito? Para akong sinaunang pokpok dahil sa suot ko!" Hindi ko maiwasan ang mapakamot sa balat ko dahil sa kating dulot ng telang suot ko. Ilang linggo niya akong sinanay na magsuot ng ganitong klase ng damit at sandals na may matataas na takong. Pero gano'n pa rin, tila'y walang pagbabago. Hindi pa rin ako sanay, idagdag mo pa ang kabang kanina pa umaaligid sa kalooban ko.

"Tss," asik niya. Tanging pag-irap lang ang nagawa ko lalo na't papasok na kami sa loob ng malaking bahay. Bahay pa ba 'to? Doble ang laki nito kumpara sa bahay ng limang attorney. Cool! Pati pader parang may gintong nakatanim. Dahil sa pagkamangha ko, nagpalinga-linga na lang ang mata ko sa bawat parte ng bahay na madadaanan ko.

"Gawin mo kung anong tinuro nila sa'yo. Act like a professional, baby, please?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig kung gaano kalambing ang pagkakabigkas niya sa napagkasunduan naming endearment.

Baby....

"Okay, b-baby..." Tumikhim na lang ako para hindi niya mahalata ang kabang kanina pa sumasakop sa akin. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob nang bigla niyang hinablot ang aking braso at isinukbit sa braso niyang nakaawang rin. Hindi ko maiwasan ang mapingiti dahil napaka-normal tignan kapag siya na ang gagalaw. Para bang walang pagkukunwari o napagkasunduan sa ginagawa namin. Malabo rin naman na magkatotoo 'to. Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa loob ng dining area nila at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pamilya ni Saint sa mahabang lamesa.

“Saint?”

“Hmmm?”

“Kinilabutan ako sa pa-Baby mo.”

“Did you just call my name to say that? Tch.”

“Hindi. Kinakabahan ako ng mga one half.”

"Don't worry, it's just my family and lolo. Please, act like a professional, okay?" Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis para hindi mahalata na peke ang lahat. Tanging pagtango na lang ang nagagawa ko dahil sa mapaglarong kaba.

"Emeee! Is she your wife?" Nag-aalangan man, lumapit pa rin ako sa kanila para pormal na makipag-beso-beso. Buti na lang may nagturo sa akin kung paano gawin 'to. Hindi naman ako sanay sa ganitong batian dahil sa probinsya, pagmano lang ay sapat na.

"Where's Sachi, mom?" usal ni Saint habang hinihila ang upuang para sa akin. Umupo ako roon. Katabi ko siya at kaharap ko naman ang mama niya habang nasa dulo naman ng lamesa ang tinutukoy niyang lolo. Nanlalamig na rin ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Gan'to pala 'yong kaba ng mga taong ipapakilala sa magulang ng kasintahan nila? I scoffed.

"So, you are the fiancé of Saint?" Huminga ako ulit ng malalim at ngumiti bago siya sinagot.

"Yes, I'm his fiancé and soon to be his wife, sir," diretsong saad ko ng may nakaukit na ngiti sa'king labi. Buti na lang tinuruan nila ako ng english dahil kung hindi, baka hindi pa nagsisimula 'to ay nasa labas na 'ko. Naramdaman ko ang pumatong na mainit na palad sa kamay kong nanlalamig. I don't know why, but I felt happy because of what he did.

"To tell you frankly, I don't like you." Sunod-sunod akong napamura sa aking isipan dahil sa'king narinig. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot at gagawin ko. Animo'y isang bala ang tumama sa'kin, pati utak ko ay hindi alam ang gagawin. Sungit-sungit mong tanda ka! Mabulunan ka sana!

"Uncle, please respect her. Nandito lang kami para ipakilala ang mapang-aasawa ng anak ko sa'yo, dahil iyon ang kinalakihan namin. Please respect her," saad ni Tito Santi. Dahil doon nagkaroon ako ng lakas na lingunin ang lalaking nasa dulo ng lamesa at buong tapang na sinagot.

A Life With Five Attorneys ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon